CHAPTER 1

2570 Words
“ANONG ganap?” Nakataas ang kilay ko, habang nakapamaywang sa harap ng dalawa kong kaibigan na si Candy at Rosie. Kaibigan ko sila mula noong high school. Dahil bestfriend kaming tatlo same hobbies ang gusto namin kaya madalas kaming nagkakaintindihan. Nakasalampak sa sahig ang dalawa kong kaibigan habang tinuturo nila kung paano gumawa ng design ng gown. Fashion designer kasi kaming tatlo kaya naisipan naming magtayo ng clothing company. Umarko ang kilay ko nang makita ko ang camera na nakutok sa amin. Nilapitan ko ito at pinatay ang camera. “What's wrong with you?” tanong ni Candy. Tumayo siya at kinuha ang camera na naka-dikit sa tripod. “Sayang 'yung content natin for sure maraming manonood no'n sa YouTube,” wika ni Rosie. Tumayo siya at umupo sa sofa. Tinitigan ko ng masama ang mga kaibigan ko. “Bwiset kayo!” Napilitan akong pumunta rito dahil ang sabi ng mga kaibigan ko ay may urgently meeting kami. Iyon pala ay gagawa lang sila ng content para sa video nila. Wala pa naman akong sapat na tulog dahil um-attend ako ng kasal ng Tita Fritzie ko, at dahil napasarap ang inuman kasama ng mga kaibigan ng pamilya namin ay umaga na ako nakauwi. “Hindi na ako maniniwala sa inyo kapag sinabi n'yo ulit na urgent meeting. Wala pa akong tulog dahil akala ko may nangyaring masama sa inyo. My gosh! Nababaliw na kayo sa paggawa ng content para lang may i-upload kayo sa youtube.” Sabay iling ko. Tumayo si Rosie upang kumuha ng pagkain. Itinaas naman ni Candy ang paa sa sofa at idinikit sa tuhod ang kanyang baba. “Sayang din naman ang kikitain sa pag-vlog pambili rin 'yon ng bag.” Tinaas ko ang kanang kilay ko. "Seriously?" “Ayaw mo kasing subukan, two million followers na ako all over the world. Imagine sikat na kami ni Rosie," nakangiti pa ito habang sinasabi. “Nababaliw ka na nga, isipin mo na lang ang ginagastos mo sa tuwing may nagugustuhan kang mamahaling bag. Kulang ang isang milyon sa isang araw sa paglustay ng pera ng magulang mo,” ani Jeyrin. “Look who's talking? how much you spent the money from your parents? Mayaman kayong angkan. At model ka pa ng isang sikat na magazine pero kung maglustay ka daig mo pa ang end of the world,” ani Candy. “I spent my money wisely." Pailalim ko siyang tinitigan. “Not just like you, duh! Ang sakit n'yo sa bags.” Sabay irap ko sa mga kaibigan. “Whatever! Basta kami may boyfriend ikaw wala,” pagyayabang ni Candy. “Ano naman kung wala?” sagot ko. “Basta ako happy ako ngayon kasi may dumidilig sa bulaklak ko kapag malapit na ang tagtuyot," sabad ni Rosie. Inilapag ni Rosie sa center table ang pineapple juice at slice mocha cake. “Tumpak!” ani Candy. Tumayo pa siya upang makipag-apiran kay Rosie. “Wala kasi sa kanyang um-eut kaya ganyan ang ugali ni Jeyrin.” Sabay halakhak ng dalawa kong kaibigan. “Bwiset! Ang bastos ng bibig n'yo!” Inis niyang sabi. “Sinabi ko lang eut bastos na agad? I'm twenty-six years old. Marami na akong achievements sa buhay pati naman mga words na ganyan lilimitahan ko pa ba?" ani Candy. Umirap ako, kahit kasi adults na ako never kong sabihin ang gano'ng ka-bulgar na salita, lalong hindi ko 'yon naririnig na sinasabi sa loob ng bahay namin. “Tama si Candy, sumama ka sa 'min mamaya sa bar hahanap tayo ng lalaking sisipsip ng tahong mo, ewan ko lang sa 'yo kung hindi tumirik ang mga mata mo kapag nakatagpo ka ng maninisid,” biro ni Rosie. Pailing-iling ako sa sinabi ni Rosie. Hindi naman ako conservative na tao pero hindi rin ako masyadong liberated. “Malala na kayo puro kalibugan ang nasa isip n'yo, ang layo ng nilakbay ng usapan natin. Nandoon lang tayo sa camera napunta sa make love.” Ipinikit ko ang mga mata ko habang ang mga kaibigan ko ay patuloy na nang-àasar sa akin. Sobrang sakit na kasi ng ulo ko at kailangan ko itong itulog. “Jeyrin, 'wag ka diyan matulog gagawa kami ng vlog ni Candy.” Tinapik ako sa braso ni Rosie upang gisingin ngunit hindi ako nakinig. “Kayo ang mag-adjust hindi ako. I want to sleep,” sabi ko. “Hayaan mo na siyang matulog diyan, ituloy na lang natin ang vlog natin,” sabi ni Candy. “Okay, bahala 'yan si Jeyrin makikita siya sa vlog natin,” ani Rosie. Naririnig ko ang sinasabi ng mga kaibigan ngunit hindi ko nais na bumangon dahil sobrang antok ko na talaga.   NAGISING ako nang makarinig ako nang malakas na tawanan. Bumangon ako at agad kong inikot ang tingin sa paligid. Nasa loob pa rin ako ng condo ni Rosie. Sinilip ko ang relong pambisig ko, at nakita kong alas-sais na ng gabi. Eight hours pala akong nakatulog. Tiningnan ko ang kaibigan kong nasa may kusina at tawa nang tawa habang nanonood sa laptop ni Rosie. Sumimangot ako kahit hindi ko sinilip ang pinapanood nila alam kong porn ang pinanapanod nila. Ang dalawa kong kaibigan ay mahilig manood ng mga porn videos at habang nanonood sila pinipintasan nila ang mga napapanood nila at pinagtatawanan. Bumangon ako at binitbit ang bag pagkatapos pumunta ako sa comfort room upang maghilamos at mag-toothbrush. Lagi naman akong may dalang feminine kit para kahit saan ako pumunta ay handa ako. Hindi ko rin nakakalimutan magbaon palagi ng damit at panties. Nilalagay ko ang mga ito loob lang ng kotse. Madalas kasi akong nag-a-out of town kaya palagi akong handa. Pagkatapos kong mag-toothbrush at maghilamos ay lumabas ako upang kunin ang gamit ko sa kotse. Gusto kong maligo muna bago umuwi ng bahay. Napadako ang tingin ko sa pinapanood nina Candy, at nakita kong hindi naman porn ang pinapanood ng mga ito kaya lumapit ako upang manood. “What the f**k!” Hinablot ko ang laptop ni Rosie upang itapon sana ngunit mabilis na nakuha ni Candy ang laptop. “Sisirain mo ang laptop, e,” ani Candy. “What the hell are you doing? Sinama n'yo ako vlog n'yo habang tulog na tulog ako!” Sigaw ko. “And what's wrong with that? Ang cute nga eh, ikaw nga ang reason para biglang dumami ang shares and views. Imagine four hours pa lang millions of views na siya,” paliwanag ni Rosie. “Maganda naman ang comment nila about you, they say sleeping angel. Be proud of that,” dugtong ni Candy. Napahawak ako noo dahil sa matinding inis sa mga kaibigan ko. “Hindi ko maintindihan kung ano ang trip n'yo. I told you, I don't want to expose my face on that stupid video!" I shouted. Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan. "Paano 'yan may Ads na siya hindi na 'yan pwedeng burahin,” wika ni Candy. “You can erase it anytime,” sabi ko. Tumingin si Rosie kay Jeyrin at nag-peace sign sa kanya. “Can we say sorry? We will promise we will not do it again. We can't remove that video on YouTube channel because it already has ads.” "Yeah, kung gusto mo bibigyan ka namin ng fifty percent na kita sa video na kasama ka if you want,” wika ni Candy. “f**k you!” My middle finger salutes them. Tumayo ang dalawa kong kaibigan at niyakap nila ako upang lambingin. Alam kasi nila na madali akong magalit pero madali rin mawala ang inis. “Stay away!” sigaw ko. Desidido ang kaibigan kong pakalmahin ako kaya ilang minuto lang ay nawala na ang inis ko sa kanila. Kilala ako ng mga kaibigan ko na may short temper pero madali rin naman akong ma-paamo. Wala akong nagawa kung hindi pumayag na maging extra sa content nila na iyon. Mabuti na lang at nakatagilid ako at hindi kita ang mukha ko. Ang likod at bewang lang ang kita sa akin dahil nakasuot ako ng crop top na blouse na kulay sky blue at maikling short. Exposed ang makinis kong balat. Sa isang disco bar nauwi ang trip nina Candy at Rosie. Isa ito sa mga pinagkakasunduan naming tatlo ang dumayo sa mga sikat na disco bar sa Manila. Mahilig kaming gumimik tuwing maluwag ang schedule namin. “Girls, bilisan natin excited na akong gumiling,” wika ni Rosie. Halos hilahin na ako ng mga kaibigan ko para makapasok sa loob ng disco bar. Pagpasok pa lang namin ay hindi na napigilan ni Rosie at Candy ang sumayaw habang naghahanap ng magandang table. Sa may second floor kami ng disco bar nakahanap ng table. Agad na dumating ang order naming vodka. Tinapik ni Candy ang kamay ko “Tingnan mo ang dalawang 'yon kung maghalikan parang nasa kuwarto lang sila mamaya nasa banyo na 'yan.” Sabay tawa nito. Tiningnan ko ang dalawang naghahalikan. Halos mahubad na ang maikling palda ng babae sa kakahimas ng lalaking kahalikan nito. Ang lalaki naman ay hubad ang polo. Umiling ako, hindi na bago sa akin ang makakita ng gano’n eksena. matapos kong ubusin ang alak sa baso ay muli kong sinilip ang dalawa, ngunit wala na ito sa pwesto nila. “Ang sarap siguro ng guy na 'yon mukhang daks,” ani Rosie. Nakatingin din pala ito sa dalawa. “Daks din naman ang hinaharap ng babae, lunod na lunod siya roon,” wika ni Candy, “Girl, may baon ka bang condom diyan?” tanong ni Rosie kay Candy, Tumango si Candy. “Oo.” ngumiti si Rosie. “Very good, dilig na dilig naman tayo nito.” Ugali na kasi nina Candy at Rosie ang magdala ng condom para kung hindi ready ang ka-molmol nila handa silang dalawa. “Akala ko ba may boyfriend na kayo, bakit gusto n'yo pa ipadilig ang petchay n’yo sa iba?” tanong ko. “Meron kaming boyfriend sa labas ng disco bar pero sa loob wala. Kaya malaya ang tahong naming sipsipin. Ikaw, Jeyrin? pasisid mo na 'yang perlas mo, tingin-tingin ka sa paligid baka may magustuhan kang diver,” pilyang sabi ni Rosie. Umingos ako saka ininom ang vodka na nasa harapan niya. “Hindi ko iningatan ang sarili ko ng matagal para lang iladlad sa mga lalaking malilibog. Huwag n'yo akong idamay sa kamanyakan n'yo.” “Tingnan lang natin kapag nalasing ka na.” Sabay tawa ng dalawa. Makalipas ng isang oras unti-unti na kong tinatamaan ng espiritu ng alak. Pumunta na ako sa dance floor upang makipagsayaw. Marami ng lalaking ang gustong maging partner namin. Ginilingan ko ang lalaking nasa harap ko. Samantalang ang mga kaibigan ko ay bigla na lang nawala. Sigurado nasa loob na iyon ng comfort room o 'di kaya sa kotse at nagpasisid. “Miss anong pangalan mo?” tanong ng lalaki na kasayaw ko. “Diwata,” sagot ko sa lalaki. Isa sa mga rules kapag pupunta ka sa isang disco bar 'wag kang magsasabi ng tunay mong pangalan. Hinawakan ko ang balikat ng lalaki at gumiling ako sa harapan nito. “Woah! You're pretty damn hot,” wika ng lalaki. Hinawakan ako sa bewang ng lalaki habang sumasayaw kami ay patawa-tawa ako habang sinasabayan ang indak ng musika. Idagdag mo pa ang tama ng alak sa akin. Hindi nakatiis ang lalaki at hinila ang bewang ko halos magdikit na ang mukha namin habang nakatingin ako sa kanya. “Molmol tayo,” wika ng lalaki. Nginitian ni Jeyrin ang lalaki. “f**k you, ikiskis mo 'yan sa pader.” “Why? Mukha ka pa naman masarap,” sagot ng lalaki. “Really? Ikaw, mukha kang mapakla.” Kumalas ako sa lalaki at pagkatapos umalis. Hinabol naman ako ng lalaki hanggang sa table namin. “Molmol tayo Diwata. Let's just fun, I'll show you what a tiger can do in bed," wika ng lalaki. Nagsalin ako ng alak at hindi ko pinakikinggan ang sinasabi ng lalaking kinukulit akong makipag-molmol. Kung tutuusin hot guy ang lalaking dahil kung sa katawan at itsura lang ang paglalabanan ay talagang may pambato ito, pero hindi ko talaga gusto ang lalaking nakikita sa bar. Hindi ako napilit ng lalaki na makipag-molmol kaya naman umalis na lang ito. “Jeyrin!” Sigaw ni Rosie. Lumapit ito sa kanya. “Halika may dare ako sa 'yo dali!” Sabay hila sa akin ni Rosie. Pumunta kami sa isang table na medyo malayo sa table namin. Nakita ko si Candy na nakandong sa hita ng isang lalaki. Itinaas ko ang kanang kilay ko nang makita ko ang lalaki na nakapiring ng panyo. “Bakit tayo nandito?” tanong ko. “May dare kami sa 'yo halikan mo ang lalaking 'yan sa loob ng isang minuto,” wika ni Rosie. “Tapos ikaw habang hinahalikan ka nilalamas naman ang dede mo ng lalaking 'yan, biro ni Candy. “f**k you!” Inis kong sagot. Tumawa si Candy. “Joke lang, walang lamas na magaganap. Alam naman namin na conservative ka.” “Ivana, halikan mo siya kapag ginawa mo 'yon buburahin namin ang video mo sa vlog namin,” wika ni Rosie. Napangiwi ako sa pangalan na binigay nila sa akin. Ivana, ang baduy. “Hindi ako nakikipaghalikan sa hindi bagong toothbrush kadiri,” sabi ko. Umingay ang dalawang lalaki na tila inaasar ang lalaking nakapiring. “Dude, mag-toothbrush ka muna,” sabi ng dalawang lalaki sa nakapiring na lalaki. “I don't have time for this kind of game, can you please remove this,” sagot nito. “Bagong toothbrush 'yan wala pang five minutes siya rito,” ani Candy. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Ibig kasing sabihin ay kanina pa sila sa table ng mga lalaki na ito. “Gagawin ko na.” Naghiyawan silang lahat habang ako ay nakatingin lang sa mga ito. Kung hindi ako lasing hindi ako papayag sa utos ng mga ito. I bent down and grabbed his neck, and I kissed the man in front of my friends. Naramdaman ko ang malambot na labi ng lalaki kung kaya’t nagsimula nang mag-init ang katawan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang dila niya na gumagalugad sa loob ng aking bibig. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang pahintuin sa ginagawa sa akin. Naramdaman kong hinihimas niya ang likod ko habang patuloy ang paggalugad niya sa bibig ko. “Lampas ng one minute. Mukhang masisid na si Ivana,” ani Candy. Nang marinig ko iyon ay huminto ako at lumayo sa lalaki pagkatapos ay humarap ako sa mga kaibigan ko. “Lampas ng one minute, ayos ba?” Natigilan ang dalawa kong kaibigan. “Grabe ka, Ivana ang lakas mong mag-kontrol,” ani Rosie. Nagkibit-balikat ako. “I told you, hindi ako madaling matukso.” Pumihit ako patalikod at bumalik sa table namin. Nag-order ako ng alak. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang naramdaman ang t***k ng puso ko na ganito kabilis. Nang maubos ko ang alak sa kupita at pumunta ako sa female comfort. Naghilamos ako ng mukha at humarap sa salamin. “Muntik na akong madala,” Sabay buntong-hininga ko. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng init ng katawan sa lalaki na hinalikan ko sa bar muntik na akong madala sa init ng halik niya. Napahawak ako sa labi ko. Nararamdaman ko pa rin kasi ang labi nito sa aking labi. Damn it! Sobrang lasing na yata ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD