LIWAY "Lapastangan!" mariing usal ng Hara sa Datu at nababakas sa kanyang tinig ang labis na pagkayamot at galit. Subalit ito ay hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin bagkus ay nanatili akong nakatingin sa kaharap nitong Datu. Ako ay lubhang nababahala sa mga ikinikilos ng Datu Lumad, ang kanyang paraan ng pagwiwika at maging ang paraan ng kanyang pagtitig sa Hara ay tunay na kakaiba. "Tayo na, Liway!" bulyaw ng Hara sa akin kung kaya't nabaling ang tingin ko sa kanya. Ito ay tumalikod na sa amin at nagsimula nang humakbang palayo, kagyat naman akong nagbaling ng tingin kay Datu Lumad na siyang naging dahilan upang ito magbaling na rin ng tingin sa akin. "Hanggang sa muli, Liway," usal nito na siyang aking bahagyang ikinalungkot, gayunpaman ay marahan na lamang akong tumango at yumukod

