Isang ring mula sa cellphone ni Lyka ang naulinigan niya habang sakay ng minamanehong puting scooter bike palabas ng Gracia del Fuente Village. Agad niya iyong sinagot. "Yes, this is Lyka speaking..." "Bakla! Sa tingin mo ba aabot ka pa sa flight mo niyan kung nakasakay ka lang sa luma mong scooter?" sermon ni Ricky mula sa kabilang linya. Bahagya niya pang inilayo ang aparato mula sa tenga niya. "Ano ba, bakla? Nagmamaneho ako, 'di ba? Mamaya ka na magsermon!" "Iyon na nga kasi ang problema, bakla! You need to come back dahil kaunti na lang hibla ng buhok ko dahil dito sa demonyita mong junakis! Nakakawala ng gandang-diwata ko!" reklamo nito. Rinig niya rin ang matinis na pag-iyak ni Lilac sa kabilang linya. Napatigil siya sa pagmamaneho at ipinarada ang scooter sa bungad

