"Mrs. Morales, you will be the next!" sigaw ng receptionist. Dahan-dahan akong tumayo at nakangiting humarap dito. "Miss pa lang ako," simpleng tugon niya. Natahimik naman ang receptionist at alanganin siyang nginitian, iginiya siya nito papasok sa loob ng clinic ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang bulungan ng ma babaeng kanyang nadaanan. "Kay ganda niyang babae ngunit nadisgrasya lang, tsk! Tsk! Tsk!" mahinang saad ng buntis na nasa unang upuan. "Dala siguro ng kalandian iyan, tiyak ako may asawa ang nakabuntis sa kanya. Ipapaputol ko pa ang mga daliri ko sa paa kapag mali ako," bulong pa ng isa. "Tumigil nga kayo, mamaya niyan marinig kayo, nakakahiya!" saway nung pangatlong babae na inirapan pa ang dalawa. Huminto siya sa harap ng mga ito at tinignan ang pangalawang babae s

