LUMAD Tanging lagatok lamang ng sahig na aking kasalukuyang nilalakaran ang maririnig dito sa paunang tanggapan ng aming balay. Ilang sandali pa ay dumatal sa aking harapan ang isang mandirigmang naatasan kong maghintay sa pagdatal nila Liway at Haleya sa b****a ng aming banwa. "Mahal na Datu, paumanhin subalit sila ay hindi pa rin dumadatal," bungad na turan nito sa akin upang mag-ulat. Ako ay marahan na lamang tumango rito bilang tugon sa kanyang mga tinuran, matapos no'n ay yumukod ito sa akin bago nito tuluyang lisanin ang aking harapan. Ako ay natingala sa kalangitan pagka't tunay na kay dilim nito, ang bulan ay tila nagkubli kung kaya't batid kong madaling baybayin ang karagatan sa ganitong kalagayan. Ako ay nagbaba ng tingin at muling nagbalik sa paglalakad-lakad, hindi ko man n

