PAGKATAPOS ng kulitang naganap sa kusina ay inihatid si Lenneth sa kwarto nito. Nagkuwentuhan muna sila hanggang sa makatulog na ang dalaga sa balikat niya. "Kay gandang dalaga naman talaga nitong si Lenn, sayang lang at tinakbuhan lang ng isang walang kuwentang lalaki," malungkot na saad ni Nana Celia at nasa boses ang panghihinayang. Ngiti lang ang itinugon niya sa sinabi nito, masuyo niyang hinaplos ang ulo nito at kinintalan ng pinong halik. "Kung hindi siya iniwan ng lalaking iyon, imposibleng magkaroon ng dalawang anghel dito sa mansyon ngayon," sagot naman niya dito. Napangiti ang matandang babae sa sinabi ng kanyang alaga. May sumungaw na munting luha sa gilid nang kanyang mga mata. Parang sa sinabing iyon ni Andrew ay narealize nitong tama nga ang binata. Simula nang maulila a

