"Kung gusto niyong sumali sa Verse Choir, pumunta kayo kay Laina sa Section B. Siya yung naglilista. Class dismissed," sabi sa amin ni Mrs. Veyda bago ito lumabas ng room.
My classmates are starting to head out to the cafeteria. Since it's lunch time, Carol and I decided to go to the library. Laina and Rhea are waiting for us there. We always eat at the library during lunch break.
As we walked through the library Carol asked me if I found the letter. After hearing her question, I suddenly remembered what happened last night.
"So, saan mo nakita yung sulat?" Tanong ni Carol nang makapasok kami sa library.
"Some annoying guy took it and we accidentally met in a shop." Diretsa kong sagot. Umiiwas na magtanong pa ito.
"Oh? Sino yung lalaki?" Tanong ulit nito.
'Carol naman, ba't ka tanong nang tanong? Ayoko nga maalala yung nangyari kagabe eh!"
Carol and I has been best of friends since we were in kindergarten. Kaya naman kilalang-kilala ko na siya. Ugali niyang hindi tumigil sa pagtatanong kung may gusto siyang malaman. Kahit mababaw pa ang rason aalamin at aalamin niya iyon. Iyan din ang isa sa mga bagay na ayaw ko sa kanya. She's persistent. Sabagay, only child lang naman siya. Kaya naman may pagka-spoiled. Kaya para huminto na siya sa kakatanong, sinagot ko nalang siya kahit ayaw ko naman talaga. Naiimbyerna kasi ako pag naaalala yung nangyari.
"Priam," maikli kong sagot.
"Priam? Hindi ako familiar sa kanya. Saan siya nag-aaral? Gwapo ba? Yieeee baka destiny kayo!"
Nagsisi ako kung bakit ko pa sinabi kay Carol ang pangalan ng nakakainis at supladong lalaking iyon.
Parang mamatay na ako sa hiya noong binasa niya ng malakas ang sulat sa harap ko.
"Lovelots, C." Tumawa ito ng malakas matapos ang basahin ang sulat na ginawa ko.
"Seriously? You should drop that 'Before the dragon throw its fireball" intro--" hindi nito natapos ang sasabihin at tumawa ulit.
I hate myself for being like this. I hate myself that I am hearing his laughter just like I am listening to my favorite music. I hate myself that I love how his eyes shed tears because of happiness.
Umiling ako nang marealize kung ano ang mga pumapasok sa isip ko. Patuloy pa rin itong tumatawa kaya naman nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Tumawa lang siya diyan at uuwi ako.
"Wait!" Huminto ito sa kakatawa at walang atubiling sumakay sa mountain bike niya.
Huminto ito sa harap ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit agad din nawala nang makitang nakangiti ito sa akin. I hushed my heart for skipping a beat.
"Tapos ka na sa kakatawa?" Sarkastikong tanong ko.
"Obviously, yes." Sagot nito. Hinubad nito ang suot niyang jacket at ibinigay sa akin.
"Aanhin ko iyan?" Tanong ko. I mentally pinch myself for asking a dumb question. 'Jusko, Cron! 'Syempre susuotin!'
Bumaba ito sa bisikleta niya at lumapit sa akin. Napaatras ako ng kaunti dahil sa distansiya naming dalawa. Idagdag mo pa ang paghaharumentado ng puso ko sa hindu malamang dahilan.
He swiftly motioned near me and put the jacket above my shoulders. I hitched when his hands touched my shoulders. Napalayo ako sa kanya dahil sa hindi maawat na pagtibok ng puso ko. Tumalikod ako sa kanya at kinalma ang sarili.
Nang makarecover, humarap ako sa kanya at sinenyasan naman niya akong sumakay na. Umupo ako sa isang medyo may kalaparan na upuan sa likod nito. Agad naman itong pumedal at tinungo ang daan papunta sa tulay.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin sa buong biyahe. Nang makita ko ang b****a kung nasaan ang bahay namin ay sinundot ko ang tagiliran niya ngunit hindi ko alam na may kiliti pala siya doon kaya gumewang-gewang ang bisikleta at muntik na kaming matumba.
