"Cron wake up!" Napatakip ako ng aking tenga sa pagsigaw ni Ate. Kitang natutulog yung tao.
"Ihh! Ang aga pa naman! Mamaya na ako gigising!" I shouted back.
Today is Saturday. Wala namang pasok kaya matutulog muna ako. Naramdaman kong may humihila ng aking kumot kaya naman hinila ko din ito pabalik sa katawan ko.
"Ah, ayaw mong gumising ah." Sambit ni Ate.
Natahimik naman ang kwarto kaya sinubukan kong umidlip muna. Salamat at lumabas na din sya.
"Hiyaaaa!" Narinig ko ang sigaw ni Ate at kasabay nun ang paglapat ng malamig na tubig sa katawan ko.
Agad akong napabangon at sinamaan sya ng tingin. Pabalang akong umalis sa aking higaan.
"Ikaw ang maglaba nito ah! Ikaw din naman ang bumasa ng tubig dito eh." Sabi ko sa kanya at dumiretso sa banyo.
"Aba't!"
Magkikita pala kami ni Carol ngayon sa paaralan. May sasabihin daw ito sa akin eh. Siguro sasabihin na nya kung sino ang crush nya? Omg! Kung hindi lang dahil sa epal na bell nung Friday eh.
Pagkatapos kong maligo ay kumain agad ako. I must fill my body because after our meet up I'll be going at our town library. Papa said that there were new books arrived yesterday. It was donated by some other libraries abroad. Mayroon ding mga paintings. Tiyak mauubos na naman oras ko kakatingin doon.
"Ate, alis na ako! Bye!" Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas na ng bahay.
Napakaganda ng panahon ngayon. Hindi masyadong mainit at medyo malakas ang hangin. Binati ako ng mga luntiang kahoy na nakatayo sa gilid ng kalsada. Maaliwalas ang langit na tila nahawaan ng masiglang sikat ng araw.
Pumara ako ng tricycle at sumakay.
"Kuya! Sa Montecito National High School lang po!" Sabi ko sa driver pagkatapos sumakay.
"Ano yun, ineng? Hindi kita marinig!" Sagot naman sa akin ng driver.
Hay nako. Ang bingi naman ni Kuya.
"Sa Montecito National High School lang po ako!" Mas nilakasan ko pa ang pagsagot sa kanya.
"Ah sige-sige!"
Pagkahinto ng tricycle agad akong nagbayad at tumakbo papasok ng school. Bitbit ko ang librong isasauli ko sa library mamaya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa libro baka mahulog ang inipit kong letter na naglalaman ng nararamdaman ni Carol para sa crush niya. Agad akong naglakad ng mabilis nang makita si Carol na nakaupo sa bench sa may ilalim ng puno.
Nakasuot ito ng kulay asul na bestida na hanggang tuhod at naka flat shoes ito. Mayroon din itong summer hat sa ibabaw ng kanyang ulo. Nakatingin lang ito sa mga nagpa-practice ng baseball sa may field. Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil baka naiinip na ito sa kakahintay sa akin. Mainipin pa naman itong tao.
Nasa hagdan na ako pababa ng may naaninag akong maliit na bagay na papunta sa akin. Pilit ko itong tinitingnan nang mapagtanto ako. Bago ko pa gawin ang nais kong gawin ay may sumigaw sa hindi ko alam kung saan nagmula.
"Duck!"
Dahil sa taranta yumuko din ako at hinawakan ang aking ulo. Parang nasa earthquake drill tuloy ako. Hindi maawat ang pagtibok ng puso ko dahil sa nangyari. Muntik na akong matamaan ng spalding. My goodness!
"Cron! Are you okay?" Tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko si Cron habang tinatanong ako. Nang makalapit ito, saka lang ako sumagot.
"O-Okay lang ako. Muntikan na akong matamaan. Grabe! Buti nalang may sumigaw sa akin." Sagot ko habang pinapaypayan ang sarili.
"Sino ba yung sumigaw?" Tanong ni Carol.
Sino nga ba yun? Hindi ko na maalala kung saang direksyon nanggaling ang sigaw.
