HALEYA Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking sariling imahe sa salaming nasa aking harapan, habang kasalukuyang nilalagyan ni iloy (ina) ng mga palamuting bulawan (ginto) ang aking buhok makintab at mahabang buhok. "Tunay na kay rikit ng aking anak," turan ng aking iloy na siyang naging dahilan upang ako ay lumingon sa kanya rito sa aking likuran. Ako ay kanyang sinalubong ng matamis na ngiti at banaag sa kanyang mga mata ang labis na pagmamahal at pagkandili nito sa akin. "Daghang salamat, iloy," tugon ko sa tinuran ng aking iloy, kaakibat ang aking matamis na malawak na ngiti. Subalit unti-unti ring nawaglit ang aking mga ngiti sa labi no'ng sandaling ako'y marahang nagbaba ng tingin. "O, ano at ikaw ay tila nalungkot?" narinig kong tanong ni iloy sa akin, subalit tanging pag-iling