"Are you okay?"
Nagulat ako sa tanong niya. Inaasahan kong magagalit ito dahil sa ginawa ko pero kasalungat iyon ng iniisip ko.
"I-I'm okay. Dito nalang ako, salamat sa paghatid."
Bumaba ako sa bisikleta at mabilis na naglakad palayo. Hindi ko na siya tiningnan pa at agad na pumasok sa loob ng bahay.
"Yieeee! Cron baka siya na yung destiny mo!"
"Omg! Isn't it romantic? Nakasakay ka sa bisikleta niya. Niyakap mo din ba siya?"
Sunod-sunod ang mga komento nina Rhea at Laina matapos sabihin ni Carol sa kanila ang nangyari kagabi.
"Hoy mga loka! Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend no! Tsaka hindi ko siya gusto."
"Oh narinig niyo si Cron? Wag niyo na siyang tuksuhin baka ma-fall na agad yan." Akala ko kakampihan na ako ni Ma'am Veyda yun pala dadagdag lang.
"Sige lang, tuksuhin niyo lang ako. Hindi ko ibibigay sa inyo ang ginawa ko para sa verse choir." Kinuha ko ang papel na inipit ko sa libro at iwinagayway sa harap nila.
Akmang kukunin na sana ni Rhea kaya lang iniwas ko ito. Nagsitinginan sila at iniyuko ang mga ulo nila.
"Oh, our queen of verses, whose words are like a soothing aloe vera that chills our hearts. Will you let us see your work?" Sabay-sabay na sabi nila at inangat ang tingin.
Sa tuwing gusto nilang tingnan o di kaya'y basahin ang gawa ko palagi nilang sinasambit iyan. Aloe Vera dahil paborito ko itong tanim at mayroon ako nito sa kwarto ko. Noong una hindi pa ako sanay sa mga sinasabi nila na ganyan pero kalaunan nasanay na ein ako kaya ginagamit ko na itong pambawi tuwing tutuksuhin nila ako. Gaya nalang ngayon.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napapa-iling si Ma'am Veyda dahil sa sinabi ng tatlo. Biglang tumunog ang bell kaya nagsiligpit na rin kami ng aming mga pinagkainan.
"Goodbye Ma'am! See you when we see you!"
Pagkalabas ng library humiwalay na sa amin sina Rhea at Laina dahil magkaiba ang daan papuntang room nila.
Pagkpasok namin ng room ay siya ring pagdating ni Ma'am Aspen. May nakasunod sa kanyang isang lalakeng naka long sleeve na polo at khaki pants. Napataas ang kilay ko. 'Ano'ng ginagawa ng isang Special Science student dito?'
May dala itong mga test papers at sinenyasan siya ni Ma'am Aspen na ilapag ito sa lamesa at ginawa niya naman. His built looks familiar. Hindi gaanong kalapad ang likod nito. Sakto lang ang tabas ng uniform nito na may kahapitan sa kanyang katawan. Naka side view ito kaya parang pamilyar din ang buhok nitong tumatabon sa noo nito.
"Maraming salamat. Pwede ka nang pumasok sa klase mo," pagpapasalamat ni Ma'am Aspen sa lalaki.
Todo unat naman ako ng aking leeg para matingnan kung sino ang lalaki. Pero sa kasamaang palad, ni hindi ito tumingin sa direksyon ko. Bagsak ang balikat na umayos ako ng upo.
"Okay class, please get a 1 whole sheet of paper. We will be having a summative test today," anunsiyo ni Ma'am Aspen.
Nang matapos ang test ay may ina-nunsiyo ulit si Ma'am kaya napatigil kami sa pagligpit ng mga gamit namin. Pwede na raw umuwi dahil may emergency meeting lahat ng mga teachers.
"Cron, mauuna na ako. Pupunta ngayon ang piano instructor ko sa bahay."
Naiwan ako sa labas mg room nang makaalis si Carol. Wala sa sarili akong naglalakad at hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Napahinto lang ako nang may nakita akong aso na tumatakbo papunta sa akin.
Kinabahan agad ako. Napalinga-linga ako kung saan ako pupunta pero sa kasamaang-palad hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. May mataas na bakod sa likod ko kaya nahihirapan akong maghanap ng pwedeng labasan.
Nakaramdam ako ng kiliti sa may tuhod banda. Humarap ako at may nakitang kulay itim na bulldog na dinidilaan ang tuhod ko. Yumuko ako para magkapantay kami pero sadyang maliit ang aso kaya napayuko pa rin ako.
The dog's tail began to wag when I was about to touch its head. Kusa nitong inilapit ang ulo para mahawakan ko kaagad.
"You're such a cutie. What is your name?" Tanong ko sa aso kahit alam ko na hindi ako sasagutin nito. Dumako ang tingin ko sa kulay asul nitong collar at binasa ang nakasulat dito.
"Pitch," tumalon ito sa akin pagkabasa ko ng pangalan nito kaya napasalampak ako sa sahig.
"Bad dog!" Bumaba naman ang mga tenga nito dahil sa pagsigaw ko. Naawa naman tuloy ako kaya kinuha ko lace na nakakabit sa collar nito.
"Nasaan na ba ang owner mo at hindi ka niya sinundan dito?" Tanging pag-ikot-ikot lang ng buntot nito ang isinagot sa akin.
Bigla itong tumakbo kaya napakapit ako ng mahigpit sa lace nito. Nakalampas na kami sa bridge at nadaanan na rin namin ang town library. Medyo pamilyar na ang lugar na tinatahak namin kaya mukhang alam ko na kung saan ito papunta.
Huminto bigla si Pitch kaya sinuri ko ang paligid kung nasaan kami ngayon. Unang nakita ng mga mata ko ang signage ng shop ni Lola Prisella. Naagaw din ng atensyon ko ang nakapaskil sa babasaging salamin na makikita mula dito sa labas.
"CLOSE"
Pagod na humiga si Pitch sa sahig malapit sa pintuan kaya naman naupo na rin ako sa tabi nito. Hinihingal ito sa kakatakbo kanina kaya wala sa oras na nakatulog na rin ito.
Hinaplos-haplos ko ang likod nito pero nanatili parin itong tulog. Hawak ang lace sa kaliwang kamay ay tinukod ko ang tuhod ko at isinandal ang ulo ko rito. Napagod din ako sa pagsabay sa takbo ng asong ito.
Pumikit ako at nagising sa tahol ng aso. Pagkamulat ng mga mata ko ay may isang anino ng lalaki ang nakikipaglaro sa aso. Tumatalon-talon rin ang aso kaya napapagalaw din ang kamay kong nakahawak sa lace nito.
Tumayo ako at inayos ang sarili nang makilala kung sino ang taong naglalaro sa aso. Nakangiti itong nilalaro ang aso. Hindi yata ako nito napansin. Tumikhim ako at napatingin naman ito sa akin.
An amused smile escaped from his lips. He walk towards me and stopped inches way from me.
"Look, who's here. If it's not Ms. C," ngumisi siya at tinalikuran ako.
Imbis na magalit dahil sa pagtukso niya sa akin, tila sabik pa akong marinig iyon mula sa kanya. Napangiti ako dahil sa naisip.
Walang pasabi nitong kinuha ang lace mula sa kamay ko at pumunta sa may gilid ng shop. Sumunod naman ako at may nakitang pintuan. Nagtaka ako kung bakit hindi umaangal ang aso mula sa pagkakahawak niya.
"Teka, aso mo ba iyan?" Pahabol kong tanong.
"Obviously." Ayan na naman siya sa kaka-obviously niya.
"Oh? Kawawa naman si Pitch kung saan-saan na napunta. Buti nalang may mabuting puso yung nakakita sa kanya. Di ba Pitch?" pagparinig ko at hinaplos-haplos ang ulo nito.
"Tss," pikon nitong sabi. At lumapit sa may pintuan. Ngayon ko lang nakita ang pintuan sa gilid ng shop ni Lola Prisella kaya naman sandali akong natulala.
"Gusto mong pumasok? Or uuwi ka na?" Napahinto ito sa pagpasok at tiningnan ako. Nakahawak pa rin ang kamay nito sa pintuan. Kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa loob. Tumagilid naman siya para makapasok ako.
Agad niyang sinarado ang pintuan at binuksan ang ilaw. Mga blank canvas ang unang bumati sa akin pagkatapos buksan ni Priam ang ilaw. Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto at nahagip ng mga mata ko ang mga paintings na nakasabit sa may dingding. Meron ding paintings na hindi pa nakuha mula sa mga stand ng canvas. Manghang-mangha ako sa nakikita ko kaya hindi ko na ito matatago pa.
"Nagpe-paint ka? Saan yung painting mo dito?" Tanong ko at tinuro ang mga painting. Nagbabakasakali na mahanap ang sa kanya.
"Ito ba?" Tinuro ko ang isang canvas na hindi maintindihan kung ano ang ipininta. Umiling ito kaya lumipat ako sa isa pang canvas na may nakapintang isang lalaki na namimingwit sa ilog. Katulad ng sagot nito kanina, umiling ito.
"Ih, saan? Patingin ako!" Hindi ko mapigilan ang excitement sa boses ko. Basta ang alam ko lang gusto kong makita ang painting niya.
I saw his lips formed a slight smile. Hindi ko mawari kung ngumiti nga ba talaga ito o baka nag-iimagine na naman ako.
Pumunta siya sa isang madilim na sulok sa may kanang bahagi ng kwarto. Sumunod naman ako sa kanya pero pinigilan niya ako.
"Diyan ka lang, maalikabok dito," pigl niya sa akin bago paman ako makapasok sa pinto.
Napa-pout ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko pa naman sang makita yung loob. Pero napangiti rin ako dahil pinigilan niya akong pumasok dahil daw maalikabok.
'Ayaw niya akong maalikabukan?'
Ngumiti ako nang malapad dahil sa iniisip. Para na akong baliw dito na ngumingiti mag-isa.
'Crush mo?'
Napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot ng noo ko. Agad kong binatukan ang sarili.
"Uy, okay ka lang?"
Napaigtad ako nang magsalita si Priam. May bitbit itong canvas na nakabalot sa tela. Halos isang dangkal nalang ang lapit nito sa akin. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Pumasok sa isip ko ang tanong kanina.
'Crush mo?'
Nakatingin ito sa akin kaya tiningnan ko din ito. Kumikislap ang mga mata niya kahit pa madilim dito sa kinaroroonan namin. Ang buhok niya talaga sa noo ang nakaka-attract. All in all kung titingnan ang buong mukha niya ay tila isa itong dayuhan. Maputi kasi ito at masasabi mo sa isang tingin na may pagka-mestiso ito. Ngayon ko lang din nakita dahil magkalapit kami.
Parang gina- gayuma niya niya ako dahil hindi ko na alam kung ilang segundo na akong napatitig sa mukha niya.
"Oo, crush ko."
Huli na rin nang marealize ko ang sinabi ko. Kung pwede lang na matunaw dito, magpapatunaw talaga ako. Nakakahiya.
A smirk appeared on his face. Tutuksuhin na naman ako nito. Pero hindi niya naman alam na siya yung tinutukoy ko. Wala naman akong binanggit na pangalan kaya dapat hindi ako kabahan.
Pero hindi sumasabay sa sitwasyon ko ang nararamdaman ko. Sa sobrang kaba nasabi ko ang sikreto na dapat hindi muna malaman nila Laina at Rhea. Pero nasabi ko sa kanya! Sa kanya na hindi naman namin kaano-ano. Ni hindi nga yata namin schoolmate ito!
"Crush ni Carol si Ginro!"