HALEYA Isang napakasakit at napakalakas na sampal ang daglian kong iginawad sa pagmumukha ng tampalasang Datu. Mula sa pagkakalihis ng kanyang mukha ay muli niya itong iniharap sa akin. Naikuyom ko na lamang ang aking mga palad no'ng siya ay muling ngumisi na tila ba labis akong pinagmamataasan at hinahamak. "Kay lakas ng iyong loob na ako ay hamakin! Ako na nanggaling sa maharlikang angkan ay uutusan mong maging isang uripon?!! Nahihibang kana!!!" singhal ko sa pagmumukha nito kaakibat ang nagpupuyos kong galit sa kanya. Subalit sa halip na mamulat ito sa kanyang sariling kahibangan ay tumayo pa ito mula sa kanyang pagkakaupo upang humakbang pababa sa hagdan. No'ng siya ay tuluyan nang makababa ay bahagya akong napaatras dahil nasa harapan ko na ito ngayon. "Ikaw ay wala nang magagawa

