bc

Christian

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
student
bisexual
brilliant
genius
ambitious
witty
faceslapping
poor to rich
school
like
intro-logo
Blurb

Ito ako ngayon naka higa sa kama at nagta type para ma e kwento ko sa inyo ang nagpabago ng buhay ko.

Hindi ko lubos akalain na ganito kalaki ang impact hatid nya sa buhay ko. Simula't sapul alam kong mahirap ko syang abutin.

Napagwapo, may kaya, matangkad at higit sa lahat sikat! Sya nga pala si Christian.

Pangalan pa lang. Talagang gwapo!

Pero bawat pindot ko sa mga letra na para maka porma ng mga salita at aking maikwento bakit ang sakit na sakit at literal na tumutulo yung luha ko kase nga tagos sa puso't kaluluwa yung nakita ko sa wallpaper nya!

chap-preview
Free preview
Crush Hush
Magtatatlong buwan na nang ako ay nasa Cebu City. Abala ako sa pagre-review ko para sa board examination on November 2018. Fifteen thousand ba nga naman na questions ang dapat kong sagutan at unawaing maigi at syaka mabuti. Nakaka boryong na talaga! At napaka-boring minsan! Parang yung building na Burj Khalifa magko-collapse sa harapan ko. Ganoong feeling. Mafe-feel mo yun kung magbo-board exam ka someday! ? Pero, I was determined to pass the board examination ng civil engineering, magaling ata to! ✨? ***Pero sa pag-ibig sawi! Sad life ? 8am ng August 18, 2018. Habang ako ay abala sa pagsa-sagot bigla akong na wala sa concentration ko nang ginulat ako ng kaibigan kong si Leo. "Bulaga!" At muntik ko syang masaksak ng Fine Tech pen ko (engineering students knew this pen very well!). Kase nga talagang gulat na gulat ako sa ginawa nya. Ikaw ba naman gulatin na nakatalikod. Di buh ganun din mafefeel mo?Tapos panay pa ang kape ko! Jusmeyo marimar! Kaya ayun yung Fine Tech muntik ko nang talagang masaksak sa kanya. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko magawa yun! I would be a criminal with no time that time. "Ahhhh!" "Lex, wag!" Napasigaw sya sa takot! Hahaha "Akala kong sino, ikaw lang pala yan Leo!" Sabay hug, na yung bestie hug, sa kanya. Yes, literal na hug! Kase nga close na close ko sya because he knew me so well and accepted me for who I am. "Hoi, musta na pala si Deline?" Insert nya after ko syang e hug. At umupo sya sa higaan ko. Na nasa likuran ko naman. Para maka-usap ko sya. I stopped muna sa pagreview then shift chair at humarap sa kanya. With very serious face. "Ayun, nasa kwarto nya busy sa study. I know alam na nya na nandito ka!" Sagot ko naman. "Hehehhe, 3 months ko na syang hindi na communicate kasi gusto kong hindi ako ang reason nya para maging hadlang sa kanyang pag-boboard exam." Sabay smile nya. "Wow, huh! Meganong peg kapang nalalaman!" Joke ko sa kanya. Halatang maririnig yung conversation namin ni Leo kase ang lakas ko magsalita. Landi talaga nitong si Leo. Panay banat sa pag-ibig para kay Deline. Hahayst! "Wee, lande mo! Wait e text ko sya na narito kana at gala tayo later. Tapos libre mo kami huh!" Tugon ko kay Leo. "Ano!?" Napakamot sya sa ulo nya. "Anu-ano ka dyan!" Banat ko sa kanya. "Sige na please. Miss kana ng tropa." Paki-usap ko pa na may baby face pa na malaking eyebags pang pinakita. Cringey thing I did. "Ahhah, pangit mo! Ok e text mo na sila." Pang-asar nya sa akin at utos. * Galing, Leo, sya sa Mindanao at sinadya nya akong bisitahin kase miss na miss nya ako! (ayie sweet friend!) Pero sa totoo lang may business pala syang atutupagin dito sa Cebu at let's say he visits me also for missing me and at syaka sa kanyang nililigawang si Deline (Awit!) Likas na mahilig manlibre itong si Leo at alam ng lahat yun ng tropa! (You knew pag college ka may circle of friends ka talaga. They will need you and you will need them in return - mapa project, bonding at iba pa. Basta ang sarap pag may na keep kang circle of friends most especially engineering pa ang course namin). Since nalaman nila na si Leo ay nasa Cebu dahil nga ininform ko after ko ma text si Deline. Kaya ang mga iba kong classmates na malayo sa boarding house ko nag text at inumungkahi na kami ay mag chillax sa araw na yun! Napag isipan ko, oo nga no, I was literally saturated with these thousands of questions and I am getting nowhere na. So I replied sa classmate ko na, "Game ako later pero wag tayo mag-bar. Ayaw kong tumagay during review days. Sa IT Park tayo! Yung sikat na Sugbo Mercado! dun tayo!." Suhesyon ko sa kanila. Si Deline sa text, "Ok, Lex!" *So lilinawin ko lang po huh na during sa review days ko para sa board examination I kept my smart phone and keypad lang gamit ko and I deactivated my social media. I want to focus sa review kase gusto kong pumasa at maging licensed engineer! At kung nag wonder kayo bakit si Leo ay tungo sa Cebu dahil business kase nga nagpla-plano syang hindi na mag civil engineer kundi mag-business tycoon daw. Parang change of mind and path daw ayun pa sa kanya, anyway mayaman naman sya. It doesn't even count yung nagastos nya sa tuition nya sa 5 years na pag-aaral. Kaya OK lang sa parents niya na ibalewala yung 5 years nya sa pag aaral ng civil engineering. Isang malaking brat sya talaga! Anyway, ito na di ba you wondered bakit nalaman ni Deline na si Leo ay nasa Cebu because si Leo ay nanliligaw kay Deline. Which is Deline is my boardmate and close friend. Ganun ako eh, etext ko heheh relate kayo kahit nasa katabing kwarto lang naman sya at kung bakit ko pa ininform sya na narito yung suitor nyang brat (pero mabait). Kase nga torpe itong si Leo. Kaya wingman ako nito! *winggay pala hehhehe Ayun na nga, since si napakayamang Leo ay pumunta ng Cebu City. At kaming mga friend nya ay sobrang bored na bored na sa kakaaral. I texted sa mga circle of friends namin! Halos 15 kaming magkakaibigan ganun kami karami. Text ko sa kanila: "Guys! Good afternoon! Are you bored? Wanna chillax? And sorry ngayon lang ako nag text! Musta kayo? I knew OK kayo kasi isa lang naman review center natin! We see each other every day!Hahahah . Ito na! Si Leo Velasco nga pala narito! So alam na! Later 6pm see huh at Bangko Sentral sa may Osmena Boulevard magkita tayo! Mahiya kayo kung di kayo susulpot! Pag hindi kayo sumipot! Babagsak kayo sa board exam this November! Isantabi nyo yang mga solving problems na yan! Gala tayo just for once. Ok? Love, Lex De Jesus!" Ang group message ko sa kanila gamit ang keypad ko. Send to many yun huh! Literal group message nga! Hehhehe After nag load at na send na ang gm ko! Nagtotot na yung keypad ko! And all they replied were: "Ok, po mamang! Masusunod!" Mamang tawag nila sa akin kahit hindi ako masyadong bakla - yung hindi naman ako malambot gumalaw, sadyang mamang lang tawag nila kasi daw anlakas ko maka sermon na parang nanay nila. ? Sorna! ? After an hour, nagkita kita na kami sa Bangko Sentral. As usual, hug hug sa bawat isa then kamustahan at sya fist bumped! Hinintay pa namin ang 5 na dumating para maka-para na kami papuntang Ayala mall. After an hour, dumating na ang lima. Repeat the process, hug hug, fist bumped at syaka kamustahan naman! Hahaha daig pa ang boomerang nila sa balik balik na kamustahan. Anyway, friends missing each other di buh! So kamustahan overload! Pero yung plano namin muntik na malimutan kahit na sa sidewalk kami ang tawanan at kamustahan nevermind nila kung marinig or makita sila ng ibang tao. After with all the kamustahan between us and Leo, we decided na pumara ng 14D. Hehehe. Patungong Ayala Mall. Habang nakasakay sa jeep nakangita lang kami kase nga si Leo halatang ang titig nya kay Deline na parang bang walang tawo sa kilid ni Deline tapos, tagos yung tingin nya... Bring back memories ang peg nito! Ako naman pinutol na ang malagkit na tingin ni Leo kay Deline kase nga I felt na si Deline na iilang nang sobra! So ayun nasa Sugbo Mercado na kami. Like we were completely gathering sa malaking table. First time ko sa lugar na yun. Maraming Koreano at iba pang lahi. Tapos yung mga pagkain ang sarap: may local at korean foods. Dahil sa naglalaway na ako at sila sa Choros. Napabili ako ng isang pack na may limang piraso. Dahil nga fifteen kami pinag hatian namin yung choros hahah hating kapatid kumbaga. After namin ma-ubos yung choros itong si Leo nagmungkahi na mamili na kami ng pagkain. With all the command na kahit ano. "Lex, ikaw na bahala nito." Ako ang binigyan nya ng 5k pesos. At ang iba nagsabi na ng mga gusto nila at ako naman nagno-notes sa keypad ko. Listening simultaneously. "Ikaw, Jenny. Anong gusto mo?" Tanong ko sa isang kong tropa na hindi pa nakapagsabi kung ano ang gusto nyang kain. "Same lang sayo!" Sabay smirk nya. *Si Jenny ay isa tropa ko mahinhin, mahilig sa skin care (which is dun kami nagkakasundo), at higit sa lahat caring. "Ako rin Lex! Same sa inyo ni Jenny!" Tugon naman ni Tommy. *Si Tommy ay boyfriend ni Jenny. Matagal na sila. Mga 5 years na ata. At hanggang sa ang lahat nagchange ng order na same sa akin kase gusto nila kung ano sa isa yun din para sa lahat. Ang type ko kainin is Manok at Mango shake. Alam ko na mga gusto nilang flavor ng shakes. And alam naman nila na magma-manok ako. Si Leo mahilig sa Iced Tea as well as si Deline. Ang mga lovebird na sina Jenny at Tommy ay sa Cucumber Lemonade. Si Bethy ay Chocolate. Si Marco ay Caramel. Sina Ricky, Jeoffrey and the rest ay same sa akin Mango shake flavor. Anyway, hindi naman talaga ako very specific sa gusto ko pwede mag bago bago depende sa panahon at lugar. Pero trip ko talaga that ang Mango flavored shake. Bago paman ako pumunta sa mga stall. Tinawag ako ni Leo: "Lex, gawin mo ng 16. May kaibigan ako na pupunta rito ngayon." At nag-nod lang ako as way of agreeing him. I just get curious lang. Sino kaya tong kaibigan nya. Never ko naman syang narinig na may kaibigan sya rito or nakwento sa akin. Anyway, pinako ko nalang ang pag-iisip ko sa pagkain namin. Nag-iisang akong umikot sa Sugbo Mercado. Ini-isa isa ko ang stalls. Food seeing muna. May mga sweets, flavored drinks, seafoods, korean foods, local foods and many to mention. Napatigil ako sa pagtingin sa mga pagkain nang may nakita akong napa-anghel ang mukha! Maputi. Kasintangkad ko. Matangos ang ilong. At syaka amoy ko na kalahi ko sya. Which is a good thing. Papalapit sa akin. Tila ba yung palagid nya habang naglalakad sya ay nawala at nag mistulang blurred at may kinang yung outline ng katawan nya. Literal na euphoric yung effect nya sa paningin ko. Yung bawat hakbang nya damdam ko rin ang bawat pintig ng puso ko. Bigla ko tinigil ang imahinasyon nang hingin ng Koreano ang bayad ko para Mango shakes na inorder ko. Sad life. Ang rami pala ng shakes na inorder ko. Kaya nagmadali akong tumuwag sa kaibigan ko naka sunod sa akin. Nang tinawag ko sila nagtawanan sila, kase nga nakita akong nakatitig sa lalaki na may roon daw pagnanasa ayon pa kay Jeoffrey. "Mga judgmental!" Sabat ko sa kanila. Tinulungan nila ako. Ikot ikot muna kaming apat nina Jeoffrey, Jenny, at Tommy sa Sugbo Mercado. Tapos binibili kung ano makita namin na sa tingin namin masarap kainin. Matapos ang ginawa namin na picking and buying foods. Bumalik na kami sa table kung saan nandun ang 11. Napa-dilat ang mata ko nang na-sight ko si Koya na buhihag sa puso ko earlier. I never thought na same table kami. Pana atras ako bahagya. Nabigla or baka takot lang. Basta mixed emotion na yun. Bigla ba naman akong nilapitan ni Leo at syaka pinaharap ni Koyang pogi na bumihag sa puso kong sawi. Meowk! Pinakilala ako ni Leo kay Koya. Ate pala. Klaro naman. Sya daw si Christian Damiles na med student. Halatang gay sya pero yung pigil type. Which is made me turn on more for him! I love gay guy. Demisexual nga pala ako. Kung di nyo yun alam, pwes, ito. Kase nga I was curious about my gender orientation so I researched so deep and later on nalaman ko bukod sa LGBTQIA+ marami pala ang sangay ang pagiging gay at isa run ay pagiging Demisexual. Demisexual yung mamainlove ako once I feel loved or same gender orientation ko lang. Or sa transman. Basta ganong mga dating - gay guy! The looks and the attitudes towards me ayh nako! Talagang maraming butterflies ang nasa tiyan ko kapag I feel loved and sensed na gay guy yung kausap ko. I never met a transman ah pero I feel interesting about them super! Sa utak ko! "This is it pansit! Sya na ba ang cupcake sa ibabaw ng icing ko. Lol. Sya naba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko! Pag buenas ka naman oh. Christian friend ni Leo na friend ko. Humanda ka Christian! Ready na ako, jowa nalang kulang! Sa tingin ko ako ay para sa iyo." Biglang naputol nang nakipag handshake si Koyang Christian nyo. Ang lambot ng kamay nya. Halatang anak mayaman at mayaman. Ang ako parang baliw. After ba naman nya akong hinandshake inamoy ko ang kamay ko sabay sabi: "Lex pala name ko, virgin, never been touched but ready to be damaged!" "Nako! Gaga walang talo!" Sabi ni Christian. Nag tawanan ang lahat. Akalain nyo! Friendship na ako at first meeting namin! Pero dapat it would be successful na pasaakin sya! With all my might! I can get his heart! While eating, nagpakilala ang iba kong friends sa kanya at sabay tawanan lang kase. Halatang kinilig pa ako. At ang rami nilang masabe kay Christian tungkol sa akin. Perong halatang going with the flow lang si Christian. I was talking silently kay Deline. Literal na talking silently kase daritso mismo sa right ear ko sa winiwhisper. "Besh, need ko sss nya. Help me na makuha yun." "Sige besh, ako bahala!" Promise ni Deline sa akin. "Leo, ano ba ang sss ni Christian? Para ma-add ni Lex." Binulgar ako ni Deline sa lahat at ang lakas pa pagkatanong nya Leo. Pulang-pulang ako sa hiya. Halos sa akin napako ang tingin nila. "Mamang, mag-boboard exam tayo, wag kang malande dyan." Patutsada ni Beth sa akin. "Agay!" Saba kinuyom ko aking kamay at para bang sinaksak ko ang sarili sa leeg. * Expression lang yan na napahiya ako sa katotohan. Loko talaga sila. Sobrang lakas mangtrip na lalo that time na halatang na love at first sight ako kay Christian. Nagtawanan na naman sila. Naging laughingstock pa ako nito! "Humanda talaga kayo sa akin mamaya." Pagbabanta ko sa kanila. Anyway, si Christian na mismo nagsabi na pwede ko sya e add. Yung full name nya raw sya ring ginamit nya sa sss nya. Slightly, pigil ako sa kilig na nag-nonod lang pero deep inside. Sarap ko na syang e hug at makilala nang lubusan. After namin kumain. Ang laki na ng tyan namin. Tapos nag shiney yung lips namin. Pero kay Christian shiney na may kasami pang aakit sa akin na parang nanghihikayat na halikan ko sya. Hahahah. Mga ganoong eksena at pag-imagination. I can't deny na ganoong level na yung pagkahumaling ko kay Christian at the very shortest moment na nakita, nakilala at naka handshake ko sya. I knew then nama end ying gabi or moment namin but I need more time with him. Umuwi na kami. Tapos pa Colon ang rota ng jeep na sasakyan namin habang si Christian ay mag tataxi sya. Masaya sana tabi kami sa jeep tapos yung kanta ni Yeng na Jeepney Love story ying music! Wew! Sarap ng imagination ko that tim- imagine ko ang limit! Pero before pa mangyaring maka uwi sya or mag part ways na kaming lahat. I tried to convince them na magpapicture kami muna. Ina arrange ko pa ang pwesto namin lahat at syempre making sure na katabi ko si Christian. Hahaha as if lang na kasama sila pero deep inside gusto ko lang may souvenir ako na photos na kasama si Christian. But, sad to note si Christian ay mahiyain. Camera shy daw sya. Halatang namang ayaw sa camera. Gwapo naman sya ba't ayaw nya mag papicture. Napatanong ako sa sarili ko. Hala noh, it made me curious about him more that time. I want to unfold his life at pasukin yaon. Intruder lang! Humanda talaga pag inistalk ko sya sa sss pag hindi sya camera shy run ay nako pa-jollibee ang peg. Pa bida ka Koya Christian? Hehhehe So ayun, may photos man kami pero ang labo mabuti nalang may mga kuhang photos si Deline yung habang kumain kami na nasa likuran ko si Christian. Hahahha. Nakakakilig talaga sya sobra! Anyway, I ended up that day na may panibagong kasiyahan at inspiration. Kasiyahan na sya lang sapat na. Yung bawat ngiti nya habang nagsasalita o kinakausap yung kaibigan namin sya ring ugat ng aking kasiyahan. Inspiration kase nga bigo ako sa pag-ibig that time. Lumabo yung relationship ko with my American virtual boyfriend. (I will write story about us soon. After nito! I want muna kay Christian, my love, ang story nati iikot ang lahat! * This is only the Day 1 of meeting him. That was August 18, 2018 and now May 15, 2021 na. We are still communicating each other or have communication nga last month about us. And this story was made last May 9, 2020. Siguro na parang panaginip ang dating ng story but that happened in real life. Literal na in real life. Though I changed the names of the characters. But yung character, personality at yung mga tao na mamamention ay mga totoo. I want to be this story just like Diary ko about kay Christian, my love. I even described him perfectly. Pero I know, if ever this story comes to his attention. Either hanggang friends lang kami or manatiling akong taga hanga nya. Pero hoping that one day, someday, puhon, mag cross ang landas namin at mapadama ko na gaano ko sya kamahal kahit ilang taon oang lumipas. Read mo ang episode 2 huh! Thanks for having fun reading up to this phrase!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The lonely wolf (bxb)

read
7.8K
bc

ALPHA'S BETA MATE

read
19.0K
bc

Omega’s Sweet Escape

read
23.3K
bc

Claimed for Christmas

read
18.7K
bc

Alpha Nox

read
102.1K
bc

Bending My Straight Boss

read
83.0K
bc

The Great Ethan Lee

read
4.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook