Chapter 2
"Hi, bati ko sa nakangiting kasama ni Victoria at naging kalaban namin.
"Hello, Cristomo congratulations!" Sabay naming sagot halos ni Froiland.
Camille nga pala pinsan ako ni Victoria at si Froiland Boyfriend ko pakilala ko at inilahad ang kamay.
Matapos kong makipag kamay kina Camille at Froiland ay magkakasunod na kaming apat na naglakad huminto kami sa malaking bahay at napatingin ako sa matandang Babaeng nagdidilig ng halaman sa beranda.
Kabadong napakapit ako kay Camille dahil nakatingin sa amin si Mommy, sige na Albert maraming salamat sa paghatid mo at congratulations!" Ulit pasensya ka na Kong hindi kita mapapasok sa bahay hinging paumanhin ko.
Wala iyon okay, lang sige na pumasok ka na sagot ko kay Victoria at hinatid naming tatlo ito ng tanaw habang paakyat sa mahabang hagdan nila ng makarating ito sa dulo ay saka lang kami muling naglakad.
Bakit?" Hindi mo pinaakyat ang mga kasama nyo ng mga pinsan mo iyon ba ang Boyfriend nya at manliligaw mo din ang isa oh, kayo na din tanong ko sa anak habang patuloy sa pagdidilig ng mga boagainvellea kong tanim.
M-Mommy!" Hindi ko po manliligaw si Albert hinatid nya lang po ako sagot ko sa ina at kinuha ang hose nitong hawak para tulongan ito ako na po Mommy ang magtutuloy dito nalang ba ang didiligan tanong ko.
"Oo, dyan nalang anak sagot ko at humila ako ng upoan marahil ay inihatid ka nya ngayon pero sa mga darating na araw ay manliligaw na sya sa'yo anak hindi sa Pinipigilan kita natutuwa lang ako dahil talagang hindi na ikaw ang ipinaghehele ko noon ikaw naman ang maghehele ng magiging anak mo nakangiti kong turan at pinanuod ko ang pagdidilig ni Victoria sa mga tanim ko.
Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Mommy, dahil Totoo naman ang sinabi nito.
Samantala Halika pasok ka muna sa bahay don't worry, hindi nangangagat ang Papa ko galingan mo ang mambola para pasado ka agad sa pamilya Fajardo sunod mong ligawan ay ang Tito Vincent ko.
Napakamot ako sa ulo at napasunod nalang sa mag Boyfriend dahil hinila pa ako ni Camille para ipakilala sa ama nitong panay ang himas sa manok na panabong.
Magandang gabi po bati ko dahil pasado alas sais na ng hapon at papadilim na.
Magandang gabi sabay tingin ko sa relong nasa bisig dahil may derby kami Mamayang alas nwube.
Pa, si Albert manliligaw ni Victoria Papa Hener ko pakilala ko sa dalawa at humila ng upoan para kay Albert.
Talaga aba mabuti naman may manliligaw na ang pamangkin ko sige nga tingnan ko kong papasa ka sa kapatid ko sabay abot ko ng panabong na manok kay Albert.
Nagulat man ako sa inasta ng Papa ni Camille ay napilitan akong hawakan ang manok na ibinigay nito at ginaya ko din ang ginawa nitong paghihimas.
Napahalakhak ako dahil pasado naman si Albert nakuha mo pero medyo Dagdagan mo pa ng kunting himas dahil unica hija ng kapatid ko si Victoria kaya medyo mahigpit yon pagdating sa pagtitiwala para sa lalaking makakasama ng anak nya.
Ganon po ba hayaan nyo Gagawin ko po ang payo nyo sabay balik ko sa manok nito.
Bigyan nyo naman ng maiinom itong bisita natin utos ko sa anak dahil nakikompol din sa amin.
Matapos ang ilang kwentohan ay nagpaalam nako umuwi nadatnan ko sa bahay ang inip na kaibigan.
"Oh, kamusta mukhang kinalimotan muna ako bigla ng makita mo si Victoria huh, inis kong wika sa kaibigan na bagong dating.
Napaka seloso mo naman hindi ba ako pwedeng mag mahal puro nalang ikaw ang kasama ko lagi hindi ka pa nagsasawa sa pagmumukha ko nagdududa na tuloy ako sa'yo sabay halakhak ko ng makitang nag iba ang Aura ni Carlo.
Gago!" Straight ako iniisip ko lang ang pangkabuhayan natin mura ko sa kaibigan at nagsalin ng alak.
Kong magiging kayo ni Victoria dapat may sapat ka ding pera dahil kong wala paano mo nalang maibibigay sa kanya ang magandang buhay na meron sya.
"Oo, pare mayaman din naman kayo kahit paano at parehong pulis ang magulang mo pero hindi naman kayo okay ng Daddy, mo at kong ititira mo dito si Victoria baka hindi magtagal ang relasyon nyo dahil parati kayong nag aaway ng Daddy, mo handa kabang ipakita sa kanya ang family problem mo muling wika ko at lumagok ng alak.
Inagaw ko ang basong may laman pang alak ni Carlo at ako na ang umubos pagkatapos ay muli kong sinalinan dahil tama naman ito ng sinasabi.
Kailangan pare may pundasyon ka at kaya mo pa ding ibigay kay Victoria ang magandang buhay na meron sya kong gusto mo talaga.
Madali lang yon pare, sabay tagay ko ulit ng alak at inabot kay Carlo may talento ka at talino ako kahit paano bakit hindi natin pagkakitaan ikaw ang taga finance at ako ang taga palago sabay dampot ko ng bote na halos paubos na din cheers!" Pare nakangiti kong turan at pinag–untog naming dalawa ang baso at bote.
"Iyan ang gusto ko sa'yo pare, walang problema sa pera sagot ko simulan natin agad saan na pala ang ibang nakuha ko kanina.
Inabot ko ang bag sa kaibigan at mas lalo itong sumaya habang binibilang ang perang nakuha nito sa ilang saglit lang nyang pandurukot tulad ng dati hating magkapatid ulit kami.
Lumipas ang mga araw at naging masigasig na ang panliligaw ko kay Victoria hatid sundo ko ito sa grocery nila at bahay tuwing umaga ang toka nitong magkaha pagsapit ng tanghali ay Mommy naman nito ang pumapalit at ang Daddy nya naman ang abala sa delivery kahit nakatanaw lang ako sa malayo ay nakikita ko kong gaano ito ka hands on sa negosyo nila.
Minsan lang ito mag relaxed kaya ngayong gabi ang pagtatagpo namin nito sa tulong ni tito Hener kaya kabado ako.
Siniko ko si Albert na natahimik bigla hey, bakit may problema ba takang tanong ko.
Wala naman kinakabahan lang ako dahil makakaharap ko na ang Daddy mo Mamayang gabi sabay buhay ko ng makina at iminaniobra na ang sasakyan.
Napangiti ako sa narinig na sinabi ni Albert pursigido ka talagang makuha ako kina Mommy at Daddy huh, biro ko.
"Oo, naman unang kita ko palang sa'yo sa plaza ay gusto na kita kaya halos dinaig ko na ang Chinese sa panliligaw ko sa'yo masungkit ko lang ang puso mo sabay kindat ko pa at kinuha ang kamay ni Victoria ikinulong ko sa palad ko at hinalikan hanggang makarating kami sa bahay nila.
Tulad ng dati hinatid ko ulit ito ng tanaw paakyat sa mataas nilang hagdan.
Panay ang tanaw mo dyan bakit hindi ka pumasok sa loob, nakataas ang kilay kong turan kay Albert galing ako sa salon dahil nagpakulay ako ng buhok.
"Hi, po magandang tanghali magalang kong bati sa Mommy ni Victoria.
Magandang tanghali din oh, paki dala mo nga itong bag ko anak matso ka naman at malakas pa halika sa itaas dito ka na mananghalian.
Talaga po gulat kong wika at halos gusto kong yakapin ang Mommy ni Victoria.
"Oo, nga ayaw mo yata eh, nakangiti kong turan at binuksan na ang saradong gate namin.
Inalalayan ko ang Mommy, ni Victoria na umakyat sa may kataasang hagdan na bato nila dahil medyo mataas ang lupang kinatitirikan ng bahay nila pero maganda ang pagkakayari sa buong bahay ng makapasok kami iginala ko ang paningin sa malawak nilang sala.
Victoria!" Anak bakit hindi mo pinapasok ang Boyfriend mo huh, ang init sa labas batang ito sigaw ko sa anak.
Nanlalaki ang Mata kong napalingon kay Mommy at nabitiwan ko pa ang kinakain.
Napangiti ako ng makita kong palabas sa kusina nila si Victoria at namumuwalan pa oh, bakit iniwan mo ang plato nakita ko naman kong gaano ka kadami kumain biro ko sa nahihiyang nililigawan.
Nahataw ko sa Dibdib si Albert habang pilit kong inuubos ang laman ng Bibig.
Akala ko umalis ka na subrang gutom nako talaga halika kain na tayo yakag ko at hinila ko pa ito.
Panay ang kwentohan namin ng Mama ni Victoria hanggang sa matapos kami magtanghalian isinabay ko na din ito patungo sa grocery nila at nagtuloy ako sa negosyo namin ni Carlo.
Nagtayo kami ng talyer, dahil iyon ang naisip kong epektibong paraan sa trabaho nito at hilig ko din naman ang magkalikot ng sasakyan.
Para madali din naming mabago ang ginagamit nitong Motor sa pang hohold up.
"Wow, pare ang ganda ng kulay huh, gusto ko talaga ang ideas mo makulay puri ko sa trabaho ni Albert habang sinisipat ko ang bagong kulay na Motor mahihirapan talaga kaming matunton ng mga pulis.
Dahil nagsama kaming parehong tuso na magkaibigan.
Kamusta pala ang panliligaw mo naka scored ka na ba ilang buwan na ang panunuyo mo at baka maubos muna ang tindang halaman sa flower shop.
Namumukadkad na pare don't worry alagang alaga ang mga boagainvellea kong mga regalo kay Victoria at mamaya future byanan ko namang lalaki ang makakabunding ko.
Talaga lang huh, baka gusto mo naman akong isama sa lakad mo kumota ako kagabi kaya pahinga na muna ako ngayon.
"Oo, naman walang problema sagot ko agad kay Carlo.
Saan ba ang lakad kailangan ba ng tuxedo or barong sabay suklay ko pa sa buhok at napatingin sa malaking salamin.
Tarantado!" Sabungan ang pupontahan natin at hindi party sagot ko sa kaibigan at ipinag patuloy ko na ang naudlot na trabaho.
Sumapit ang gabi maaga kaming nagpunta sa bahay nila tito Hener kabado akong pumasok nang matanaw ko ang Daddy, ni Victoria magandang gabi po bati ko at tila hindi makabasag pinggan na tinig at nag blessed pa ako bilang pag galang.
"Ikaw ang pumoporma sa anak ko magandang gabi din sa inyo ng kasama mo wika ko habang nagmamano ito sa akin maupo kayo utos ko at itinuro ang bakanteng upoan sa tapat ko hindi mo ako madadala sa gandang lalaki at laki ng katawan Albert right.
"Yes, po Sir. Kiming sagot ko.
Ang gusto ko lang naman ay mahalin mo ang anak ko tulad ng pagmamahal naming mag asawa ni lamok ay hindi namin halos pinadapoan si Victoria pero hinayaan din naming madapa at masaktan para matuto syang bumangon.