LIWAY Kami ay kasalukuyang lulan ng baroto pagka't kami ay muling magtutungo sa lugar kung nasaan ang pamilihan. Aking kaagapay ang Hara Haleya na siyang kasalukuyang nakasaklob ng isang makapal na balabal. Ito ay aking balabal, subalit ipinagkaloob ko ito sa Hara ng pansamantala upang magsilbing panangga nito mula sa nangangalit na init ng adlaw. Aking naibaling ang pansin sa duhang (dalawang) mandirigmang aming kaagapay, sila ay maingat na sumasagwan sa banayad na tubig ng dagat. Ako ay nagbaba ng tingin sa kay linis na tubig at mamamalas dito ang imahe ng adlaw mula sa kalangitan. Hindi naglaon ay akin na ring natanaw ang dakong kinaroroonan ng pamilihan, maging ang Hara Haleya ay kasalukuyan na ring nakatanaw dito. Ako ay sandaling nanahimik pagka't aking nasariwa sa aking isipan a

