Chapter 3
"Makakaasa ba ako sa'yo Albert sabay ngiti ko at kinamayan ang kabadong binata.
"Opo, Sir. Hindi po ako mangangako pero gagawin ko ang lahat para maging masaya lagi si Victoria.
Tito Vincent nalang ang itawag mo sa akin saka muna ako tawaging Daddy, kapag sinagot ka na ng anak ko kumain na ba kayo medyo matatagalan tayo sa sabungan dahil marami ang ilalabang manok ng kapatid ko at mga kaibigan mag bubunding lang tayo doon pero hindi kita tuturoan mag sugal huh, dahil baka iyan pa ang maging dahilan ng pag aawayan nyo ng anak ko.
Ganon po ba Copy po tito Vincent iiwasan ko po talaga ang sugal tapos na po kaming kumain kayo po kumain na ba kayo.
"Oo, tapos na rin kami.
"Nang makarating kami ay maingay na ang cockpit arena, at may mga manok nang nakasalang na naglalaban habang ang mga mananaya maging ang mga kristo ay panay sigaw ng Meron at wala pusyam, lube, lo'dyis, walo anim,onse tres at sampo anim bago man sa pandinig ko ang mga pinagsasabi nila ay tila naman musika sa pandinig ng mga kasama ko.
Siniko ko ang kaibigang tulad ng mga kasama namin ay nagsasaya habang pinapanuod ang mga manok na nagpapatayan sa loob ng arena dediskarte ako mapepera ang mga tao, dito makakarami tayo bulong ko sa kaibigan.
Pigil ko ang huwag mapangiti dahil tama naman ito mag iingat ka bulong ko kay Carlo.
Tango lang ang sagot at nagpaalam na din ako kina Froiland na kunyaring mag babanyo.
Deretsohin mo lang ang dinaanan natin kanina tapos bumaba ka at kumaliwa banyo na yon bilin ko kay Carlo.
Tango lang ang sagot ko kay Jamila at kunyaring naglakad patungo sa itinuro nito ngunit lumigid lang ako at naghanap ng pupontiryahin ko tulad ng maliksi kong kamay ang mata ko nakita ko agad ang pakay na medyo kikita talaga kami ni Albert.
Natanaw ko ang kaibigang panay na ikot at kunyaring nakikisigaw din at ikinaway kaway ko pa ang kamay na ginagamit namin ni Carlo sa pagsenyas at itinuro pa nito sa akin sinakto ko ng mapatingin din ito sa kinaruruonan namin.
"Inis na napilitan akong lumapit kina Albert ng senyasan na ako nito subrang nag enjoy pa nga ako sa pandurukot ko at kunyare kong hinawakan ang tyan ng mapatingin sa akin ang mga kasama namin pasensya na dito pa ako inabot ng pag aalburuto ng tyan nasira yata sa kinain naming haponan.
Nako ano kaya mo pa ba oh, mauna na kayong umuwi wika ko kay Carlo.
Hindi po kaya pa naman ano may nanalo na ba sa mga manok nyong dala tanong ko sa future byanan ng kaibigan.
"Oo, iyon tatlo na masayang sagot ko kay Carlo at itinuro ang mga manok naming panalo.
Inabotan ko ng pera si Albert pumosta ka pare try mo nga kong marunong ka.
Sure ako pa mabilis yata akong matuto ano nakarami kaba bulong ko sa kaibigan.
Tangina!" Mo istorbo ka mas makakarami pa sana ako.
Tarantado!" ka din pala eh, makakahalata na ang mga tao kong lahat sila ay dudukotan mo hindi ka din nag iisip noh, marami pang pagkakataon at hindi lang ngayon kaya huwag kang mag madali wika ko sa mahinang tinig.
"Oo, nga pala sorry naman pamimilusupo ko kay Albert.
Matapos ang pagsusugal namin at parehong masasaya dahil puro kami panalo sa sugal habang kaming magkaibigan naman ay kumota sa pandurukot dahil mas malaki ang ma–iuuwi namin inihatid lang namin sina Jamila sa bahay nila at agad din kaming nagpaalam na uuwi kahit panay pa ang pigil nila sa amin at niyaya pa kaming mag inom.
"Saan tayo tanong ko sa kaibigan na abalang magbilang ng mga perang nadukot nito sa sabungan.
Syempre sa talyer ayaw mo naman umuwi sa inyo nakangiti sagot ko kay Albert habang pinagpaparte ko ang perang nadelihensya ko sa sabungan.
