Chapter 5
"Lumipas ang mga araw at hindi lang pagkain sa karenderia ni Maureen ang naging ugnayan naming dalawa pagkatapos mag tinda ay inihahatid ko ito sa kanila tulad ngayon susundoin ko sya dahil kinuha itong abay ni Alan.
Tinahak ko ang pilapil patungo sa bahay nila ngunit napatigil ako sa narinig na usapan.
Bigyan nyo pa ho kami ng isang buwan para makabayad pakiusap ko kay aling Yvette nagbabayad naman po kami sa tubo nong nakaraan.
"Iyon na nga ang problema Maureen puro tubo nalang ang kaya nyong bayaran ng Tatay mo kailangan ko ding pagulongin ang pera ko na natengga sa inyo ng mahabang panahon aba pinagbigyan ko na kayo sana ay maintindihan nyo rin ako.
Magkano ho ba ang utang nila sa inyo saba't ko nang makalapit na.
Napalingon kaming tatlo sa likoran para lang mapanganga dahil ang gwapo ni Rocco clean cut hair na ito at wala na din ang mahahaba nyang bigote malayo sa itinatawag kong Manong at halos kasing edad ko lang pala ito ayon sa itsurang kaharap ko ngayon.
Maging sina Nanay at Tatay ay halata din ang pagkagulat dahil parang ayaw nila noon na inihahatid sundo ako nito.
Fifty thousands pesos ang pagkakasanla nila sa akin sagot ko sa bagong dating at itinaas ko pa ang makapal na suot kong salamin para mabistahan ko ng husto ang pigura nito.
Bumalik po kayo bukas or magkita tayo sa palengke doon sa pwesto ni Maureen ako ho ang magbabayad sa utang nila wika ko sa matandang Babae pagkatapos ay nilapitan ko ang naluluhang mag anak nagmano ako sa magulang ni Maureen na bakas pa ang pagkagulat sa new look ko at panghihimasok ko sa problema nila.
Kaawaan ka ng dyos' anak ngayon palang ay salamat na agad huh, hayaan mo ang bawat aanihin nitong mga tanim namin ang kalahati ay mapupunta sa'yo kaya sisipagan namin mag saka at mag luto ng suman na pang tinda ni Maureen.
"Napangiti ako sa narinig na sinabi ng magulang ni Maureen hindi na po nyo kailangan Nanay at Tatay mag pagod pa kong magiging asawa ko naman po si Maureen ay obligasyon kong tugonan ang problema nya at pang araw-araw na gastosin nyo pwede ko ho ba hingein ang kamay ng anak nyo huwag ho kayo mag alala Mamahalin ko po si Maureen at hindi po sya magugutom sa akin.
"Oo, naman hindi kami tututol humayo kayo mga anak sagot ko kay Rocco.
Tila ako idinuduyan sa alapaap, dahil sa sagot ng Tatay ni Maureen sa akin at nilingon ko ito.
Napatulo ang luha ko sa narinig na sinabi ni Rocco habang nakatingin pa din sa amin si aling Yvette.
"Hey, bakit ka umiiyak ayaw mo ba na lagi akong ipinagluluto at hindi ko na kailangang bilhin sa'yo ang paninda mo nakangiting biro ko kay Maureen.
"Hindi naman sa ayaw ko nahihiya lang ako dahil lagi mo akong sinasalo sa mga problema ko at tsaka sa pagtawag ko din sa'yo na Manong eh, halos hindi naman pala tayo nagkakalayo ng edad.
Ipinaalala mo pa sa Totoo lang ay talagang naiinis nako sa'yo dahil sa katatawag mo sa'kin ng Manong halika na at baka hindi pa matuloy ang kasal ni Alan at Tessie ng dahil sa atin natatawang wika ko kay Maureen.
"Oo, nga pala sandali kukunin ko lang ang bag ko tarantang paalam ko kay Rocco pagkatapos ay pumasok nako sa kubo namin Tatay!" Aalis na po kami ni Rocco baka hindi matuloy ang kasal ng kaibigan namin dahil wala kami nakangiting wika ko sa ama.
"Sige anak mag iingat kayo paki sabi mo nalang kay Alan pasensya na at hindi kami nakapunta dahil may sakit ang Nanay Emilia mo.
"Opo, makakarating ang pagbati nyo at bibili na din kami ng gamot mamaya sagot ko kay Tatay Mario at kinuha ko na ang dalang bag ni Maureen.
Nasundan nalang naming tatlo ang papalayong anak.
Napaka swerte nyo Mario at Emilia sa magiging manugang nyo mukhang mabait dahil maski utang nyo ay sya pa ang magbabayad.
Napairap ako dahil sa narinig na sinabi ni Yvette alam mo kong hindi lang ako naospital hindi sana kami nalubog ng utang sa'yo at huwag kang mag alala bawat ani sa tanim namin ay kalahati nyon ay mapupunta kay Rocco kapag binayaran ka nya bukas muling turan ko kahit narinig na nito kanina ang usapan namin ni Rocco.
"Oh, sya wala nako sinabi basta hanggang hindi pa kayo bayad ay huwag kayong umasa na magbabago ang desisyon ko nakairap ko ding sagot kay Mario.
Samantala siniko ko si ate Grace nang makita kong tudo alalay ni Rocco kay Maureen kahit nakababa na ito sa truck mukhang susunod na sa akin ang kaibigan ko ikasal ate handa ka na ba magpakasal ng kapatid.
"Ikaw talaga Alan hayaan mo nga si Rocco alangan namang iburo ko ang itlog nya matatanda na kayo para pigilan ko pa syempre gusto ko din makitang maging masaya ang kapatid ko isa pa handa na syang magkaroon ng pamilya dahil hindi pa man nabubuo ang magiging anak nya ay secured na ang future.
Sabagay tama ka dyan ate kahit limang anak ay kayang buhayin ni pare dahil subrang sipag kong hindi pa ako kinasal ay hindi manlang kami makapag pahinga sa katitinda kahit linggo ay pinapatulan nya.
Ako ba ang topic nyo huh, may sakit ang soon to be byanan ko hindi daw makakapunta binabati ka nila pare best wishes daw ready ka na ba matali hindi ka na aatras nakangiting biro ko kay Alan.
"Syempre hindi sagot ko sa kaibigan.
Puro kayo kalokohan halika na Maureen aayosan na kita magbihis na kayong dalawa utos ko sa kapatid at kay Alan.
"Opo, pagandahin mo ate ang future wife ko huh, sabay kindat ko sa nahihiya pang si Maureen.
Ipinahiram ni Sir. Paul ang van nila sa amin habang nagmamaneho ako patungo sa simbahan ay hindi ko maiwasang hindi tumingin sa side Mirror ang ganda ni Maureen bagay sa kanya ang gown na suot.
Sa kalsada ka tumingin pinandilatan ko ang kapatid na panay tingin kay Maureen.
Takpan mo kaya ate ang distraction ni pare natatawang sagot ko sa nagtatalong magkapatid.
Nahuli sila Tessie sakay ng isa pang sasakyan ni Sir. Paul patapos palang kasi ang isang kasal na kasunod din namin habang naghihintay kami sa labas ng simbahan.
Mukhang mayaman ang ikinakasal dahil magagara ang mga sasakyang nakaparada ngunit naawa ako sa groom dahil nang tawagin ang relatives nito ay dalawa lang ang lumapit.
Minsan pare kahit anong yaman mo malungkot din kong masama ang ugali mo ni wala kang kamag anak sa araw na pinaka importante sa'yo.
Putangina!" Nasa labas tayo ng simbahan chismoso ka pa din mura at bulong ko kay Alan na nakikiusyuso sa ikinakasal.
"Ikaw nga nagmumura din ganting tukso ko kay Rocco.
Nag aaway ba kayo Saba't ko sa dalawa.
Biroan lang namin yon ni Alan gusto mo din ba ng ganyang bonggang kasal nguso ko sa mayayamang pamilya.
Ayuko ng bonggang kasal simple lang lalo na at hindi naman tayo kasing yaman nila para nalang sa future ng magiging anak— biting sagot ko kay Rocco dahil hindi ko masabing anak natin wala pa naman kaming purmal na status.
"Ang humble naman ng future wife ko natatawang biro ko kay Maureen at inakbayan ko pa ito.
"Samantala Congratulations!" Mga anak masayang bati ko kina Albert at Victoria kahit walang kamag anak ni Albert na dumating ay bakas ang saya sa mukha nito.
Salamat po Daddy!" Finally Totoo na talagang matatawag kita ngayong Daddy!" Ang Sarap pala sa feelings na kasundo mo ang ama kahit tatay ito ni Victoria at sa kanya ko naranasan ang pagmamahal ng isang ama.
"Oo, nga bigyan nyo ako agad ng apo sabay yakap ko sa dalawang anak na ngayon.
Bibilisan ko po agad Dad, biro ko at kinindatan si Victoria bago nagpaalam ng umalis dahil may kalayoan pa ang ineregalo nila sa aming Honeymoon trip.
Mag iingat kayo pag inaantok sa pag dri–drive itigil muna huwag pilitin bilin ko kay Albert dahil sa bicol pa ang byahe nila.
"Yes, Dad!" sagot ko at binuhay ko na ang makina ng sasakyan.