"H-Hindi ko alam." Tanging sagot ko kay Carol.
Pinulot ko ang librong nakalatag sa sahig dahil sa pagbitaw ko. Tiningnan ko kung may gasgas ba ito. Patay ako nito kay Papa kung nasira tong libro na to. Mabuti nalang at wala.
"Uy, ano na yung cheka mo?" Tukso ko sa kanya tsaka sinundot-sundot ang tagiliran niya. Napatikom naman ang bibig nito at unti-unting namumula ang mga pisngi.
Bago sumagot hinila ako ni Carol papuntang bench at pinaupo. Huminga ito ng malalim at tumingin sa field. Napatangin naman ako doon at nakita si Ginro. Tumingin ito sa akin at bumelat. Aba ang walanghiya! Inirapan ko ito at ibinalik ang tingin kay Carol. Mabilis itong humarap sa gilid at yumuko.
"Uy, sino na?" Tanong ko nang mapansing hindi pa rin ito nagsasalita.
"Si G-Gi-"
"Hoy Cron! Pwedeng pakikuha ng bag ko?" Sabi nito at tinuro ang bag niya sa gilid ko.
"Yaya mo ba ako?" Inirapan ko ito ngunit binelata ulit ako. Padabog akong tumayo at kinuha ang bag niya.
Pagkahawak ko ng bag agad ko itong binit-bit ngunit nabitawan ko din agad dahil napakabigat. Ano ba naman ang laman nitong bag na ito. Binitbig ko ang bag ng dalawang kamay at ibinato kay Ginro.
"Ano ba namag klaseng bag yan!" Sigaw ko sa kanya.
Tinawanan lang ako nito. Napadako ang tingin nito sa may bench kung saan nakaupo si Carol. Umiwas naman mg tinging yung isa.
"Hello Carol!" Napatakip ng sombrero si Carol sa kanyang mukha nang binati siya ni Jinro.
Hindi nakapagsalita si Carol bagkus tumingin lang ito sa ibang direksyon.
Nang makabalik na si Ginro sa field saka lang umangat ng tingin si Carol. Hmm, I smell something.
"Si Ginro ba?" Nanunuksong titig ko sa kanya. Namula agad ang mukha niya.
Ngayon alam ko na kung bakit tuwing lumalapit at binabati kami ni Ginro ay nagiging aligaga si Carol. Hindi ito makapagsalita ng maayos tuwing nagkaharap kaming tatlo.
"Sa atin lang ito ah. Wag mo munang sabihin kina Laina at Rhea." Paninigurado nito sa akin.
"Okay. Promise."
"Teka tapos mo na ba iyong pinagawa ko?" Biglang tanong nito sa akin.
Kagabi ko pa natapos ang pinagawa niyang letter para sa crush niya. Kaya pala G yung nakalagay sa "Dear G." Ano ba naman ang nagustuhan niya kay Ginro? Sadyan maingay para sa isang lalaki. Sobra pa sa babae kung makadaldal.
"Teka lang. Kukunin ko." Sagot ko at kinuha ang libro sa gilid ko at binuksan iyon.
"Dapat hindi mo diyan nilalagay gurl. Baka malaglag at mawala." Komento nito habang hinahanap ko ang note sa mga pahina ng mga libro.
Makailang ulit ko ng tiningnan ang bawat pahina pero hindi ko pa rin makita. Tagatak na ang pawis ko sa noo at pati na rin ang kili-kili ko ay namamawis na.
Huminto ako sa paglipat-lipat ng mga pahina at umangat ng tingin. Unti-unti kong tiningnan si Carol at bumungad sa akin ang nakataas niyang kilay. Napapikit ako ng mariin at ginulo ang buhok ko.
"Oh my gosh! Walang pwedeng makakita nun kundi tayo lang!" Parang nauupos niyang sabi.
Hindi ko kakayanin kong may ibang tao na makakita ng gawa ko. Feeling ko parang hinihigop ako sa kahihiyan pag nangyari iyon. Kaya sana walang makakita nun.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Paano king mapulot iyon ni Ginro? Patay talaga ako" Tumayo si Carol at tiningnan ang likod ng bench ma inuupuan namin. Sa kasamaang palad wala rin doon.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyaring aksidente kanina. Yung muntik na akong matamaan ng bola. Nabitawan ko ang libro nun.
"Loka! Hindi naman niya malalaman na ikaw yung nagsulat. Initial mo lang ang meron dun." Kinakabahan kong sabi.
Napatigil ako sa paghahanap nang nagring ang cellphone ni Carol. Huminto ito sa pagtiti-tingin sa likod ng bench at sinagot ang tawag.
"Hello, good morning. Po? Ngayon na? As in? Opo, opo. Papunta na po. Okay po. Bye." Bumuntong-hininga ito at tumingin sa akin.
"My piano instructor is in our house."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Her piano instructor? Akala ko every Sunday lang ito pumupunta sa kanilang bahay? They changed schedule?
"He's persistent you know. Hindi ko naman siya ma hindi-an kasi magagalit si Daddy."
Carol has been obeying his Daddy since she was a child. Lumaki siyang takot sa Daddy niya. Kaya kahit ano'ng pinapagawa nito ay sinusunod niya.
Laking pasasalamat ko nalang na hindi ganoon si Papa. If ever na ganoon siya baka siya pa ang mapektusan ni Mama.
"I must go now. Please find it, Cron. Nakasalalay doon ang dignidad ko." Tumawa ito at kumaway sa akin.
Great. Ano'ng oras na kaya? I need to go at the library pa. Baka maabutan ako ng gabi mamaya.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Carol na sa Lunes o di kaya'y sa Martes ko nalang hahanapin ang sulat. Kung hindi ko makita gagawan ko nalang ulit siya ng bago. Sa huli, napagpasyahan kong umalis nalang at pumuntang library.
Lumabas ako ng paaralan at tinungo ang daan papuntang library. I pass through a short bridge that connects the town hall and the school. Orange and pink color are visible in the sky making the scenery a little bit more aesthetic. I am walking beside the railings where bikers are passing. I stop for a moment and enjoy the scenery.
Cold wind brushed my cheeks and made my hair crumpled. I saw a couple taking selfies with the sunset as their background. I imagined Carol and Ginro celebrating their free time in this bridge. I feel like vomiting when I imagined them embracing each other.
I am really not a fun of love stories. And those kilig-kilig. Maybe because I can't relate? Matagal na akong nacu-curious kung ano nga ba ang feeling ng pagiging inlove. But I also don't want to force someone to make me feel that. I want him to make me feel the feeling of love without forcing him. Unconditional love ba?
Umalis ako sa bridge at naglakad na patungo sa library. Hindi na siguro ako makakaabot pa nito. Naubos talaga ang oras namin kakahanap sa letter. Pero okay lang naman atleast nag-enjoy ako sa katangahan namin ni Carol.
Kaya sa halip na tumungo sa library ay napagpasyahan kong magliwaliw muna. Matagal-tagal na rin bago ako lumabas sa bahay. Paaralan, bahay at library lang naman kasi ang aking destinasyon.
Napahinto ako ng lumabas ang kulay pula ng traffic light. Maraming sasakyan ang dumadaan dahil na rin siguro uwian na ngayon. Napalundag ako nang may tumabi bigla sa akin dito sa may pedestrian lane.
Tumingin ako sa gilid banda at nakita ang isang matandang babae. Halos kulay puti na ang mahaba nitong buhok na naka pony tail sa likod. Naka bestida ito na kulay ube na may ruffles sa bawat sleeves. Nakalagay sa kaliwang kamay nito ang isang branded na pouch at sa kanan naman ay ang isang kulay puting maleta. May kalakihan at kabigatan ito kaya medyo nahihirapan siya sa pagdala.
May pagkasopistikada ito kaya medyo nag-aalinlangan akong tulungan siya. Baka malditahan ako.
Naging kulay berde ang kaninang kulay pula na traffic light hudyat na maaari nang tumawid. Humakbang ako sa unang linya ng pedestrian lane at napahinto nang maramdamang hindi nakasunod sa akin yung matanda. Nilingon ko ito at nakitang nahihirapan ito sa pagbuhat ng kanyang maleta.
Pinuntahan ko siya at inalok na ako na ang magdadala ng kanyang maleta. Nginitian niya ako at ibinigay ang maleta sa akin.
"Lola, ako na po." Nginitian ko siya at kinuha sa kamay niya ang handle ng maleta.
"Ay salamat. Kaawaan ka sana ng Diyos, apo." Sambit nito.
Pagtawid namin ng pedestrian lane ay sumunod lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira.
"Sundan mo lang ako, apo." Sabi nito sa unahan ko.
"Sige po." Patuloy lang kaming naglalakad. Nadaanan na namin ang shortcut patungo sa library. Nakikita ko na ang mga bulubundukin mula dito sa nilalakaran namin. Malamig na din ang simoy ng hangin na nanunuot sa kalamnan ko. Nagsisimula na ring dumilim ang paligid.
"Nandito na tayo, apo." Huminto kami sa isang shop. Dalawang maliliit na ilaw sa magkabilang gilid ng pintuan ang bumati sa amin. Sapat lang para makita ko ang nakasulat sa ibabaw ng nito.
"Prisella's Antique Shop"
Binuksan niya ang pinto at tumambad sa amin ang madilim na silid. Pumagilid siya at in-on ang switch. Light started to crawl inside the room, enabling us to see the insides.
"Halika apo. Pumasok ka muna." Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya papunta sa isang vintage na sofa sa may gilid malapit sa pinto. Kinuha niya ang maleta mula sa akin at inilagay sa tabi.
"Loko talaga ang batang iyon. Sabi na sunduin ako sa airport eh." Lola murmured.
"Po?" Tanong ko dahil hindi ko ito narinig.
"Ah, wala apo."
Inilibot ko ang paningin sa loob ng antique shop na pagmamay-ari nito. Vintage ang design ng interior na naglalaro lamang sa wood brown, cream at white ang kulay. May dalawang parang stall kung saan nakalagay ang mga paninda nitong antiques. Mula dito sa pinto, pag tumingin ka sa harap naroon ang cashier kung saan nakaupo si Lola.
Tumayo ako at tumingin-tingin sa mga binebenta niya. May nakita akong music box na kulay pink at may nakatayong ballerina sa ibabaw nito. 'Ang cute'
Marami pa itong paninda gaya ng mga salamin, figurines, picture frames at iba pa. Naagaw ng atensyon ko ang isang pulang box na nakasarado. Nilapitan ko ito at kinuha.
Hindi kalakihan ang kahon at tila nadaanan na ng panahon dahil parang nagfe-fade na ang kulay nito. May nakaukit ditong mga symbols na hindi ko maintindihan.
Parang may tumutulak sa akin na buksan ang kahon. Ngunit nakakaramdam din ako ng takot sa maaaring mangyari kapag binuksan ko ito. O baka nag-iimagine lang ulit ako. Napalundag ako sa kinatatayuan ko ng makarinig ng napakalalim na boses.
"What are you doing? Close na ang shop. Bumalik ka na lang bukas."
Nagkaroon ako ng mini heart attack dahil sa pagsulpot nito. Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang mabilisang pagtibok nito. Nanatiling nakatalikod ako dahil sa takot na makita ang mukha nito. Feeling ko isa itong malaking lalake na may malagong balbas sa gitna ng bibig at ilong nito.
"Do you hear me?" Tanong nito ulit pero mas mahinahon na ang pagkasabi. Tila idinuyan ako sa paraan ng pagsabi nito. Dahil doon napaharap ako sa kanya at muntik ng mabilaukan.
His jet-black hair that falls through his forehead that makes him cool. Mahaba rin ang pilik mata nito na bumagay sa mga mat niyang tila butuin lung kumislap. Matangos ang ilong nito at mapula ang labi.
Nanatiling nakatingin lang ito sa akin. Hindi ko alam kung nakangiti ba ito o ano. He pursed his lips. Akala ko may sasabihin ito pero tinalukuran din agad ako nito.
