Matapos magsalita ay inakay na siya nito at nauna na silang lumabas ng condo ni Hance, nakangiti siyang nakahawak sa braso nito at nagpasalamat, habang ang dalawa naman ay tahimik lang at nagpapalitan ng masasamang tingin sa isa't isa. Habang sakay sila ng kotse papunta sa Mall ay ikinuwento niya kung ano ang mga nangyari sa kanya sa mga nakalipas na buwan at kung saan siya nakatira ngayon. "You mean, sumama ka sa isang estranghero at nagsama kayo sa iisang bahay lang? Are you insane? Paano na lang pala kung masamang tao ang nakilala mo, di mas lalo kang napahamak niyan!" madilim ang anyong paninita ni Hance sa kanya. "Insane ka diyan! She know what she's thinking tsaka isa pa hindi naman siguro siya sasama sa isang tao kung hindi niya din feel sumama. At mas lalong mas maganda na may n

