Kabanata XXIV: Ang Nalutas na Suliranin

1002 Words

LUMAD "Mahal na Datu, narito po ang punong babaylan," narinig kong saad ng isa sa mga mandirigmag naatasan kong magbantay sa harapan ng aming balay. Ako ay kagyat nagbaling ng tingin sa kanya na siyang naging dahilan upang mamalas kong kaagapay niya sa kanyang likuran ang aming punong babaylan. Hindi nagtagal ay lumisan na rin sa aming harapan ang aking magdirigma no'ng ito ay tulutan ko nang lumisan. Ako ay tumayo mula sa aking pagkakaupo upang yumukod at magbigay galang sa aming punong babaylan. "Maayong gabii, punong babaylan," aking bungad na wika na siyang marahan niya lamang tinanguan. Ako ay muli nang sumalampak sa harapan ng aming hapag kainan pagka't nalalapit na rin ang pagkaon ng aming hapunan. "Halina at ako ay inyong saluhan sa aking hapunan," aking alok sa aming punong b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD