CHAPTER 2

3085 Words
THIRD PERSON POV Marahang binitiwan ni Soledad ang hawak na kurtina ng malaking bintana ng kwarto nila ng kanyang asawang si Aaron nang makumpirma mula sa pagsilip sa French window na dumating na ang kanyang mister mula sa kung saang lupalop ng Pueblo Luntian. Sigurado siyang sinadya ng kanyang esposo na umuwi nang ganitong oras ng gabi para bukas na nang umaga nito makita ang panganay na kapatid. Kaninang umaga ay dumating na ang kanyang bayaw mula sa halos dalawang taong pagtatrabaho nito sa Manila at ganoon na lamang ang pagkagulat ni Soledad nang makaharap na niya ang fiancée ni Lander. Ang babaeng naging dahilan ng ilang taong kalungkutan ng kanyang kapatid. Natatandaan pa ni Soledad ang naging eksena kaninang umaga nang salubungin niya ang pagdating ng kanyang bayaw kasama ang fiancée nito. Tinitikman ni Soledad ang sabaw ng nilutong adobo ng isa sa mga kasambahay nang marinig niya ang ugong ng isang sasakyan mula sa labas ng mansyon ng mga Jarandilla. Kaagad niyang iniabot ang sandok sa kasambahay at pinuntahan ang malawak na dining room. Pinasadahan niya ng tingin ang mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa. Nakahain sa hapag ang dalawang lechon, ang mga inihaw na liempo, sinigang, kare-kare, pancit palabok, laing, at kung anu-ano pang pagkain. Nang masiyahan sa kanyang nakita sa mesa ay kaagad siyang lumabas ng dining room at naglakad patungo sa foyer ng mansyon. Nakita niyang nakaabang na sa magkabilang gilid ng nakabukas na main entrance door ang dalawa sa mga kasambahay ng pamilya Jarandilla. Palapit pa lang sa malaking pintuan ng mansyon si Soledad ay bumungad na sa kanya ang kanyang bayaw na si Lander kasama ang babaeng nasa tabi nito. Ganoon na lamang ang kanyang pagsinghap nang mamukhaan ang babae. Ang babaeng nasa kanyang harapan ay walang iba kundi ang dati niyang matalik na kaibigang si Harmony Fabellana. Ang babaeng hindi sumipot sa araw ng kasal nito at ng kanyang kapatid na si Gustavo. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata ni Soledad habang tinititigan si Harmony na ang ngiti sa mga labi ay halatang pinipilit magmukhang normal. Harmony: S-Soledad. Para pang binuhusan ng malamig na tubig si Soledad nang marinig ang tinig ng boses ng dating kaibigan habang titig na titig siya rito. Lander: Aren’t you surprised, hipag? Kanina ko lang nalaman mula kay Gustavo na dati niyo pa lang kababata si Harmony. Small world, isn’t it? Sa sinabing iyon ni Lander kaya bumaling dito ang atensyon ni Soledad. Kababata? Iyon ang tanong na pumasok sa isipan ni Soledad dahil hindi naman niya kababata si Harmony. Nakilala niya ang babae noong nag-aaral sila sa College at doon nagsimula ang kanilang magandang pagkakaibigan. Dahil sa kanya kaya nakilala ng kanyang kapatid si Harmony. Nagkamabutihan ang loob ng dalawa hanggang sa naging magkarelasyon ang mga ito. Sa huli ay inaya ng kapatid ni Soledad si Harmony na magpakasal. Isang kasal na hindi natuloy dahil sa rason na hindi malinaw sa kanya hanggang ngayon. Akmang sasagutin ni Soledad ang sinabi ng kanyang bayaw nang biglang sumulpot ang kanyang kapatid sa entrada ng mansyon. Kasama nito ang dalawa sa mga tauhan ng kanilang bottled local product business dala ang mga maleta nina Harmony at Lander. Nakita ni Soledad ang marahang pagtango sa kanya ng kanyang kapatid at alam na niya ang ibig sabihin niyon. Sinadya nitong hindi sabihin sa kanyang bayaw ang katotohanan sa dati nitong relasyon kay Harmony. Ang ibig sabihin lamang niyon ay kailangan niyang magpanggap na magkaibigan pa rin silang dalawa ni Harmony at hindi masama ang kanyang loob dito dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang kapatid nang walang maayos na dahilan. Kinakailangan niyang ipakita sa lahat na hindi siya naaapektuhan sa presensya ng dating kaibigan. Masayang ngumiti si Soledad kay Lander at nakipag-beso rito. Soledad: Good to see you back, Kuya Lander. And, yes, sadyang maliit ang mundo. Who would have thought na magiging bilas ko ang best friend ko? Isang pekeng ngiti ang iginawad ni Soledad kay Harmony nang lingunin niya ito. Nang tingnan ni Soledad ang mga mata ni Harmony ay nakita niya roon ang pag-aalinlangan. Sigurado siyang hindi rin ito komportable sa sitwasyong kinalalagyan nila ngayon. Alam ni Soledad na dalawang buwan mag-i-stay sa Pueblo Luntian ang kanyang bayaw para sa preparation ng kasal nito at ni Harmony. Ngayon pa lang ay iniisip na niya kung paanong pakikitunguhan ang dating kaibigan sa mga susunod na linggo lalo pa nga at maninirahan silang dalawa sa iisang bubong. Lander: Hindi mo ba yayakapin ang matalik mong kaibigan, hon? Matagal na panahon din kayong hindi nagkita. Parang itinulos sa kanyang kinatatayuan si Soledad nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang bayaw. Napansin niya ang sandaling pag-aalangan ni Harmony ngunit kaagad din naman siya nitong niyakap nang mahigpit. Nabigla si Soledad sa paraan ng yakap na iginawad sa kanya ng dating kaibigan. Harmony: Na-miss kita, Soledad. Hindi alam ni Soledad kung sincere si Harmony sa pagsasabi ng mga katagang iyon ngunit may kung anong naramdaman siya sa kanyang puso nang marinig ang mga salitang iyon mula sa dating kaibigan. Sandaling dumaan sa isipan ni Soledad ang mga pinagsamahan nilang dalawa ni Harmony noong mga panahong palagi nilang tinutulungan ang isa’t isa sa tuwing nagkakaroon ng problema ang sinuman sa kanilang dalawa. Kung hindi lamang alam ni Soledad kung ano ang ginawa ni Harmony sa kanyang kapatid noon ay baka ginantihan niya pa ng mas mahigpit na yakap ang ginawa nitong pagyakap sa kanya. Ngunit malinaw pa rin sa isipan ni Soledad ang sakit na iniwan ng dating kaibigan sa kanyang kapatid at kahit hindi nagsasalita ang kanyang Kuya Gustavo ay alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan. Matapos alalahanin ang nangyari kanina ay dahan-dahang lumapit si Soledad sa malaking kama nilang mag-asawa. Umupo siya sa gilid nito at hinintay ang pagpasok ng kanyang asawa. Kanina habang kumakain siya ng hapunan sa hapag kasama ang dating kaibigan, ang kanyang kapatid, at ang kanyang bayaw, ay kinumusta ni Lander ang negosyong iniwan nito kay Aaron. Ilang beses na pinagtakpan ni Soledad ang mga kapalpakan ng kanyang asawa. Nang marinig ni Soledad ang pagbukas ng pintuan ng kanilang kwarto ni Aaron ay huminga siya ng malalim bago ipinaalam dito ang mga sinabi ng kapatid nito. ---------- Sa loob ng malaking study room ni Lander ay narinig niya ang pagdating ng kanyang kapatid. Alam na alam niya ang tunog ng motorsiklo nito kahit noong mga binata pa lamang silang dalawa. Ang motor ng kapatid ni Lander na itinuturing nitong prized possession dahil bigay pa ito kay Aaron ng kanilang pumanaw na ama. Kahit kailan ay walang pinasakay na ibang tao ang kanyang kapatid sa pag-aari nitong motorsiklo maliban sa sarili nito. Dahan-dahang ibinaba ni Lander sa ibabaw ng desk ang larawang kanina pa niyang pinagmamasdan habang iniisip ang fiancée na si Harmony. Hindi siya makapaniwalang ang babaeng kanyang pakakasalan ay ang best friend pa pala ng kanyang hipag. Nang malaman niya mula kay Gustavo na kababata nito at ng kapatid nito si Harmony ay aaminin niyang nakaramdam siya ng pagkamangha dahil isang patunay iyon na maliit ang mundo. Matalik na kaibigan ng babaeng pakakasalan niya ang misis ng kanyang bunsong kapatid. Umaasa si Lander na makakasundo ng kanyang kapatid si Harmony dahil kung hindi ay magiging sanhi na naman iyon ng kanilang hindi pagkakaintindihan bilang magkapatid. Hindi kayang bilangin sa kanyang mga daliri kung ilang beses niyang nasaksihan ang halos araw-araw na pagbabangayan ng kanyang kapatid at ng kanyang unang asawa noon. Hindi gusto ni Aaron ang first wife niyang si Regina dahil ang pakiramdam nito ay pinakasalan lamang siya ng babae dahil sa kanilang yaman at hindi dahil mahal siya nito. Ngunit para sa kanya ay minahal siya ni Regina nang tapat at totoo. Nang pumanaw ang asawa ni Lander dahil sa isang aksidente ay naging tahimik ang mansyon ng mga Jarandilla ngunit damang-dama niya ang mas lumaking agwat sa pagitan nilang magkapatid. Madalas na lamang silang mag-argumento sa tuwing nag-uusap silang dalawa na nauuwi sa pag-iiwasan. Isa na ngang patunay ang ginawang pag-iwas ng kapatid ni Lander na makita siya sa unang araw ng kanyang pagbabalik sa Pueblo Luntian. Sigurado siyang hindi totoo ang sinabi ng misis nitong si Soledad sa hapunan kanina na abala si Aaron sa paghahanap ng bagong suppliers para sa bottled local product business ng mag-asawa. Malalim na nagbuntung-hininga si Lander at maingat na ibinalik sa loob ng drawer ng desk ang larawan at ini-lock iyon. ---------- Nakapatong ang kanang bisig ni Gustavo sa kanyang noo habang nakahiga sa kanyang kama at binabalikan sa isipan ang muli nilang pagkikita ni Harmony kaninang umaga. Ang babaeng dapat ay kanyang mapapangasawa kung dumating lamang ito sa simbahan nang araw ng kanilang kasal. Naramdaman niya ang pagkabog ng kanyang dibdib nang muling masilayan ang magandang mukha ng babaeng una niyang minahal at minamahal pa rin hanggang sa ngayon. Hindi pa rin nagbabago ang mukha ng babae at nanatiling maganda sa paglipas ng panahon. Kanina nang pasimpleng hagurin ng mga mata ni Gustavo ang makurbang katawan ni Harmony na nababalutan ng suot nitong white long-sleeved blouse at light gray midi skirt habang katabi nito ang fiancé na si Lander ay bumalik sa kanyang alaala ang mga panahong magkayakap silang dalawa sa ilalim ng mga nagkikislapang bituin. Parang gustong tawirin ni Gustavo ang distansya sa pagitan nilang dalawa ni Harmony at yakapin nang mahigpit ang babae kasabay nang pag-angkin sa mga labi nito. Nang makatabi niya sa loob ng owner-type jeep si Harmony habang minamaneho niya ang sasakyan ay nakaramdam siya ng pagkabuhay ng laman. Nanuot sa kanyang ilong ang nakakaakit na amoy ng ginamit nitong female perfume. Ganoon na lamang ang pagpipigil ni Gustavo na huwag abutin ang katawan ni Harmony at kuyumusin ng halik ang mga malalambot na mga labi nito. Malakas na tumikhim si Gustavo dahil nararamdaman na niya ang unti-unting pagkabuhay ng laman sa pagitan ng kanyang mga hita habang inaalala ang mga sandaling kasama niya si Harmony kanina. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at umaasang dalawin na siya ng antok kahit hindi maalis sa kanyang isipan ang babaeng iniibig. ---------- Nanlilisik ang mga mata ni Aaron habang umiinom ng malamig na tubig sa loob ng malaking kusina ng mga Jarandilla. Iniisip niya pa rin ang mga ikinuwento sa kanya ng misis na si Soledad nang pumasok siya sa kwarto nilang mag-asawa kanina. Sinadya niyang hindi magpakita sa kanyang kapatid sa unang araw nang pagbabalik nito sa kanilang lugar dahil hindi pa siya handang marinig ang mga sasabihin nito sa kanya na may kinalaman sa hindi niya maayos na pamamalakad sa negosyong iniwan nito sa kanya. Madalas na siya ang dahilan kung bakit kulang ang raw materials para sa kanilang bottled local products dahil hindi niya nao-order on time. Ilang beses niya ring hindi nachi-check kung tama ba ang bilang ng ordered items na ipinapadala sa kanilang mga kliyente. Siya rin ang dahilan sa mga financial leakage dahil sa kanyang minsanang impulsive purchases. Minsan din ay dala ng pakikisama sa mga barkada ay nagagamit niya ang pera ng negosyo para sa luho ng mga ito. Hindi rin marunong mag-lead ng mga tauhan si Aaron kaya minsan ay sa kanyang asawa lumalapit ang mga ito. At kung minsan pa ay sa kanyang bayaw na si Gustavo na labis niyang ikinaiinis. Tama nga ang kanyang desisyon na huwag magpakita sa kanyang kapatid sa unang araw nang pagbabalik nito sa Pueblo Luntian dahil kung siya ang nakarinig sa mga sinabi nito kay Soledad ay malamang na nagkagulo na sa kanilang hapag kanina. Pagkapasok ni Aaron sa loob ng kwarto nila ni Soledad kanina ay ibinalita nito sa kanya na gusto ng kanyang Kuya Lander na simula bukas ay si Gustavo na ang maging Manager ng kanilang negosyo maliban pa sa pagiging Production Supervisor nito. Samantalang siya ang magiging panibagong delivery guy. Parang gustong manakit ng tao ni Aaron dahil doon. Palaging ipinamumukha sa kanya ng kapatid na si Lander na mas magaling ang kanyang bayaw sa kanya. Pabagsak na inilapag ni Aaron sa ibabaw ng mesa ang baso ng tubig. Saka lang niya naalalang hindi na siya nakapag-shower dahil sa inis na kanyang naramdaman nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. Gusto niyang magpalamig ng ulo. Naisip ni Aaron ang malaking pool sa likod ng mansyon. Naglakad siya palabas ng kusina bitbit ang inis na parang hindi maalis-alis sa kanyang dibdib. Palagi na lang siyang ibinababa ng kanyang kapatid. Wala itong tiwala sa kanya lalo na pagdating sa paghawak ng negosyo. Hindi rin gusto ni Aaron na palagi siyang ikinukumpara ng kanyang kapatid sa bayaw na si Gustavo. Mas pinagkakatiwalaan pa nito ang kapatid ng kanyang asawa kaysa sa kanya sa pagpapatakbo ng kanilang family business. Nang makalabas siya ng mansyon at makalanghap ng sariwang hangin ay hindi man lamang niyon nabawasan ang init ng ulo ni Aaron. Parang gusto niyang sumabog. Habang naglalakad sa madilim na hardin ay sinipat niya ang malaking mansyon. Patay na ang lahat ng ilaw sa loob maging sa kwarto nilang mag-asawa. Tahimik ang buong paligid. Sa kaisipang maaaring tulog na ang lahat ay isang ideya ang nabuo sa isipan ni Aaron. Sigurado siyang walang makakakita at makakapigil sa kanyang nais gawin nang mga sandaling iyon. Bata pa lamang si Aaron ay mahilig na siyang magrebelde. Kapag nararamdaman niyang napagkakaisahan siya ay lalong lumalabas ang ugali niyang gustong gawin ang anumang bawal. Isang bagay na hindi inaasahan. At nang oras na iyon ay isang bagay lamang ang tumatakbo sa isipan ni Aaron. Iyon ay ang maglunoy sa malamig na pool nang walang suot na kahit anong saplot sa katawan. Agad na inabot ni Aaron ang laylayan ng kanyang suot na sando at dahan-dahang hinubad. Basta na lamang niyang inihagis sa kung saan ang puting saplot. Nang kumapit ang kanyang mga daliri sa garter ng kanyang masikip na boxer briefs at hilain iyon pababa hanggang sa bumagsak sa damuhan ay tuluyan nang bumuyangyang ang hubad na katawan ni Aaron sa kadiliman ng gabi. Malamig ang hangin pero mainit ang apoy sa kanyang loob. Hubo’t hubad siyang lumakad palapit sa pool at tumalon sa tubig nang hindi nagdadalawang-isip. Sumalpok ang katawan ni Aaron sa malamig na tubig. Habang lumalangoy ay nararamdaman niyang unti-unting nabubura ang bigat sa kanyang kalooban. Nakaisang lap na si Aaron nang biglang maalala ang isa pang sinabi ng kanyang asawa. Soledad: And you won’t believe this. Ang fiancée ng Kuya Lander mo ay ang ikinuwento kong babae sa iyo noon. Ang ex-fiancée ni Kuya Gustavo. Mariing pumikit si Aaron habang lumulubog sa tubig at iniisip ang sinabi ng asawa. Napakaliit ng mundo dahil ang pangalawang babaeng pinili ng kanyang Kuya Lander na pakasalan ay siya palang dating kasintahan ng lalaking lubos nitong pinagkakatiwalaan. May kung anong naglalaro sa isip ni Aaron habang iniisip kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang kapatid kapag nalaman nitong dating magkarelasyon ang babaeng pakakasalan nito at ang lalaking pinagkakatiwalaan nito sa negosyo ng kanilang pamilya. Lumutang sa tubig si Aaron at huminga nang malalim. Maya-maya ay ipinagpatuloy ang paglangoy nang nakahubad. Sa bawat stroke ng kanyang mga braso ay isa lamang ang kanyang naiisip. Ang babaeng pinagkakatiwalaan ni Kuya Lander ay ang babaeng muntik nang maging asawa ni Gustavo. Pagkaahon ni Aaron sa gilid ng pool ay naglandas ang malamig na tubig sa kanyang matipunong katawan. Tumutulo ang mga butil ng tubig mula sa kanyang buhok, pababa sa leeg, patungo sa kanyang malapad at matigas na dibdib, hanggang sa tiyan niyang bakat ang linya ng mga muscle. Tumayo siya sa tabi ng pool nang walang saplot at ngumisi habang iniisip kung bakit hindi sumipot sa kasal ni Gustavo ang ex-fiancée nito. Niyuko ni Aaron ang sarili at tinitigan ang mahaba at matabang alaga sa pagitan ng kanyang mga hita. Aaron: Baka naman maliit. Ibinulong iyon ni Aaron sa hangin habang pilyong iniisip na maaaring iyon ang dahilan kung bakit hindi pinakasalan si Gustavo ng babaeng ngayon ay fiancée na ng kanyang kapatid. ---------- Sa loob ng separate shower room malapit sa tabi ng pool area ay nakapikit na dinadama ni Harmony ang pagdaloy ng tubig na nagmumula sa showerhead sa kanyang katawan. Hindi siya makatulog dahil sa muling pagkikita nila ng lalaking dati niyang sinaktan kaya naisipan niyang maligo sa malaking pool ng pamilya Jarandilla kanina. Habang naglalandas sa kanyang balat ang malamig na tubig ay bumabalik pa rin sa isipan ni Harmony ang mukha ni Gustavo. Si Gustavo na hindi niya sinipot sa kanilang kasal ngunit hanggang ngayon ay siya pa ring laman ng kanyang puso. Walang ibang lalaki sa buhay ni Harmony ang kanyang minahal katulad nang kung paanong minahal niya si Gustavo. Pumasok din sa isipan ni Harmony si Soledad, ang kanyang best friend na alam niyang nasaktan niya dahil sa kanyang desisyon noon. Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Harmony na muli pang magku-krus ang landas nilang dalawang magkaibigan. At ngayon nga ay magiging bilas pa niya ito dahil si Soledad ang asawa ng bunsong kapatid ng kanyang fiancé. Napabuntong-hininga si Harmony habang ibinabalot sa terry bathrobe ang kanyang katawan. Parang nakaramdam siya ng kalayaan nang maramdaman ang tela sa kanyang hubad na balat. Sa ganitong ayos niya ay mas nararamdaman niya ang kanyang tunay na sarili. Ang katawan niya. Ang pagiging babae niya. Hindi katulad sa mga panahong pinasusuot siya ni Lander ng mga kasuotang halos balutin na ang kanyang buong katawan. Maya-maya ay lumabas na siya ng shower room at lumakad na pabalik ng mansyon. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay isang bulto ng tao ang nakaagaw ng kanyang atensyon. Isang lalaking nakatayo sa gilid ng pool. Nakatalikod. Hubad. Mula sa paa ng lalaki ay dahan-dahan siyang tumingin paitaas. Ang binti nito ay matitigas, maskulado. Pag-akyat ng kanyang mga mata ay tumigil iyon sa tanawing huli na para kanyang iwasan. Ang malamang pang-upo ng lalaki. Napasinghap siya at napaawang ang mga labi. Hindi niya inaasahan ang eksenang iyon. Gusto niyang iwasan ang tanawing iyon ngunit may parte ng kanyang isipan ang binabalot ng kuryosidad. Kaya naman umangat pa ang kanyang paningin patungo sa malapad na likod ng lalaki na nababalutan ng basang tubig at kumikintab sa ilalim ng buwan. At nang mas umangat pa ang kanyang ulo ay doon niya nakita ang mukha ng lalaki. Nakalingon ito sa kanya at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa mga mata ng lalaki ay naroon ang pagtatanong habang si Harmony ay bahagya pang nagulat. Hindi inaasahang nahuli siya ng lalaki sa paghagod na ginawa ng kanyang mga mata sa hubad na katawan nito. Pareho silang hindi gumalaw nang ilang sandali. Sino ang lalaking ito? ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD