Chapter 26
"Kinabukasan ay ako na ang nagpresentang mag deliver sa restaurant nila Rusty at Santino ng mga Hito at Dalag na prudokto namin pinuntahan ko ang magkapatid sa kitchen.
"Oh, matanda na talaga tayo pare, biro ko kay Philip ng matanaw ko itong papasok buhat ang mga order namin pareho na tayo ng nararamdaman dahil hinihilot rin nito ang balakang nya ng maibaba ang box na puno ng Dalag.
Ano kaba pare para nag inat lang matanda na agad sagot ko sa kaibigan at inililis ko pa ang manggas ng suot kong T-shirt para ipakita ang mussels ko kaya pa ang ilang round 'to noh.
"Oh, yabang Talaga lang pare huh, dapat next moth may inaanak na kami sa'yo sabagay baka nga ngalay lang yang pananakit ng bewang mo sa ganda ba naman ni Maura sabay halakhak naming magkapatid.
B-Bakit?" ako ang prenipresure nyong magkaanak at bakit hindi din kayo mag simula na mag pamilya."Pare hindi yong tikim dito tikim doon minsan i–try nyo ding maging seryoso wika ko sa dalawa?"
"Yes, father sabay tawanan ulit naming magkapatid dahil mukhang pikon na si Philip.
Wala pa kaming swerte pare sa Babae ikaw nakatagpo na subrang misis material si Maura pare kaya magtino ka na swerte muna sa kanya may forever kaming nakikita sa inyong dalawa.
"Ilabas ang bolang kristal biro ko sa dalawa dahil naging seryuso na ang sinasabi nila sa akin hinataw ko sa balikat si Santino dahil abala itong mag prito ng mga Dalag.
"Totoo, nga pare seryuso swerte muna kay Maura wika ko ulit sa kaibigan na tumutulong na sa amin.
Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi ni Santino habang nagbabalat ng sibuyas na gagamitin naman ni Rusty.
Malaking tao, ang kaaway ni Maura pagsisimula ko at naupo sa upoan na bakante sumunod ang dalawa at nag aabang sa sasabihin ko.
"Huh, Sino?"
Sabay na tanong nang dalawang magkapatid sa akin si Cristomo sagot ko.
Ano?"
Nagulat ang dalawa at naikuyom ng mga ito ang kamao.
"Paano mo naman nalaman pare takang tanong ko kay Philip.
"Hindi pa naman ako sigurado sa hinala ko dahil nang mapatay noon ang magulang ni Maura ay sa amin na sya nanatili at pareho sila ng school ni Pearly sinundo ko sila pero doon din pala nag aaral ang anak ni Cristomo.
Kitang-kita nang dalawang mata ko ang takot at galit sa mata ni Maura ng magkaharap sila ni Cristomo sa lobby ng school.
Kasama daw kasi si Maura ng mangyari ang pamamaril ayon kina Mommy."Kaya baka nakita ni Maura ang mga mukha ng pumatay sa magulang nya mahabang litanya ko kina Santino at Rusty na napahinto pa sa pagluluto nila.
May point ka nga pare baka nga kaya pala takot na takot si Maura kahapon.
"Oo, kahit naman sino lalo na kong makikita mo pa mismo.
Anong plano mo ngayon pare muling tanong ko kay Philip.
Hindi ko pa alam pare ligtas naman si Maura sa bahay ang maitutulong ko lang sa kanya ay ang masisilungan nya na ligtas at turoan syang idepensa ang sarili nya sa alanganing sitwasyon.
Tama ka pare pero mas okay, sana kong Pakasalan muna at huwag nang paligoy ligoy maganda naman at mabait ano pang hinihintay mo ang maunahan ng iba kantiyaw ko ulit kay Philip.
"Puro kayo kalokohan tigilan nyo nga ako inis kong sagot sa mga nambubuyong magkapatid makauwi na nga at wala naman kayong matinong sasabihin Dagdag ko pa bago binitiwan ko na ang hawak kong kutsilyo.
Napahalakhak kaming magkapatid ng mapikon si Philip sa amin.
Pero akalain muna iisa lang tayo na mga naging biktima nila kong Totoo nga ang hinala mo at tuksong pinagtapo pa tayo ng mga kapalaran muling wika ko kay Philip na akmang tatalikod na.
Ma–aaring iisa lang ang taong pumatay sa magulang natin dahil hindi yon nagkataon lang Rusty, kong titingnan mo ang anggulo ay iisa dahil halos magkasunod lang na araw sila pinatay.
Muling wika ko sa magkapatid at tumalikod na.
Naabutan kong tumutogtog ng piano, si Mommy ng makauwi ako at sinasabayan nito ang kanta habang nagtitipa sa piano."Kanta ni carpenter's na isa sa paborito nitong tugtogin ang close to you at top of the world pumalakpak ako sa husay pa rin nito."
Tulad ni Tita Tessie na fanatic rin ni carpenter's ang lamang lang ni Mommy sa kanya ay marunong itong mag piano pero mas maganda ang boses ni Tita Tessie.
Nakakagulat ka naman anak bigla ka nalang sumusulpot sita ko kay Philip at itinigil muna ang pag tugtog.
"Oh, Mommy bakit ka tumigil sige lang tumogtog ka pa please!" Hiling ko sa tumigil na ina dahil kahit na anong turo nito sa akin ay hindi ako natuto.
Pinagbigyan ko ang hiling ni Philip muli akong tumugtog habang nakaupo ito sa sopa at pinapanuod ako.
Matapos ang ilang kanta na tinugtog ni Mommy ay pinuntahan ko ang kapatid at pamangkin ang sarap ng tulog nila kaya muli akong lumabas para hindi ko sila maistorbo umakyat nalang ako sa itaas naabutan kong nag aayos si Maura sa mga nagulong damit ko.
Sorry huh, nagmamadali kasi ako kanina pagsisinungaling ko dahil talagang damitan ko ang pinaka magulo kong gamit.
Lihim akong napairap dahil sa sinabi ni Philip dahil maayos nga ito sa kwarto pero pagdating naman sa damitan nya ay halos baliktarin na lahat kahit na araw-arawin ko ang pag aayos binilisan ko na ang pag trabaho dahil mukhang matutulog ito.
"Thank you, pahabol kong pasasalamat kay Maura nang matapos na ito.
W-Welcome!" Sagot ko at malalaki ang hakbang na naglakad palabas.
Kapag wala kanang trabaho magpaturo ka mag Drive kay Gab or kay Dave wika ko sa palabas ng si Maura.
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko ang among nakatutok ang atensyon sa cellphone nito hindi na okay lang sa akin kong hindi ako marunong mag Drive busy sila sa trabaho nakakahiya namang abalahin ko pa.
Wala naman silang ginagawa kong hapon kailangan mo matuto para kapag aalis kayo ni Pearly ay ikaw ang magmamaneho tsaka kapag mamalengke ayaw mo ba hindi ka na mahihirapan muling giit ko.
Kamot sa ulong tumango ako bilang sagot kay Philip na nakatingin na sa akin at salubong ang makapal nitong kilay na tila ba wala akong karapatan tumanggi sa utos nito.
Kinabukasan tulad ng utos nito pagkatapos ng kanya–kanya naming trabaho ay nagsimula na ang psgtuturo sa akin ni Gab nakailang ikot na kami sa malawak na kalsada sa lupain nila Philip mula pinaka dulo nito hanggang sa main gate.
"Yong Totoo hindi kaba talaga marunong Drive or marunong ka na ang bilis mong matuto huh, puri ko sabagay hindi na nakakapagtaka dahil teacher ang kurso nito sige isa pang ikot bago tayo tumigil utos ko kay Maura.
"Syempre hindi ako marunong mag aaral pa ba ako kong marunong naman ako nakikita ko lang kay Tito Eric."Kaya siguro madali nalang para sa akin natatawang sagot ko kay Gab pero hindi ako marunong mag bukas ng pintoan nahihiyang wika ko na ikinatawa naman nito muli kong pinaandar ang sasakyan.
Matapos nga ang ilang ikot namin ni Gab ay tumigil na rin kami sa pag driving lessons at kanya–kanyang balik rin sa trabaho.
"Oh, kamusta ang first day class mo nakangiting biro ko kay Maura habang inehehele ko ang anak na nag aantok na.
Pwede na kitang ipagdrive kunting push pa ay malapit na rin akong matuto at hindi na kita maibabangga sagot ko kay Pearly at inilahad ko ang kamay para kunin ang anak nito.
Maingat kong inilipat sa braso ni Maura ang anak talaga gusto ko yan kapag dumating na ang asawa ko ay luluwas na tayo sa Manila para makakilos ka ng maayos at walang kukontra kaya sikapin mong matuto agad mag maneho.
"Anong ibig mong sabihin takang tanong ko kay Pearly.
"Yong sinabi ko sa'yo nong nakaraan na kailangan mong mag aral ng self defences dahil kong dito ka titira ay hindi mo yon magagawa dahil siguradong tatanggi si Tita Tessie.
Seryuso ka talaga akala ko ay biro mo lang yon pero sige hindi ako tatanggi dyan salamat huh, pinapatapang mo ako lalo tsaka kahit delikado para sa inyo ang pananatili ko dito ay tinanggap nyo pa din ako.
Wala yon maliit na bagay Maura kong wala rin naman ang pamilya nyong tumutulong sa kabuhayan namin sa mahabang panahon ay wala din kaming ganitong maalwang buhay kaya obligasyon din naming palitan ang kabutihan nyo.
Nako tama na nga ang drama baka magkaiyakan pa tayo sagot ko kay Pearly.
Lumipas ang mga araw tulad ng sinabi ni Pearly unang araw ko sa pinag enrolan nitong martial arts academy." Iginala ko ang paningin sa paligid habang buhat ko ang anak ni Pearly naputol ang pag gala ko ng tingin sa paligid ng may isang magandang Babaeng kamukha ni Harvy ang papalapit sa amin at nakasuot ito ng taekwondo uniform.
"Hi, Good Morning!" bati ko sa hipag at magandang kasama nito.
G-Good Morning Sister in law, sabay yakap at halik ko kay Heaven bestfriend ko nga pala yong sinasabi ko sa'yo na gustong mag aral ng taekwondo sabay siko ko ng palihim kay Maura para umayon ito sa sinasabi ko.
"Yes, Good Morning po Ma'am sagot ko at nasakyan ko na agad ang pasimpleng siko ni Pearly sa tagiliran ko at hipag din pala nya ito kaya kamukha ng asawa nya.
Ang galang mo naman nakangiting biro ko sa kaibigan ng hipag okay!" lang ang bastusan hahaha!! biro ko Heaven Asuncion kapatid ko si Harvy tara mag simula na tayo Maura right yakag ko sa dalawa at kinuha ko ang cute na pamangkin na kalong ni Maura.
Tumango ako bilang sagot kay Heaven at nakasunod lang kami sa magandang kapatid ni Harvy at nagtungo malapit sa mga nagsisimula ng mag aral ng karate at karamihan ay bata pa at iilang dalagita ako lang ang matanda sa grupo?"