LUMAD Ako ay kasalukuyang kumakaon ng aking pananghilaan kasalo ang aking baba, no'ng sandaling kami ay makarinig ng mga panaghoy mula sa labas ng aming balay. Ilang sandali pa ay dumatal sa aming harapan ang isa sa aming mga mandirigma, ito ay yumukod sa amin bago ito tuluyang mag-usal ng salita. "Mahal na Datu, ang ating mga kabanwa ay nais kayong makaharap," saad nito sa akin na siyang naging dahilan upang mangunot ng bahagya ang aking noo. Tila mayroong hindi kaaya-ayang kaganapan. Ako ay napabuntong-hinga na lamang bago ako tuluyang tumayo mula sa aking pagkakasalampak sa harapan ng aming hapag kainan. Ako ay nagsimula nang humakbang upang tahakin ang daan palabas ng aming balay, maging ang magdirigmang nagbigay ng ulat sa akin ay siya tumalima na rin sa aking likuran. Hindi naglao

