"Kaya ka nagkakaganyan dahil sa sinabi ng babaeng iyon sa'yo? Hindi mo ba naisip na pinapaikot ka lang ng babaeng iyon? Na ginagamit ka lang niya para pasakitan ako't iwan? Hindi ko alam na uto-uto ka na pala ngayon," puno ng sarkasmo ang tono ng pananalita niya. Nagtagis ang bagang ni Ace at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Wala kaming relasyon ng pinsan mo, I'm just his secretary and he's my Boss. Walang namamagitan sa aming dalawa," kalmado niyang sagot dito. "Really? And do you expect me to believe you?! Damn it Lenneth! Walang kahit na sinong sekretarya ni Kenneth ang hindi niya nagagalaw at napagsasawaan!" singhal nito at nagsalin ng whiskey sa baso nito at tinungga. Pagkatapos tunggain ang alak ay tinapunan siya nito ng malamig na tingin. " Hindi ako ang ama n

