BSB CHP22

1770 Words
Chapter 22 "Maraming salamat po talaga sa inyo ni Ninang Tessie. "W-Welcome basta ikaw. "Oh, bakit nga pala kasama mo itong makulit na ito sabay haplos ko kay Pochi. Manganganak na daw si Pearly kaya ako muna ang yaya nito pinuntahan ng tatay nya ang kapatid dahil wala daw yong asawa. Ganon ba nako sana naman ay maging ligtas ang alaga ko halika na kumain na tayo anak ikaw Gab ay umuwi na oh, dalhin mo ito kay Kara abot ko sa isang supot na binili naming ulam at kanin. Una nako paalam ko sa ina at lumabas na din para makauwi. Matapos naming mag haponan ay nagbihis lang ako ng pantulog at lumipat na sa kabilang bahay binuhat ko ulit ang aso. "Samantala panay ang ikot namin ni Mommy sa labas ng emergency room at hinihintay na matapos ang operation ng kapatid ko naalala kong ungkatin ang tungkol kay Maura para mawala kahit paano ang tensyon ko. M-Mommy!" Nasa bahay pala si Maura naghahanap daw ng trabaho. Napalingon ako sa anak at naglakad palapit nakita na pala nito si Maura sabagay hindi habang panahon ay maitatago namin ito sa kanya sana lang maging ang problema nito ay manatiling matirang lihim kay Philip dahil baka paalisin nito sina Grace at tuloyang ibenta ang lupain namin."Dahil minsan na nitong inungkat ang tungkol sa balak nito pero matindi lang ang pagtutol naming dalawa ni Pearly at kaya nagpagawa pa ito ng bahay doon ay para lalong hindi maibenta ni Philip. "Oo, nga daw anak maigi na din yon para maiba naman ang trabaho ni Maura at sayang din yong pinag aralan nya kong hindi magagamit isa ako sa magiging masaya anak kahit subrang mahal ko ang batang iyon at malulungkot din ako na malalayo na sya sa atin. Kahit hindi ko sya inuutosang magtrabaho sa atin ay may kusa si Maura at tumutulong talaga sya kahit na nag aaral ay kinakaya nyang gampanan ang tokang trabaho sa kanya ni Grace. "Ano bang course nya Mom, tanong ko sa ina. Teacher!" Maliit lang naman ang sahod ng Teacher hindi sa nakikialam ako sa gusto nya pero siguro mas may future sya sa pagluluto sabi ko nga ay ipagluto nya si Pearly kapag nakalabas na tayo. "Namana nya yon kay Maureen eh, 'di ba nga may pwesto sila sa palengke na karenderia hindi naman talaga mahirap sina Maura anak dahil may maayos na kabuhayan ang mga magulang nya bago napatay. Talaga hindi ko alam yon huh." Marami kang hindi alam sa bahay natin dahil hindi ka naman naglalagi doon anak. Akmang magsasalita pa sana ako ng bumukas na ang Emergency room kaya naputol na ang usapan namin ni Mommy tungkol kay Maura at napunta ang atensyon namin sa cute kong pamangkin at kapatid. Halos kabado pa ako ng ipabuhat sa akin ang pamangkin ko dahil napakaliit nito ingat na ingat akong ibinalik sa bisig ni Mommy at ang kapatid ko naman ang nilapitan ko wala pa itong malay dahil sa hirap na pinagdadaanan nito sa pangangak. Lumabas ako sa kwarto at pinadalhan ko ng picture sina Harvy at tita Tessie kasabay din ng pag uutos ko na magluto sila dahil doon ko muna patutuloyin si Pearly sa bahay habang wala pa ang bayaw ko para may katulong si Mommy sa pag aalaga ng pamangkin ko at kapatid. Kinabukasan Anak!" Halika samahan mo ako mag Grocery pagkatapos ng libing kina Lolo mo paki sulat mo ang sasabihin ko sabay abot ko ng note book at ballpen kay Maura. "Sige po Ninang magsimula ka na nakangiti kong sagot habang maliksi na akong nagsusulat ng mga sinasabi nito. "Nang makarating kami sa simbahan ay marami din ang ililibing na kasabay nila Lolo at Lola kaibahan nga lang ay abo na sila wala ng luhang pumapatak sa mata ko dahil napalitan na ng galit. Matapos ang misa ay dumeretso na kami sa cemetery isang maliit lang na kahon at kasya ang dalawang URN malungkot kong tinanaw ang pagpapasok nila Ninong Alan at Gab sa abo nila Lolo at Lola habang alalay ako nila Kara at Ninang Tessie. Sumalangit nawa ang kaluluwa nila anak hindi man natin maibigay sa kanila ang hustisya mahinang bulong ko kay Maura. Nagkakamali ka Ninang makukuha din nila ang hustisya hindi sa ngayon pero kapag naging malakas nako at kaya ko na lumaban sa kanila bulong ko sa isipan bago mabigat ang paa kong humakbang na palayo sa libingan nila Lolo at Lola. Nagtuloy kami sa supermarket, inuna muna namin ang mga pagkain na kinuha at halos punong puno sa dami. Sunod akong niyaya nila Ninang sa mga hygiene at damitan. Kumuha ka anak ng kailangan mo huwag kang mag-alala ibabawas ko sa sahod mo nakangising wika ko para maibsan manlang ang lungkot nito. "Natawa naman ako sa biro ni Ninang dahil alam kong kapag binayadan ko naman sila ay tudo tanggi ito mula sa shampoo, napkin, sabon toothbrush at deodorant ang pinagdadampot ko at iba pang mga pangangailangan pambabae sunod ko silang niyaya sa mga damitan naman. Napapaluwa ang mata ko sa subrang mamahal ng mga damit nanghihinayang ako sa pambili nila dahil alam kong kailangan din nila ng pera importanteng kailangan ko lang ang kinuha ko." Dahil may mga damit pa naman ako kaya mga pang lakad at pantulog lang ang kinuha ko sa mga inaabot ng dalawa sa akin at napapangiwi sa pinupulot ni Ninang dahil karamihan ay luwa na ang hinaharap. Mas mura sana mamili ng damit sa palengke kaysa dito baka ang isa dito na mabibili ay dalawa oh, tatlo na sa palengke bahala na pagtrabahohan ko nalang muna habang nagtatago, pa ako at maghahanap ng bagong trabaho. Mag papalamig muna siguro ako bago ko balikan ang mga pumaslang kina Lolo at Lola at kailangan kong matuto ding makipaglaban tulad ng mga kakalabanin ko hintayin nyo ang paghihiganti ko muling bulong ko sa isipan habang itinutulak ang punong–puno na cart. Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Ninang Tessie maging si Kara ay tinulongan din kami maghanda sa mga lulutoin namin dahil uuwi na daw sila Philip kasama ang bagong panganak na kapatid nito. "Anak!" Ikaw na ang bahala dito huh, iyan nalang naman mga gulay okay na ang timpla ko paki lagay mo nalang huh, halika buntis samahan mo ako sa kwarto ni Pearly ayusin natin yakag ko sa manugang. Tango lang ang sagot ko kay Ninang at ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga plato sa mahabang lamesa. Samantala tulak-tulak ko si Pearly sakay ng wheelchair pasakay sa sasakyan ko katulong ang dalawang staff ng ospital ay maingat namin itong inalalayang makasakay okay ka lang Sis kaya mo ba talaga pwede naman tayong mag extend pa nag aalalang tanong ko sa nasasaktang kapatid. I'm okay, kuya ayuko magtagal sa ospital parang kagat lang ito ng langgam sagot ko sa kapatid para makombinsi ko itong umuwi na kami kahit parang halos tagos hanggang kaluluwa ko ang nararamdamang sakit. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan para hindi masyadong masaktan si Pearly kapag naalog malayo palang kami ay nakaabang na sina Tita Tessie sa pintoan ng bahay namin. Lalong gumanda si Maura, kuya baka magkagusto ka sa kanya biro ko sa kapatid. "Hindi imposible anak lalo na makakasama na ngayon ng kuya mo araw-araw Hm-mm." Tikhim ko pa at napatingin kay Philip. Tigilan nyo nga ako huh, sa ganda nya siguradong may boyfriend na sya sagot ko sa mapanuksong ina at kapatid ngunit parang nasaktan naman ako sa sinabi ko at parang gusto kong umasa na sana ay wala pang boyfriend si Maura. "Hi, Magandang gabi Philip halos sabay naming bati sa binatang amo ng bumaba na ito Gab, anak yong Wheelchair bilis ilapit mo agad utos ko sa anak. Magandang gabi din po sa inyo Tita Tessie ganting bati ko at lumigid sa gilid para buksan ang pinto ng sasakyan at inalalayan ko si Pearly katuwang ni Gab at Tita Tessie. Congratulations!" Anak ang pogi ng anak mo bati ko sa alagang hirap na hirap pa. Salamat po tita Tessie syempre mana po sa amin ng Daddy nya sagot ko at nag blessed. "Hi, Maura Good evening kamusta bati ko sa kababata na tulad pa din ng dati mahiyain pa din ito tahimik at pangiti ngiti lang. Good evening Pearly okay naman congratulations!" Sa'yo sagot ko sa kababata nilapitan ko ito at niyakap maging ang ina nito ay nag blessed din ako. Kaawaan ka ng dyos' anak malungkot kong turan kay Maura dahil kahit nakangiti ito kita ko pa din ang lungkot sa maganda nitong mata halika na pumasok na tayo at ng makakain na subrang pagod ako gusto kong magpahinga ng maaga yakag ko sa mga tauhan. "Hm-mm.. mukhang masarap ang niluto nyo huh." "Oo, Ma'am Susan ito ang niluto ko tinola, chupsoy ito naman ang kay Maura pinaputok na Dalag at barbeque tsaka squash soup. "Wow gusto ko yan namis ko ang luto mo anak maigi naman at pumonta ka dito hayaan mo at hahanapan kita ng papasokan mo mag tatanong ako sa mga kaibigan ko kapag nagkita kami. Maraming salamat po Ma'am Susan pero hindi na po kailangan ako nalang po ang maghahanap nakakahiya na po. Tinatanggihan muna ba ako Maura biro ko at inabot ko ang buhat na apo kay Tessie. "Hindi naman sa ayaw kong mabago ang istado ng trabaho mo Maura pero kaya ko naman tapatan ang sahod mo sa iba kailangan ngayon ni Pearly ng Aalalay sa kanya at sa pamangkin ko buntis si Kara at hindi nya matutulongan ngayon si Tita Tessie Saba't ko sa usapan. Isa pa matanda na si Tita para magtrabaho hindi sa ayaw ko na sa'yo no offends Tita huh, gusto ko lang suklian ang long service mo sa amin magpahinga ka naman minsan at hindi kailangan laging nagpapagod para ka kasing robot na hindi napapagod. Napatingin ako sa mukha ng amo dahil sa sinabi nito at hindi ko alam ang isasagot kong papayag ba ako oh, tatanggi dahil kong mananatili ako sa kanila ay mahihirapan naman akong kumilos sa balak kong paghihiganti at ang nakakailang na mga tingin nito. Take your time to think about it and sabihin mo lang sa akin kong ano ang final decision mo wika ko ulit ng makitang tila napaisip pa si Maura. "Nako baka kapag hindi na ako kumilos kabahan naman kayo biro ko kay Philip ng tapos na itong magsalita at niyakap ko ito ng isa kong kamay hanggang kaya pa namin ng Tito Alan mo anak ay magtratrabaho pa din kami sa inyo. Hala magsikain na nga kayo at baka magkaiyakan pa tayo wika ko at inehele ko ang poging anak ni Pearly na nasa kanang bisig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD