LUMAD Matiim kong pinagmamasdan ang tuyong lupa na siyang aking kasalukuyang natatapakan pagka't ito ay aking tinatahak patungo sa bahaging lupain na taniman ng mga bungang kamoteng kahoy. Nadarama ko na rin ngayon sa aking balat ang mainit na sikat ng adlaw, subalit ito ay katamtaman lamang at hindi ito gaanong mapanakit sa balat. Ngayong adlaw ay ang itinakdang panahon upang magkaroon na ng bisa ang aming napagpasyahang kasunduan ng Hara. Ang kasunduang magbibigay sa akin ng karapatan upang ang Hara ay matulutan kong maging isang uripon. Ito ay karapatdapat lamang sa tulad niyang mapanghamak at mapagmalupit sa mga uripon, nais kong siya ay mamuhay bilang isa sa kanila upang kanyang maranasan ang hirap ng pagiging isang uripon. Nang sa gayon ito ay mamulat sa kanyang mga ginawang kapala

