Kabanata XXXIII: Ang Mapaghiganting Ginoo

2174 Words

LIWAY Kasalukuyang humahakbang palapit sa aming harapan ang dakilang mamamaslang na walang iba kundi si Dilan. Kaakibat ng bawat hakbang na kanyang ginagawa ay ang pagbigat ng aking paglunok at pagbilis ng t***k nitong aking puso. No'ng sandaling siya ay tuluyan nang makadatal sa aking kinaroroonan ay kagyat niyang punutol gamit ang kanyang duguang kampilan ang gapos sa aking mga kamay. "Ano at ikaw ay tila kanina pa tahimik, Liway? Ikaw ba'y hindi nasisiyahan sa ating muling paghaharap?" narinig kong turan nito na siyang naging dahilan ng kagyat kong pag-iwas ng tingin upang ibaling ito sa aking mga kamay na ngayon ay tuluyan ng lumaya mula sa mahigpit na pagkakagapos. Ako ay akma nang tutugon sa kanyang mga tinuran no'ng sandaling ako ay matigilan pagka't ito ay tuluyan nang lumisan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD