Chapter 6
"Lumipas ang mga buwan at mula ng sagotin ako ni Maureen ay mas lalo akong nagsipag sa pagtratrabaho para maibigay ko ang magandang buhay para sa kanila ng magiging anak namin kaya sumasama ako sa pag De–deliver nila Alan at Sir. Paul.
Hoy!" Mare yong leeg mo baka mas maging mahaba pa kaysa sa giraffe natatawang biro ko kay Maureen habang nagbabalot ng isdang nalinisan ko at iniabot agad sa customer.
Wala sila nasa Manila kasama nila Sir. Paul nag deliver ng mga isda nag sisipag yon para sa kasal nyo.
"Hindi ko naman hinihiling sa kanya Tessie ang bonggang kasal baka naman magkasakit si Rocco sa ginagawa nya wika ko at palihim na hinimas ang konting umbok ng tyan ko at ilang buwan nalang ay mahahalata na nila hindi ko pa kasi sinasabing buntis ako maski kay Rocco gusto ko syang i–surprise at kaya rin hindi ko sinasabi pa ay dahil baka mas lalo itong magtrabaho ng tudo.
"Sige na Mare sinilip ko lang sya dito wala nanaman pala balik nako sa pwesto ko paalam ko kay Tessie.
Hayaan mo pag nakauwi sasabihin ko agad sa kanya na miss muna sya at puntahan ka kinikilig kong biro muli kay Maureen.
Loko!" Natatawang iniwan ko na si Tessie at muling bumalik sa karenderia ko mula rin ng maging kami ni Rocco at mabayaran nito ang utang namin ay binigyan nya pa ako ng Dagdag na puhnan at pinakuha ng makakasama ko sa pagtitinda para hindi daw ako masyadong pagod.
"Kinagabihan nang sabihin sa akin ni Tessie na hinahanap ako ni Maureen ay agad akong nagtungo sa bahay nila kahit gabi na liwanag lang mula sa flashlight ang nagsilbing gabay ko sa madamo at madilim na daan patungo sa bahay nila.
Tahimik na ang bahay kaya dinukot ko nalang ang susi sa bulsa ng suot kong jocket kahit hirap na hirap ako sa pagbubukas ng saradong pintoan dahil puno rin ng supot ang kaliwa kong kamay namili kasi ako ng pasalubong.
Maingat kong nilagay sa lamesa ang dala kong mga grocery at nagtungo na sa kwarto ni Maureen masuyong hinalikan ko ito sa labi kahit mahimbing na ang pagkakatulog nito ngunit ng maglandas na pababa ang kamay ko ay natigil ako sa tyan nito at kinapa.
"Hm-mm..."ano ba pagod ako mahinang bulong ko kay Rocco ngunit tinugon ko naman ang masuyong halik nito at mahigpit na niyakap subrang namiss kita.
Buntis kaba mahinang bulong ko at usisa kay Maureen.
Pwedeng Oo, at hindi dahil lagi mo akong binubusog medyo lumulubo na ako natatawang pamimilusupo ko kay Rocco ngunit ng akmang babangon na ito ay nagmamadaling pinigilan ko at hinalikan magiging Tatay ka na naluluhang wika ko.
Talaga!" Tuwang–tuwa kong wika at siniil ulit ng halik si Maureen mag papakasal na tayo agad at sasamahan kita magpatingin sa Doctor wika ko at muling inangkin ang labi ng magiging asawa.
Simpleng kasal tulad ng hiling ko kay Rocco civil wedding at sa bahay ng amo nito ang reception tulad ng ikinasal sila Alan at Tessie ay sinagot rin ng amo nila ang naging handa namin.
"Huwag kang masyadong magpapagod Maureen, sana Babae rin yang magiging anak mo para may kalaro itong baby Girl ko.
"Oo, naman po Ma'am Susan sana nga gusto ko rin ng Babae para may aayosan ako lagi.
Paano ba yan Babae ang gusto ng Mrs. Natin wala tayong laban biro ko kina Susan at Maureen.
Ganon na nga Sir. Paul Pagbigyan na natin babawi nalang tayo sa susunod sabagay naka isa ka na gwapo huh, sagot ko sa amo at ginulo ko pa ang buhok ni Philip na Basang– basa sa pawis.
"Oo, nga akala ko hindi na ako makakabuo mabuti at nakahabol pa turoan nyo na yan magpatakbo nitong palaisdaan natin maski itong si Gab habang bata pa para matuto at hindi puro mang Babae ang gawin nila kapag nag binata.
Magiging habolin talaga ito ng Babae Sir.
Magandang lalaki oh, pero sige tuturoan na namin sila agad para kapag mahihina na tayo ay meron ng papalit sa atin pag sang-ayon ko sa amo.
"Oh, anak narinig mo ba ang sinabi ni Tito Rocco mo susunod ka sa kanya huh, at tatandaan nyo ni Gab ang mga itinuturo nila wika ko sa anak.
"Yes, Dad!" Sagot ko sa ama at lumayo na sa kanila ni Tito Rocco dahil puro pagkakaperahan na ang topic nilang dalawa isa sa mga nagustohan ko sa bagong nakuhang tauhan ni Dad, ay may malasakit ngayon sa pinagkukunan namin ng income.
Tinawag ko na ulit si Gab para muling maglaro.
