"Itigil ang kasal!" Tulad ng eksena sa mga pelikula ng mga babaeng mahilig mang-gate crash ng kasal, lahat halos ng tao sa loob ng simbahan na iyon ay nilingon siya nang may pagtataka sa hitsura. Pinamulahan siya nang ma-realize ang pangyayari. Nakakahiya! "Chris Anthony Carbonel! Buwisit ka talaga. Ang sabi mo mahal mo ako, tapos ngayon ikakasal ka na pala? Hindi ako makakapayag! It took me freaking five long years just to find you. "I know, masyado akong maldita at demanding. Pero sorry. Sorry dahil itinaboy kita noon. Sorry kung masyado akong nagger. Sorry for making a scene in the bridge. Sorry for ruining your life. But I just want you to know na hindi ko na kaya pang magpanggap. "Sa tuwing nakikita kita sa opisina, tumatalon ang puso ko sa tuwa pero kailangan kong ita

