Hindi pa man niya nakikita ang taong nasa likod niya ay hindi na niya napigilan pa ang sariling mapaiyak. Hinampas niya ang balikat ni Hance na napako ang tingin sa nasa likod niya. Dahan-dahan niyang ipinihit ang sarili at nti-unti ay nakita niya ang dalawang bulto na sobrang pinanabikan niyang makita. Tuluyan na siyang napahikbi nang makita ang magkambal na kapwa nakangiti sa kanya at nasa mga mukha ng mga ito ang sobrang saya at pangungulila din sa kanya. Oh, God knows how mush she missed them so much! May mga araw na naiisip niyang magpakita na sa mga ito pero laging may pumipigil sa kanyang gawin iyon lalo pa at hindi naging maganda ang naging takbo ng kalusugan niya sa mga nagdaan buwan. Bumitiw siya sa pagkakayakap kay Hance at maingat na tumayo upang malapitan ang mga ito, nakaa