"Samantala sa bahay ng mga Cristomo hon!".. hon!".. hon!"... Bilisan mo sigaw ko sa asawang si Albert ng may dugong dumaloy sa hita ko.
Natatarantang nabitiwan ko ang tools na hawak at patakbong pumasok sa loob ng bahay para silipin ang naglulutong asawa ngunit tila ako nanginig ng makitang may dugong umaagos sa hita nito kaya nagmamadaling binuhat ko agad kahit na madungis pa ako dahil inuwi ko ang bagong Motor ni Carlo na pinapalitan ko ng pintura dahil binabantayan ko si Victoria maselan kasi ang pagbubuntis nito.
Nang makarating kami sa ospital ay Paikot ako habang nasa loob si Victoria at inaasikaso ng mga Doctor.
Relaxed anak!" Magiging okay rin ang mag ina mo wika ko kay Albert habang nakatayo sa likoran nito nag asawa ka at ikinasal ng hindi mo manlang kami sinabihan.
Nilingon ko ang nagsasalitang ina sa likoran ko para saan pa Mommy!" Kong ipapakita lang namin ni Daddy sa asawa ko ang pag aaway namin laging dalawa.
Nasa I.C.U ang Daddy, mo at anomang oras oh, araw nalang yong itatagal nya life support nalang anak ang bumubuhay sa kanya kaya ako nandito halos isang buwan na natanaw lang kita bibili sana ako ng pagkain ko kaya nilapitan kita.
Inatake sa puso ang Daddy!" Mo anak paghihinagpis kong wika sa anak na puno pa rin ng galit maski manlang sana silipin mo dahil baka ikaw lang ang hinihintay nya tsaka may Babae nga palang pumonta sa bahay at hinahanap ka kasama ang anak mo daw Lalaki at Babae kamukha mo Rosalyn ang pangalan nong Nanay nila.
Lalo akong natigilan sa narinig na sinabi ng ina ngunit mabilis akong nakaisip ng sasabihin huwag na huwag nyong mababanggit ang tungkol kay Rosalyn sa harap ng asawa ko dahil kapag nangyari yon ay kalimotan muna rin na anak mo ako Mommy sabihin mo sa kanya magbibigay ako ng sustento sa Dalawang bata kapalit ang hindi nila pang gugulo matatag kong wika sa natigilang ina.
Bakit?" Ka ganyan mag salita anak punong–puno ka ng galit sa amin ng Daddy mo sa anong dahilan iyan ba ang nakuha mong ugali kay Carlo."Oo, inaamin ko nagkulang kami ng Daddy mo sa'yo iyon ay dahil para mabigyan ka namin ng maayos na buhay kaya subsob kami sa trabaho.
Lahat ng importanteng okasyon sa buhay ko Mommy ay si Carlo lang ang naging kasama ko kaya huwag mong idadamay sa usapan natin ang kaibigan ko dahil sya at ang pamilya nya ang naging pamilya ko nong panahong mag isa lang ako.
"Oo, subsob kayo sa trabaho para may maging magandang buhay kayo at hindi para sa akin yon Mommy, dahil bawat sentimong ginagastos ko sa pera nyo ay isinusombat nyo rin sa akin tiim bagang kong mahinang wika.
Magiging ama ka na rin anak ay may anak ka na nga pala base sa mga sinabi mo pero napabayaan mo rin ang dalawa kaya malalaman mo kong ano ang obligasyon ng isang magulang sa anak tingnan lang natin kong hindi ka din sumbatan ng napabayaan mong anak pagdating ng panahon wika ko at tinalikoran na ito.
Huwag kang mag alala Mommy, alam ko na kong paano maging isang ama at sisiguradohin kong nasa tabi ako lagi ng magiging anak ko at naging unang anak ko sa importanteng okasyon ng buhay nila ay nandoon ako lagi pahabol kong pasaring sa papalayong ina.
Mr. Cristomo tawag ko sa asawa ng pasyente na mukhang nakaidlip na.
Agad akong napadilat ng marinig ko ang pagtawag ng Doctor sa akin at napatayo para lapitan ito kamusta po ang lagay ng mag ina ko nag aalalang tanong ko.
Ligtas na ang mag ina mo nakakuha ka na ba ng kwarto para mailipat na ang Mrs. Mo kailangan nya munang manatili dito ng isang araw para masiguro nating safe talaga si baby.
"Yes, Doc walang problema maraming salamat.
"Sya sige huwag masyadong magpapagod si Mrs. Bedrest muna sya ng ilang buwan.
Tango lang ang sagot ko sa Doctor at agad na itong umalis nagtungo naman ako sa receptionist para makakuha ng magiging kwarto ni Victoria ngunit napadaan ako sa I.C.U kaya napatigil ako.
"Hi, Sir. Bibisita po ba kayo kay Mr. Cristomo wika ko sa lalaking nakatayo at nakatingin lang sa I.C.U pagkatapos ay nilapitan ko ito wala po ang bantay nya umuwi saglit.
"Oo, pwede ba sagot ko sa Nurse anak nya ako.
"Pwede po sagot ko at bumalik ako sa Nurse station at kumuha ng hospital gown ito po pakisuot mo Sir. abot ko.
Nagmamadaling inabot ko ang hospital gown at isinuot agad dahil baka abotan pa ako ni Mommy, pagkakita ko palang kay Daddy ay tila may habag rin akong naramdaman malayo na ito sa dating matapang na pagkatao at isa na ngayong mahina.