"I don't have all day to wait for you, Castillo," nagtitimping puna ni Chris sa katagalan ni Lyka sa loob ng CR. Mahigit twenty minutes na kasi siyang nasa loob dahil sa sobrang pag-aalangan na lumabas. Sa totoo lang, never pa siyang nagsuot ng bathing suit. At isa pa, nilalagnat siya kaya't hindi niya talaga feel maligo sa pool. Kung bakit naman kasi naisip ng tsonggong si Chris na makipag-meeting sa kliyente habang nagsu-swimming! "Iwan mo na lang muna ako rito, sir. Susunod na lang ako, promise 'yan!" sigaw niya mula sa loob ng CR. Actually, nakabihis naman talaga siya. Hindi niya lang talaga keri lumabas, pakiramdam niya kasi para siyang mauupos na kandila sa oras na itapak niya ang mga paa sa labas. Kasalanan ito ni Chris! "No! I've had enough of your excuses.

