TARONG Ang adlaw na ito ay tila nag-uumapaw sa panlulumo't hinagpis, pagka't ang tanging maririnig lamang sa paligid ay ang pagtangis ng mga kaanak ng ilang mga mandirigmang nasawi sa naganap na tunggalian. Labis ang aking panlulumo sa aking namamalas pagka't kasalukuyang ikinukubli ngayon sa ilalim ng lupa ang ilan sa mga magigiting kong mandirigma na siyang napaslang ng mga mangangayaw. Batid kong ang mga mangangayaw na iyon ay nangangalap lamang ng kanilang makakamkam na kagamitan at bulawan upang magsilbing lakas ng kanilang pinagmulang banwa. Subalit sadyang nagkamali sila ng banwang napiling kubkobin. Ang mga labi (bangkay) ng mga mangangayaw ay amin na ring ibinalik sa banwang kanilang pinagmulan pagka't batid ko kung sino ang Datung namuno sa kanila na siyang napaslang ng aking