"Priam? Nandito ka palang bata ka! Ba't hindi mo ako sinundo sa airport kanina?" Tanong ng bagong dating na si Lola. Hindi ko naramdaman na umalis pala ito kanina.
Patuloy pa rin sa pagtibok ng malakas ang puso ko. Tumingin ako sa taas para kalamahin ang sarili. Napadako ang mga mata ko sa wall clock na nakasabit sa ibabaw ng pintuan. Naalarma ako ng makitang ala-sais na ng gabi.
Umalis ako sa stall at pumunta sa sofa kung saan ko naiwan ang libro. Sa Lunes ko nalang ito isasauli. Nakita ko sa peripheral vision ko ang lalaki na nakasandal sa may pintuan. Muli na namang tumibok ang puso ko nang tumingin ito sa akin.
Nang makuha ko na ang libro ay pinuntahan ko si Lola para magpaalam. Nakaupo ito sa may cashier at nagpupunas ng mga figurines.
"Ah, Lola alis na po ako." Paalam ko sa mababang boses. Natatakot na marinig ng lalaki.
"Teka lang apo. Ipapahatid na kita kay Priam. Gabi na at delikado sa daan," huminto ito sa pagpupunas ng mga figurine at lumapit sa lalaki. Priam pala ang pangalan nito.
Sumunod ako sa kanya papunta kay Priam. Nakasandal pa rin ito sa may dingding.
"Apo, ihatid mo muna itong si---" napatigil ito sa pagsalita. Napansim yata nito na hindi parin kami nakapagpakilala sa isa't-isa.
"Ano nga ang pangalan mo apo?" Nakangiting tanong ni Lola sa akin.
"Cr--"
"Cron ang pangalan niya lola," sagot ni Priam.
Nakilabutan ako bigla nang tingnan ako nito ng mataman sa mata. Paano niya ako nakilala? Stalker ba siya?
"Oh! Magkakilala pala kayo?" Tanong ng Lola niya sa kanya peri hindi nito sinagot. Tumingin si Lola sa akin at ngumiti. "Ako pala si Lola Prisella. At apo ko iyon," sabi nito sabay turo sa papalabas na si Priam. "Pasensya na at may pagkasuplado iyon."
Hinabol ko ng tingin ang likod ni Priam. Bumabagabag pa rin sa aking isipan kung paano niya ako nakilala. Paano niya ako nakilala kung siya nga hindi ko kilala? Napahawak ako sa puso ko nang sumulpot ulit ito sa harap ko.
"Ayaw mo bang umuwi?" Naka poker face nitong tanong sa akin. 'Suplado nga.'
Napairap ako sa inasta niya at sumunod nalang palabas. Mga ilaw mula sa mga street lights ang bumati sa akin. Marami pa ring mga sasakyan ang dumadaan. Marami ring mga tao ang naglalakad na akala mo ay hindi pa gabi. Napayakap ako sa aking sarili nang humangin ng malakas.
"Tara na." Isang tinig ang pumukaw sa akin. Hinarap ko siya at nagulat sa bagay na nasa tabi niya.
"Ihahatid mo ako gamit iyan?" Tinuro ko ang bagay sa tabi niya. Nakakahiya naman. First time kong sumakay sa ganyan at siya pa yung magmamaneho.
"Ano'ng problema? Maayos naman 'to ah. Hindi ka naman mataba para hindi ko makaya," kaswal nitong sabi.
Bago pa ako makasagot ay may kinuha ito sa kanyang bulsa. Isang puting nakatuping papel. Binuksan niya ito at binasa.
"Dear G., Before the dragon blow its fire ball, I want to greet you a pleasant morning, afternoon and evening. Simula nang makilala kita ay nainlove na ako sa'yo lalo na't nung naging magkaklase tayo. Nadagdagan pa ang paghanga ko sa'yo nang sumali ka sa baseball ng ating paaralan," napatingin ako bigla sa kanya nang marinig ang mga pamilyar na mga salita. Tumingin ito sa akin at ngumisi. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano iyong binasa niya.
Ang letter ni Carol! My gosh! Bakit nasa kanya iyon?
"It's not nice for a girl to confess first."