Agad na tumulak si Chris paalis ng opisina dahil sa isang tawag na kanyang natanggap... Si Detective Perez ang tumatawag sa kanyang cellphone nang nasa harap na siya ng kanyang pipirmahan na mga papeles. "We found her..." Agad siyang kinutuban sa sinabi nito sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na niya naiisip pa si Jasmine at mas itinuon na lang ang atensyon sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal ni Lyka. Naging masaya siya matapos ang canonical interview nila kung kaya't mas naging masigasig siya sa kanyang trabaho sa kompanya. Halos mahigit na niya ang kanyang hininga nang rumagasa na naman ang mapait na katotohanan ng pag-iwan sa kanya ni Jasmine. Gusto niyang malaman ang dahilan ng lahat. Gusto niya itong pagpaliwanagin kung kaya ipinahanap niya ito. He neve

