LIWAY Kasalukuyan naming binabaybay ngayon ang malawak na dagat habang kami ay lulan nitong baroto na siyang kinalululan din ng mahal na Datu. Tila pinagigitnaan namin ngayon ang Hara sa ayos ng aming pagkakaupo, pagka't ako ay nakaupo sa likod ng maha na Hara, samantalang ang Datu ay nakaupo naman sa harapan nito. Mayroon ding dalawang mandirigma sa bawat hangganan ng baroto pagka't sila ang sumasagwan sa tubig ng dagat. Ang iba pang mga mandirigma ay lulan din ng isa pang baroto, at sila ay kasalukuyang nasa aming unahan ngayon. Sila ang aming sinusundan upang magsilbing gabay sa madilim na gabi pagka't kami ay naabutan na ng paglubog ng araw. Sila rin ang nagsilsilbing tanglaw namin dahil sa kanilang mga hawak na sulo. Ang aming sinasakyang baroto ay mayroon ding mga sulo, subalit higi

