HALEYA "Goong!!! Guung!!!" Ako ay napabalikwas ng bangon dahil sa malakas na tunog na tila nanggaling sa isang malakas na paghampas sa isang bagay na mayroong kakayahang makapagbigay ng malakas na tunog. (Gong) "Ano ang tunog na iyon, Liway?" dagli kong tanong sa aking uripong si Liway no'ng sandaling ito ay bumalikwas na rin ng bangon at kagyat na tumanaw sa labas ng durungawan (bintana) nitong aming silid. "Hindi ko rin batid, mahal na Hara. S-Subalit nakatitiyak akong mayroong nagaganap na hindi kanais-nais," tugon nito sa akin na siyang naging dahilan ng marahan kong paglunok sa aking sariling laway. Ilang sandali pa lamang ay dagli ring nabaling ang aking tingin sa lagusan nitong silid pagka't bumungad doon ang uripong si Talina, ang isa sa mga uripong kaagapay namin doon sa silid

