HALEYA Kami ay kasalukuyang lulan ng baroto (bangka) habang aming binabaybay ang malawak na dagat. Ang adlaw ay nalalapit nang magkubli kung kaya't kami ay maaaring maabutan ng dilim ng gabi. Hindi ko magawa ang sumulyap sa tubig ng dagat pagka't ako ay labis pa ring nakadarama ng agam-agam at pangamba sa tuwing aking naiisip ang madilim na kailaliman nito. Bahagya nang nangunot ang aking noo pagka't tila kanina ko pa nababanaag sa mukha ng aking uripong si Liway ang kakatwang pangamba. Siya ay tila hindi magkanda-ugaga sa pagsulyap sa aming kapaligiran. "Ano at ikaw ay tila nangangamba, Liway?" tanong ko rito, subalit ilang sandali na ang lumipas ay tila ako ay hindi nito narinig kung kaya't siya ay walang naitugon sa akin. Hindi ko na lamang napigilan pa ang aking mga matang umikot at

