Chapter 23
"Ano gusto mo ba ang sinabi ni kuya kanina tanong ko kay Maura ng kami nalang Dalawa dahil nag iinom na sina kuya at Gab sa Lanai.
Isa pa kong magtratrabaho ka sa labas hindi ka din ligtas mas kampanti kami na lagi kang kasama.
Muli akong Napaisip dahil sa sinabi ni Pearly sige habang hindi mo pa kaya ay dito na muna ako pag payag ko sa alok nito.
"Maraming salamat talaga sa pag payag mo Mau, hayaan mo patuturoan kita ng self defense at huwag kang maingay ipapahatid kita sa taekwondo at shooting ranges na negosyo ng asawa ko bulong ko kay Maura.
Talaga ngayon palang thank you, na agad gusto ko yan para kong sakaling makita ako ng mga naghahanap sa akin ay kaya ko silang Labanan masayang wika ko.
Wala iyon Mau, sige na magpahinga ka na at ako rin ay matutulog na para makabawi ng lakas.
"Halika na ihatid na kita sabay tulak ko sa Wheelchair ni Pearly.
Kaya nyo ba or need mo ng help Sis sigaw ko sa kapatid ng matanaw na itinutolak na ito ni Maura.
"Yes, brother we can do it, sagot ko sa kapatid Good night.
Sleep well Sis, sagot ko at muling nagsalin ng alak habang sinusundan ko sila ng tingin ni Maura.
"Nang maihatid ko sa kwarto si Pearly ay tinapos ko lang ang mga hugasing naiwan at umuwi na din ako sa kabilang bahay naisipan kong tawagan si Tita Grace, dahil maaga pa naman nag–unahang tumulo ang luha ko ng makita ko si Tita kamusta po bati ko sa garalgal na tinig.
Panay din ang iyak ko habang nakatitig sa pamangkin kamusta ka na anak huwag ka muna umuwi dito sa atin delikado din ang buhay mo manatili ka na muna dyan, padadalhan kita ng pang gastos gastos mo.
Dyan ka na din mag take ng board exam mas mabuting lumayo ka na lang dito sa atin wala kang laban sa malaking taong kaaway ng mga Lolo mo para danasin nila ang ganong kamatayan.
"Opo, Tita huwag kang mag–alala sa akin at nabigyan na din namin ng desinteng libing sina Lolo at Lola kahapon at balak ko po sana ibenta nalang ang lupa nila para sa pagsisimula ko dito sa malayo.
"Oo, tama ka anak ng desisyon mo hayaan mo ako na ang bahala dito basta mag iingat ka at huwag kang lalabas ng bahay kong hindi naman kailangan huh, bilin ko sa pamangkin habang hinahaplos ang luhaan nitong mukha sa screen ng cellphone.
"Samantala ano na ang balita, sa mga tauhan mo tanong ko kay Carlo habang nakaupo kami at umiinom ng alak dahil sa hanap buhay naming pinasok na magkaibigan dapat ay matibay ang Dibdib at marunong mag paikot ng tao at magtumba sa ganitong mundo dahil hindi basta–basta ang maging matagal sa truno ng kapangyarihan kong hindi ka palaban mula ng madamay ako ay iyon na ang naging pananaw ko dahil ayukong makulong.
"Wala pa ikaw naman kasi kahit kailan yong mga kalat mo ay laging umaalingasaw, iingatan muna sa susunod dahil dyan tayo babagsak.
Tangina!" pare ako lang ba ang palpak hindi nyo nilinis ang trabaho nyo, nag iwan pa kayo ng mantsa inis kong sagot sa kaibigan at ibinagsak sa lamesa ang hawak kong baso.
Napahalakhak ako na tila isang demonyo dahil sa pikong kaibigan ito ang nagpasimuno na pumatay pero ngayon ay kabado na hawak mo ang truno, ano kaba pare madali lang mang uto at magpadulas sa mga nakaupo.
Anong nakakatawa ngayon lang tayo sumabit inis kong bulyaw kay Carlo ang batang yon pare ang magiging tinik sa lalamunan natin dahil may posibilidad na anomang oras ay pwede tayong makulong sabay tayo ko at kinuha ang susi ng sasakyan na nakapatong sa center table.
"Sige pare hayaan mo Bibilisan ko ang paghahanap sa mga tauhan natin wika ko kay Albert bago tumayo na din para ihatid ito.
Sabihan mo ang inaanak ko pare na isara na nya ang pag iimbistiga sa kaso ng dalawang matanda dahil wala namang witness maliban sa apo siguradong natakot na din naman iyon at hindi na babalik pa.
"Paano ka nakakasiguro Carlo kailangan rin nating mailigpit yon para lahat tayo ay matahimik na tulad ng dati makakatulog ulit tayo ng walang kaba habang buhay ang apo ng dalawang matanda ay hindi tayo matatahimik dahil baka pag mulat natin ng mata ay huhulihin na tayo bigla.
Inis kong turan sa kaibigang tila balewala lang sa kanya ang problemang pinasok naming dalawa.
"Ano kaba pare problemadong Proproblemado ka sige na hindi sa itinataboy kita pero kailangan mo siguro ng pahinga sabay bukas ko sa pintoan ng sasakyan nito wala akong takot na nararamdaman dahil sa yaman na meron kami ngayon ay kaya na naming bilhin ang batas at paikotin.
Patamad kong binuhay na ang makina ng sasakyan at pinaharurot.
Samantala kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa malaking bahay bilang pagtanggap na din sa offer na trabaho sa akin.
Coffee please!" Wika ko sa abalang si Maura habang ang makulit ko namang aso ay panay ang kalmot sa paa ko inis na binuhat ko nalang dahil masakit na ang kuko nito.
Black or with creamer Sir. Este Philip kamot sa ulong binitiwan ko ang hawak na mop.
Black Please!" Kamusta ang pasyente natin gising na rin ba tanong ko kay Maura.
"Oo, nasa labas na sila at nagpapaaraw sagot ko at nagmamadaling nagtungo na sa kusina.
Napangiti ako ng lihim at pinanuod ang kilos ni Maura sa pagitan ng kunyaring pagbabasa sa news paper.
Halika kumain ka na din, alok ko kay Maura at ipinaghila ko pa ito ng upoan sa tabi ko.
Tapos nakong kumain wika ko habang inilalagay sa tabi ng amo ang kapeng hinihinge nito.
Sinungaling ka din noh, dito sa bahay bago mag simula ang lahat sa trabaho dapat ay kailangan busog para may lakas sabay turo ko ulit sa bakanteng upoan.
Nahihiyang napaupo nalang din ako kahit na Totoo namang tapos nako kumain para hindi na humaba pa ang usapan ay sumunod nalang ako sa amo.
Patapos na kaming kumain ng dumating sila Ma'am Susan may dala itong plastic ng gatas?
"Anak, ito nakabili ako ng gatas baka gusto nyo may dumaang nagtitinda kaya bumili kami.
Upo na po kayo Ma'am Susan sabay kuha ko sa dala nito.
Ang bilis mo namang kumain Maura ayaw mo ba akong kasabay nakangiting biro ko sabayan mo kami ni Philip halika dito at muling hinila ko ang inupoan nito.
Nahihiyang napabalik ako sa upoan kahit na tapos nakong kumain at nakipag kwentohan nalang sa matandang amo tulad ng dati kapag umuuwi ito sa bulacan at ng matapos ay umayat na ako para magsimula ng maglinis.
Maura!" Paki silip mo naman si Harry, utos ko dahil mas malapit ito kaysa sa akin galing ito sa itaas at katatapos lang maglinis.
"Okay sagot ko kay Pearly na nag brebreast pump binitiwan ko ang mga dalang labahin ni Philip at naglakad patungo sa kwarto ni Pearly para lang magulat tulog na tulog rin si Philip at ang braso nito ay naka dagan kay Harry."
Dahan–dahang inalis ko ang braso nito habang parang tinatambol naman ang t***k ng puso ko habang hawak ko ang maskuladong braso ng amo at tila may kuryente na dumaloy sa mainit nitong balat paponta sa kamay ko.
Halos mapatili ako sa gulat ng matanggal ko na ang braso nito dahil gising naman pala ito at nakatingin sa akin.
Napangiti ako sa nagulat pang si Maura dahil nagising pa rin ako kahit maingat ang pag alis nito sa braso ko na nakayakap sa pamangkin magugulatin ka talaga noh, wika ko at napabangon na.
"Sino ba namang hindi magugulat sa'yo Philip naghihilik ka pa tapos biglang nakadilat na pala agad sagot ko sa nakangiting amo at kinuha ang mga tsupon para mahugasan ko bago lumabas na sa kwarto dahil hindi ko kayang tagalan ang pagtitig ni Philip ng palihim sa akin.
Agahan mo mag luto ng Dinner natin mamaya huh, aalis ako pahabol kong utos kay Maura na palabas bitbit ang mga tsupon.
Nilingon ko ang amo at mahinang tumango bilang sagot at isinara ko ulit ang pinto.
Kinagabihan ng makarating kami sa sabungan ay natanaw ko ulit ang grupo ni Carlo nagkatinginan kami ng kasama nitong lalaki kapatid marahil ito ni Carlo dahil katulad din nito ang tabas ng mukha at panay din ang boga ng usok mula sa sigarilyo pinanuod ko nalang ang laban ng mga alaga ni Andrei habang panay kwentuhan namin.
Mag golf, naman tayo bukas yaya ko ng manalo na ang mga manok ni Andrei.
"Sure sagot ko agad kay Philip maaga tayong umuwi huwag na tayo magtagay masarap maglaro ng maaga kaysa hapon tiningnan ko ang suot na relo pasado alas otso na at isang bitaw nalang kami?
"Oo, dating oras, huwag kang pilipino time Andrei Gago!" Ka mura ko sa kaibigan na tawang–tawa dahil sa ilang beses na ako nito dinali sa maagang lakad kuno pero halos hapon na sumisipot.
Napahalakhak na din ako sa sinabi ni Philip ng maalala ko ang nangyari tila isang buwan rin kaming walang kiboan nito dahil dumayo pa kami sa valley golf, ngunit dumating ako ay hapon na dahil naipit ako sa traffic subrang galit na galit ito dahil marami pa naman kaming inimbitahan.
"Paborito naming maglaro sa tagaytay high lands dahil sa magandang klima naputol ang kwentohan namin ng makita kong papalapit ang grupo ni Carlo sa amin.
"M-Magandang gabi pare bati ko sa mga binatang anak ng napatay namin.
Magandang gabi din sabay naming ganting bati nila Andrei at Santino sa tatlong lalaki?
Kapatid ko nga pala si Carl pakilala ko fresh from outside world galing sa loob.
Ganon ba matipid kong sagot at tinangoan lang ang ipinakilala nito akala siguro nito ay matatakot nya kami sa isang bagong laya.
Magaganda ang tindig ng manok nyo huh, nakailang panalo din kayo sana pala sa inyo nalang kami pumosta wika ko sa pagitan ng pag hithit ko sa malaking tobacco at pinasadahan ang mga sugatang manok nila.
"Syempre, idinaan namin sa matinding trainings ang mga iyan."Para hindi habang panahon ay talonan kailangan maging matapang sila para mabuhay at hindi bulate agad ang unang makakatim sa kanila makahulogang sambit ko sa taong pinaghihinalaan kong pumatay kina Daddy.