"Oh, hating kapatid ulit sabay abot ko.
Masyadong malaki ito pare nakakahiya naman naging look out mo lang ako ikaw ang mas naghirap.
"Ano kaba nong panahong may problema kami ikaw ang tumulong sa amin ipinambayad mo pa nga ang pang tuition fees mo para lang hindi kami nila Mama mapaalis sa inuupahan namin kaya bilang kabutihan mo ibinabalik ko lang sa'yo ang tulong pare sabay balik ko sa perang ayaw tanggapin ni Albert at ipinasok ko pa sa bulsa nito.
Hanggang kailan mo planong mamuhay ng ganito Carlo may negosyo na tayo baka isang araw hindi ka palarin.
Hanggang sa hindi na tayo maghihirap pare at ipapamukha natin sa mga taong nagsabi sa atin na wala tayong kwentang tao at walang mararating sa buhay gusto ko makita nila kong gaano tayo kayaman.
Napabuntong hininga ako ng lihim dahil sa narinig na sinabi ni Carlo dahil sa bawat araw na sumasabak ito sa peligrong hanap buhay ay may kaba din ang Dibdib ko para sa kalayaan nito at kaligtasan binilisan ko nalang ang pagmamaneho patungo sa pag aari naming talyer kong saan kami tumutuloy na dalawa.
Samantala madaling araw na ngunit sa trabaho namin ni Alan ay kailangan naming mag madali dahil marami pa kaming pagdadalhan na mga pwesto sa palengke bago sumikat ang araw.
Dugoan pareho ang katawan naming dalawa dahil sa dugo ng baka na nabili ko at ipinakatay sa slaughterhouse sakay ang nabili kong elf truck ay inikotan na namin ang mga suking tendera sa palengke ng baguio.
Sana laging ganito ang benta natin pare para sa kasal namin ni Tessie ay may budget ako bago manlang tayo mapaalis malungkot kong turan kay Rocco.
Hayaan muna pare huwag mo masyadong Damdamin yon atlest kahit paano ay may malasakit pa din sa atin si Sir. Sonny binigyan nya naman tayo kahit paano para sa panimula at maging ang bagong trabaho.
Sabagay tama ka pare baka doon ang swerte natin at baka doon mo din makita yong magiging asawa mo iwan koba naman sa'yo kong bakit mapili ka masyado sa Babae ang dami namang magaganda dito.
"Ang dami mong problema pati lovelife ko naisip mo pa napapailing ko nalang na sagot sa kaibigan at itinigil ko muna ang sasakyan sa tapat ng bangko para maitabi ko ang kunting tinubo sa dalawang pinakatay kong baka.
Tila nawala ang matinding pagod ko ng makita ko ang ipon sa bank book para sa future namin ng magiging asawa at anak ko kong sakali ay hindi na namin problema ang pag aaral nito dahil habang binata pa ako ay napaghandaan ko na sila.
Ibinalik ko sa bag ang bank book at muling binuhay ang sasakyan para makauwi na kaming magkaibigan at makapagpahinga.
Ngunit parang dinurog ang puso namin ni Alan ng makauwi na dahil sinisimulan ng alisin ang mga tanim naming gulay sa malawak na lote ng amo namin na gagawin ng hotel.
Mula pa sa mga magulang namin na nagsasaka noon hanggang nasalin na sa amin ang pag caretaker at pagsasaka sa lupain nila Sir. Sonny ngunit sadyang ganon talaga hindi na kayang pigilan ang pagbabago sa lupaing kinalakihan namin isa pa ay wala din kaming karapatan dahil hindi namin pag aari ngunit mapalad pa din kami kahit paano dahil binigyan kami ng panimula at bagong trabaho.
"Oh, maligo na kayo may napainit na akong tubig dyan at ng makapag pahinga kayo dahil mamayang gabi ay sisimulan na nating mag empake may ipinahiram na isang sasakyan si Sir. Sonny bukas daw ang dating para isang hakot lang ng mga gamit natin wika ko sa dalawang malungkot.
Salamat ate Grace sagot ko sa kapatid at iniwan ko na ito maski yata tanim nyang halaman ay ayaw nitong iwan dahil sinisimulan na din nyang ilipat sa mga sirang balde.
Sumapit ang gabi lahat kami ay naging abala na sa pag eempake ng mga gamit sa kanya-kanyang kwarto dahil ma–uuna sila ate sa bulacan hinihintay pa kasi namin si Tessie umuwi ito sa kanila baka matagalan na kasi bago ulit kami makabalik sa baguio kaya nagbakasyon ito ng isang linggo kasama ang inaanak kong si Gab.
Kami na ang bahala dito bayaw sige na magpahinga na kayo ni ate para may lakas ka sa mahabang byahe.
"Okay lang bayaw natulog naman ako kanina kaya taposin na muna natin ito at ilagay na natin sa labas itong mabibigat wika ko kay Rocco.
Tango lang ang sagot ko kay kuya Eric at sinimulan ko na lagyan ng mga tape ang malalaking cartoon habang si Alan naman ang naglalabas sa mga natapos ko.
Kinabukasan ay malungkot kong inihatid ng tanaw sina ate na papalayo at halos punong-puno ang sasakyan at may mga naiwan pa at kami naman ang magdadala sa isang araw.
Halika na tawag ko sa kaibigan dahil susundoin namin sina Tessie sa sagada.
May dala kabang bihisan pare baka hindi pa tayo pauwiin ni byanan bukas tanong ko kay Rocco dahil tila wala itong dalang bag.
Wala namang aamoy sa akin isa pa ang lamig maligo kaya hindi naman siguro ako babaho sa isang araw na walang ligo nakangiti kong biro at naglakad na patungo sa elf truck namin.
Napailing nalang ako sa sinabi ni Rocco kaya ito laging napagkakamalang siraulo sa palengke dahil halos hanggang bewang na ang mahabang buhok nito idagdag pa ang mahahaba din nyang bigote at parating dungisan ang suot nito.
"Ako na ang mag drive gusto mo presenta ko ng akmang sasakay na ito.
"Sure, sabay hagis ko kay Alan ng susi at muling naglakad sa kabilang pintoan.
Tulad ng sinabi ni Alan ay hindi nga kami pinayagan ng byanan nito na umuwi agad.
Ninong!" Maganda din po ba ang lugar na bago nating titirhan tanong ko kay Ninong Rocco na nakahiga sa duyan.
"Oo, naman Gab, bawat lugar ay maganda kaya siguradong magugostohan mo din doon sagot ko sa inaanak at may anak din daw na kasing edad mo lang ang bagong amo namin kaya hindi ka maiinip doon may kalaro ka.
Talaga po hindi nya kaya ako aawayin oh, baka English speaking yon Ninong dahil pag mayayaman ganon ang salita nila.
Napahalakhak ako sa sinabi ni Gab, ano kaba naman anak marunong din tayong mahihirap mag English hindi lang yong mayayaman ang marunong magsalita ng ganong lenguahe 'di ba mare sampolan mo nga ng English mo itong inaanak ko.
Tigilan nyo nga ako huh, Come on, you two stand up, I've cooked already let's eat at nagpatiuna nako pumasok sa bahay namin.
Nagkatawanan kami ni Gab nang mag sampol si Tessie ng wikang English sabi ko sa'yo kahit mahirap marunong ding mag English.
"Oo, nga po Ninong tama ka sagot ko at humawak ako sa kamay ni Ninong Rocco habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay.
Samantala anak, kasama ko kagabi si Albert Mahal mo ba sya tuwid ang tingin kong tanong kay Victoria.
May gulat man akong naramdaman sa deretsahang tanong ni Dad, mabagal akong tumango bilang sagot.
"Hindi ko kayo pipigilan anak dahil alam kong darating talaga ang araw na iibig ka at magkakaroon ng sariling pamilya isa lang ang hiling ko sana maging matatag ka dahil hindi laging masaya ang buhay pag ibig huwag ka mahihiyang magsabi sa amin ng Mommy mo kong may problema kayo ni Albert.
"Yes, Dad promised and thank you sa pagtanggap mo kay Albert dahil akala ko ay mahihirapan sya sa'yo manligaw kaysa sa akin pero mas marupok ka pala sabungan lang ang date nyong dalawa ay nagkasundo na agad kayo biro ko sa ama at mahigpit itong niyakap.
Hindi sa ganon anak pero sa ilang buwan nyang panunuyo sa'yo nakikita ko naman na pursigido sya na maging parte ng pamilya natin isa pa balak na din nya yatang gawing kagubatan itong bahay natin puno na ng halaman dinaig pa ako nong nanligaw ako sa Mommy mo.