PAGKARATING nila sa Mall ay agad niyang hinila si Andrew papunta sa DQ, hindi niya talaga mapigilan ang pagkatakam sa cookies and cream. Naghanap ito ng table nila at nang makaupo siya ay agad itong nagtungo sa counter para umorder ng pagkain. Sinundan niya ito ng tingin habang patungo sa counter at nang makapila ito ay panay ang tingin nito sa kanya. Minsan ay parang may sinasabi ito ngunit hindi niya maintindihan dahil sa layo nila sa isa't-isa kaya naman napapailing na lang siya at sinisenyasan itong tumahimik na lang. Andrew was the one who helped her in many ways. Hindi niya akalain na magtitiwala pa din siya sa isang lalaki sa kabila ng kabiguang nangyari sa kanya sa nakaraang apat na buwan. Si Andrew ang nagtulak sa kanya upang magpatuloy pa sa buhay at lumaban alang-alang sa bata

