CHAPTER 2

1970 Words
MAY hang over pa ako nang magising. Tiningnan ko ang relong pambisig, at nakita kong alas-tres na ng hapon. Bumangon ako at sinandal ang likod sa dashboard ng kama at saka hinimas ko ang ulo ko. "I need water." Nararamdaman ko kasing nanunuyo ang lalamunan ko. Tumayo ako ngunit bigla rin akong umatras dahil naramdaman kong may naapakan ako. Tiningnan ko ang paligid at nakita kong kasama ko pala ang mga kaibigan ko na si Rosie at Candy. Bigla kong naalala na lasing na lasing ang mga ito kagabi kaya naisipan kong isama na lang sa apartment. Bumangon ako at kinuha ang towel na nakasabit sa dingding pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo upang maligo. Hinubad ko ang suot kong damit, wala na akong saplot nang itapat ko ang katawan sa shower, pagkatapos kong mag-shower ay nagbabad naman ako sa bathtub at doon muling ipinikit ang mga mata. Madalas nakakatulog ako sa pagbabad sa bathtub. "Jeyrin!" "Ouch!" sambit ko nang batuhin ako ng sabon ni Rosie. Tinitigan ko siya ng masama. Nakatayo si Rosie sa harapan ko habang nakapamaywang. Gulo-gulo ang buhok niya at halatang bagong gising. "Tapusin mo na ang paliligo natatae na ako, bruha ka!" Tumayo ako at pagkatapos sinarado ko ang pinto. "Tumae ka kung gusto mo," sabi ko. Pagkatapos bumalik ako bathtub at humigang muli. Sa condo unit ko, ang banyo ang pinakamalaki lugar dahil magkaiba ang shower room, at iba rin yung may nakalagay na inidoro bali dalawang pinto iyon. Mahigit dalawang oras bago ko naisipan na lumabas ng banyo, paglabas ko nakita ko sina Rosie at Candy sa kitchen at umiinom ng kape. "Kumusta ang hangover?" tanong ko sa kanila. Nakatakip lang ako ng puting roba sa katawan pagkatapos ay nagtimpla ako ng kape at umupo sa tapat nilang dalawa. May mga left over akong pagkain sa refrigerator, ang iba ay umabot ng lima hanggang pitong araw sa loob ng refrigerator kaya tinatapon ko na lang. "Masaya ang gabi ko nadiligan naman ang bulaklak ko." Nakangising sabi ni Rosie. "Hoy, Bruha! Kinabayo ka ba ng lalaking nilandi mo kagabi?" ani Candy. Kumunot-noo ni Rosie. "Alin sa mga 'yon tatlo sila e," "Luh, yung lalaki na si Gerald, iyon kasama ng lalaking nilaplap ni Jeyrin," ni Candy. "Ang sinasabi mo naman si Gerald, hindi ko natikman 'yon sayang mukhang daks pa naman siya." May paghihinayang na sabi ni Rosie. "Eh, sino ba ang kayugyugan mo kagabi? Hindi ko kasi nakita ang kasama mo," ani Candy. "Yung lalaki na ginilingan ko sa backstage, bet niya ako tapos bet ko siya, kaya ayun nag-molmol kami sa loob ng kotse niya. Magaling siya kaya lang hindi ko naramdaman ang p*********i niya parang uod lang 'yung sa kanya. Feeling ko nga matatanggal ang condom sa kanya kasi parang luluwag sa liit ng sandata niya." Patawa-tawa na sabi ni Rosie. "Jackpot pala ako kagabi dahil dragon yung sa 'kin," ani Candy. Tinapik ni Rosie si Candy. "Alam mo guwapo ang lalaking hinalikan ni Jeyrin, mukhang daks din. Napansin ko kagabi bakat siya." Kilig-kilig pa siya. "Iyon nga rin ang napansin ko daks siya umbok na umbok sa pantalon," sabay tawa ng dalawa na parang kinikiliti. Napangiwi ako sa pinag-uusapan ng dalawa. Kahit lagi kong naririnig sa kanila ang mga salitang iyon tuwing gumigimik kami. Hindi pa rin magandang pag-usapan sa harapan ng pagkain. "Girl, may virgin dito dapat mabait tayo," ani Rosie Napansin kasi nilang nakangiwi ako habang naririnig ko ang pinag-uusapan nila. "Hindi ko talaga alam kung bakit nakakaya natin maging friend itong si Jeyrin, ang weirdo ng bruhang 'to," wika ni Candy. Umangat ang kanang kilay ko habang nakatingin sa dalawa. "Hindi pa ba maluwag ang k**i n'yo sa pakikipag-one night stand n'yo?" "Marami lang guwapo ka-gabi kaya nahirapan kaming maging Maria Clara," ani Candy. "Ikaw naman kasi Jeyrin, dapat nakikipag-s*x ka na para naman nag-e-enjoy ka na rin. Tingnan mo kami lagi kaming fresh kasi every week may dilig." "Korek!" nag-apiran pa ang dalawa. "Kapag kayo nagkasakit, ewan ko lang sa inyo." Hindi mangyayari 'yon no condom, no molmol," ani Rosie. Umiling ako. Hindi ko kasi kayang sumakay sa trip ng dalawa lalo pagdating s*x. Hindi ko maisip na kaya kong ibigay ang sarili dahil lang sa nalilibugan ako, mas gusto kong ibigay ang sarili ko sa taong mahal ko. "Bilisan n'yo ng kumain at lumayas na kayo sa condo ko darating ang mga kapatid ko baka kapag nakita nila kayo isipin nila may kasama akong engkanto," wika ko, pagkatapos muli kong ipinagpatuloy ang pagkain. "Ganda ka ghorl?" Taas kilay na sabi ni Rosie. "Kailangan pa ba'ng itanong 'yan?" sagot ko. "Bilisan na natin kumain at baka magalit si Madam hindi tayo pasuwelduhin," pang-aasar na sabi Candy. Sinimangutan ko silang dalawa. "Wala na talaga kayong lunas." Pailing-iling pa ako. Pagkatapos kumain nina Rosie at Candy, naligo naman ito ng sabay pagkatapos umalis na rin, samantalang ako ay umalis na rin ng condo upang umuwi sa bahay ng magulang ko. Sinabi ko lang na pupunta ang mga kapatid ko para umalis ang dalawa at makauwi ako sa mansiyon namin. Kapag hindi ako gumawa ng dahilan sa dalawa siguradong kinabukasan pa ang uwi ng mga ito. "Ate!" tawag sa akin ng kapatid kong lalaki. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang kapatid kong kambal na lalaki na palapit sa akin. Identical twin ang dalawa sina John Harvey at John Hency. Pareho ang suot nitong damit, gupit ng buhok at maging ang suot na relo ay pareho. "What?" "Hulaan mo kung sino ako?" tanong ng isa sa kambal. Nakahalukipkip ako ng kamay habang nakataas ang kilay ko. Lumapit ako sa dalawang kapatid kong kambal. Binatukan ko siya. "Gago! Ako pa ba ang lolokohin mo Harvey." Biglang lumayo naman sa akin si Hency para hindi ko mabatukan. "Aray naman, Ate!" Mababawasan ang pagiging guwapo ko," ani Harvey. Sa unang tingin sa dalawa hindi mo mahahalata ang pagkakaiba nila, dahil pati ang boses nila ay magkapareho. Ngunit kapag nakasama mo na sila ng matagal makikita mo ang pagkakaiba. Mas malalim ang dimples ni Hency kaysa kay Harvey Si Harvey naman ay matangkad ng kaunti kay Hency at mas malaki ang katawan nito kay Hency. Mapapansin mo rin ang pagkakaiba nila dahil sa nunal ni Harvey sa leeg samantalang si Hency ay walang nunal sa leeg. "Where is Mom and Dad?" tanong ko sa dalawa. "Nasa bahay ni Lolo at Lola, actually nandoon silang lahat," ani Harvey. "Bakit hindi kayo pumunta sa mansyon?" Nakataas ang kilay ko tanong. Ugali na kasi ng pamilya namin na tuwing may get together ang pamilya ay sinisigurado ng mga magulang namin na kumpleto kaming lahat. Minsan lang kami makumpleto. Kaya sa tuwing nasa pilipinas kami. Ang araw ng sabado at linggo ay nilalaan naming lahat sa Lolo at Lola namin para bisitahin sila. "Papunta na kami ni Kambal, sumabay ka na sa amin, Ate." ani Hency. "Okay!" binitbit ko ang bag ko at pagkatapos ay sumama ako sa kanila. "Ako na magda-drive," ani Harvey. "Harvey, ingatan mo ang mustang ko," sabi ko. Tumawa si Hency. "Ate, 'yung kotse ni Daddy kakapa-ayos lang dahil sinubukan ni Kambal kung kayang tibagin ng kotse ang barrier sa kalsada, sa kasamaang palad mas matibay ang barried sa daan." Sabay tawa ni Hency. "Subukan mong ibangga ang baby ko, paputol ko kay Daddy ang allowance mo." Tiningnan ko si Hency. "Pati ikaw idadamay ko," sabay taas ng kilay ko. "Kambal, ingatan mo kotse ni Ate," wika ni Hency. "Yung kotse mo na lang kaya gamitin natin?" sagot ni Harvey. Nakangisi ako. Natakot kasi ang kambal kong kapatid dahil sa sinabi ko. Kapag kasi sinabi ko sa Daddy at Mommy namin na tanggalan ng allowance ang kambal kong kapatid susundin nila ako. Tumingin sa akin ang kambal. "Ate, ikaw na ang mag-drive, lumabas si Harvey upang magpalit kami ng upuan. "Okay, ikabit n'yong mabuti ang seatbelt n'yo," sabi ko. Pagkatapos ilagay ni John Harvey at John Hency ang seatbelt pinaharurut ko ang kotse sa highway. "A-Ate, dahan-dahan naman tayo," sabi Hency. "Biyaheng impiyerno ba 'to?" tanong naman ni Harvey. Tumawa ako. Enjoy na enjoy kasi akong pinagti-tripan ang dalawa. Mas lalo kong pinaharurut hanggang sa dumaan kami sa pa-circle na daan hindi ko binagalan ang takbo sa halip mas pinaharurut ko ang kotse ko. Nang may makakasakubong akong kotse na liliko ay mas lalo kong binilisan. Ngunit imbes bigyan ko siya ng daan ay mas lalo kong binilisan kaya umiwas ito ngunit tumama pa rin ito sa kabilang kotse. Huminto ako upang silipin ang nangyari. Nabangga ng kotse ang isang kotse pa. "Ate, nakabangga ang kotse dahil sa kakaiwas sa atin." bakas sa mukha ni Hency ang takot. Binuksan ko ang bintana ng kotse at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng white polo at shades ang lumabas sa magarang kotse. Nilingon ko ang kotse niya at nakasimangot na lumapit sa amin. "Hey! Kasalanan mo 'to," wika ng lalaki. Mas lalo kong ininis ang lalaki. Pang-asar akong ngumiti at pagkatapos ay tinaas ko ang kamay at nag-finger sign ko sa kanya. "f**k you!" bulong ko. Pagkatapos pinaharurut ko ang kotse palayo. "Hindi na ako sasakay ulit kapag si Ate ang driver parang lalabas ang kaluluwa sa katawan ko," ani Harvey. Tumawa ako. "Huwag kayong mga nerbiyoso hindi natin kailangan huminto hindi naman tayo ang nakabangga." "Pero kasalanan mo kasi kung hindi mabilis ang takbo mo, hindi ka niya iiwasan, " wika ni Hency. "Well, it's not my fault if he's an idiot,"sabi ko. Pailing-iling ang dalawa kong kapatid. Binagalan ko na ang takbo ng kotse ko. Tinakot ko lang naman talaga ang dalawa kong kapatid kanina kaya ko binilisan. Pagdating namin sa mansyon ng lola at lola ko. Naroon na ang may-ari ng Sy Magazine na Si Shin Lorraine. Sinalubong kami nang makita kami. Suki ng Sy Magazine ang pamilya namin para mag-model sa magazine. Madalas din i-featured ang life style ng pamilya namin dahil sa pagiging sikat ng angkan namin. "Hello, Jeyrin!" wika ni Shin sa akin matapos kong makipagbeso-beso. "Kumusta po?" tanong ko. Nakangiti siya at ngumiti sa akin. "Nandito ako dahil sa iyo." "Bakit naman?" "Nagre-request mga readers ng Sy magazine na maging cover photo kayong magkakapatid ngayong july," wika nito. "I have to sleep on it, marami akong ginawa," sagot ko. "Sure, pati ang kambal mong kapatid kailangan kong kumbinsihin." "Wala kayong magiging problema sa dalawa madali lang silang mapapayag," sabi ko. "Well, thank you, pupuntahan ko muna sila," ani Shin pagkatapos ay umalis na ito. Pinuntahan ko ang lolo at lolo ko, pagkatapos nagpakita rin ako sa Mommy at Daddy ko maging sa mga tita at tito ko, pagkatapos kong magpakita sa lahat pasimple akong umalis. Sasabihin ko na lang na umalis na ako kapag nakarating na ako sa condo ko. Hindi naman sa ayaw kong makisaya sa kanilang lahat. Sumasakit na kasi ang ulo ko dahil sa hangover kagabi. Bago pa ako makarating sa condo ay tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko ang group chat ng mga kaibigan ko. Candy: Mga bakla samahan n'yo ako mamaya mag walwal. Heart broken ako na ghost ako. Rosie: luh, na ghost ka? sure ka ba? baka naman yung petchay mo ang na ghost. Hindi naka-molmol. Hahaha! "Gaga! tunay na 'to, walwal tayo sagot ko alak." Me: Kayo na lang hindi ako pwede may family gathering kami ngayon, enjoy ng lang mga bakla. Candy: sus, ayaw mo lang. "Rosie: Hayaan natin si Jeyrin, killjoy naman 'yan. Go tayong dalawa. Inalis ko ang ang data connection ko upang hindi ko mabasa ang group chat nila. Dahil baka mamaya mapilitan naman akong sumama sa mga ito. Ang gusto ko ay makabawi ng tulog dahil sa mga puyat ko na naranasan ko. Pagdating kasi ng lunes ay magiging busy na ulit ako. "Tsk! Tsk! Hindi pa nga nakaka-recover ng puyat gusto naman gumimik, sana lang hindi sila mahawaan ng sakit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD