Chapter 25
"Ipinaghila ko ito nang mauupoan at kinawayan ko ang waiter na abalang maglagay ng plato sa kabilang lamesa anong gusto mong breakfast tanong ko at itinuro ang mga pagkain sa menu.
Sandwich na may palamang bacon lang ang itinuro ko partner ang kape ngunit kumuha pa ng ibang pagkain si Philip kaya halos busog na busog kaming dalawa ng matapos.
Exercise ba ang lakad natin oh, kain wika ko habang palabas na kami sa restaurant.
"Syempre exercise sagot ko kay Maura habang inaalalayan ko ulit ito dahil medyo madulas ang Dinadaanan namin nag didilig kasi ng mga halaman ang ibang staff ng restaurant.
Dumeretso na kami sa golf course himala dahil mas nauna sina Santino,Rusty at Andrei kaysa sa akin dahil madalas ako lagi ang nauuna sa Grupo sabagay kumain pa kasi kami ni Maura."Ipinagbukas ko ulit ito ng pinto at itinuro ko na din kong paano nya buksan.
Kabadong napakapit ako sa kamay ni Philip dahil nakatingin sa amin ang Grupo ng mga mayayamang tulad nito at wari'y kakilala din ni Philip at makakasama namin siguro base sa kilos nila.
"Hi, Morning date, ba iyan ang aga huh, kantyaw ko kay Philip at Ngiting–ngiti, nang sa wakas ay may isinama din itong Babae hindi mo agad sinabi isinama sana namin sina Thea at Joyce para may kabunding si mare.
Biglaan lang naman ang nangyari boredom na kasi sya sa bahay kaya isinama ko Good Morning!" Pare hindi manlang nyo kami binati nauna ang pagiging chismoso nyo biro ko sa mga kaibigan.
"Sorry, naman agad Good Morning!" Sabay lahad ko pa ng kamay sa magandang kasama ni Philip.
Rusty Asuncion kapatid ko si Santino at pinsan ko si Andrei."Pakilala ko pagkatapos ay nag beso kami kay Maura.
Good Morning!" Din Maura Saturno, sagot ko sa tatlong nakapila na bumati sa akin.
Nag almusal na ba kayo tanong ko sa tatlong kaibigan dahil baka hindi pa kami mangalahati sa laro ay gutomin na agad ang mga ito at magyaya rin agad kumain.
"Tapos na po kami mag almusal pamimilusopong sagot ko kay Philip at binuhat na namin ang mabibigat na golf bag at sumakay sa naghihintay sa aming golf cart.
Tudo alalay ang dalawa kay Maura nang makababa na kami at mukhang magiging karibal ko pa sila dahil."Every month's rin sila Kong mag palit ng Girlfriend's ang magkapatid.
"Isa pa ay siguradong ichichismis na nila ako nito kay Hazel dahil kapitbahay lang nila ito kaya ko nakikilala panay ang bulongan ng tatlo habang kami ni Andrei ay nakasunod lang sa kanila.
Nagsimula na kaming maglaro, at tinuturoan ko si Maura madali itong matututo ending nga ay mukhang matatalo pa kami nila Rusty ng hindi ito nakatingin at umiinom ng tubig pinulot ko ang bola at ipinasok sa butas ngunit saktong napalingon ito at galit na galit ang dalawa sa amin.
Madadaya kayo naka mulagat kong wika kay Philip at Rusty.
Tawanan kaming apat na magkakaibigan dahil sa nakasimangot na mukha ni Maura at nang medyo masakit na ang araw sa balat lumipat naman kami sa paborito naming pag laroan na shooting range na pag aari namin ni Bayaw."Dahil shareholders rin ako ngunit hindi ako masyadong tutok dahil may mga tauhan at si Heaven naman ang toka doon at mas kailangan ako sa family business namin.
Habang nasa byahe, nilingon ko si Maura na nakatingin sa labas nag enjoy kaba sa golf course tanong ko kay Maura.
"Oo, maraming salamat huh, kahit talo kayo at nandaya pa.
Napahalakhak ako sa sagot ni Maura hindi ko inakalang shooter ka pala kahit fistimer ang galing mo huh, puri ko.
Tsamba lang sagot ko kay Philip at ang sarap sa pandinig ang halakhak nito ngayon ko lang ito nakitang masaya sa magtagal kong paninilbihan sa kanila."Dahil madalas itong nakakulong lang sa kwarto nya kaya bilang lang ang pagkakataon na magkita kami nito at parating nandito sa isa nilang bahay iyon pala ay subrang busy talaga nito.
Muli ay natahimik na ito at nagpukos sa pagmamaneho nya huminto kami sa isang malaking lupain kong saan medyo marami din ang mga tao."Kilala mo agad, na mayayaman dahil sa nag gagandahang
sasakyan at kutis labanos nilang balat kapag tumatama sa araw napaka kikinis pa ni wala yatang peklat."
Pawisan ang lahat at isip mo ay galing talaga sa Totoong gira nanlilimahid sa putik ang mga suot nila at ang iba naman ay may sukbit pang mga baril kinabahan akong bigla nang maalala ko nangyaring pag m*****r sa pamilya ko napatulo ang luha ko at itinakip ang dalawang kamay sa tenga."
"Hey, Maura!" Nagulat ako dahil kanina lang ay okay, ito nang makakita ng nagdaang Grupo na putikan at may mga baril ay biglang nagbago ang mood nito marahil ay may truma pa ito sa nangyari sa kanyang pamilya."Dahil sa pagkakabaril ng Papa at Mama nito ayon kina Tita Tessie ay nasaksihan nito mismo ang nangyari.
"Ssshhh!" Itinaas ko ang mukha nito at pinunasan ang luhaan nyang mukha okay ka lang ba halika at nang mawala ang truma mo."
Inalis ko ang kamay nitong nakatakip sa tenga, maging matapang ka bulong ko at matutong lumaban."Dahil kong igugupo ka ng takot mo ay talo ka tumayo ka dyan utos ko.
Natanaw kong kumakaway na sina Santino at Rusty sa amin at ang mga sinabi ni Philip kaya napilitan akong tumayo at napakapit sa matigas nitong braso."Dahil tila nawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa bawat putok na naririnig mukha nila Mama at Papa ang nakikita ko sa lupa na dugoan at wala ng buhay ang nagbabalik gunita sa akin.
"Ayos ka lang ba mare, takang–taka na tanong ko kay Maura dahil namumutla ito at tila wala sa sarili habang akay ni Philip.
Tumango lang ako at pilit na ngumiti kay Santino.
Kinuha ko ang protection gear, at isinuot kay Maura nang matapos ay ipinakita ko mula pag tanggal sa magazine at pag aalis ng bala hanggang sa pagbabalik ulit maging ang pagkasa at pag asinta?"
"Hindi na kami binabantayan ng staff,
Dahil alam nilang kabisado na namin ang gumamit ng armas inabot ko kay Maura ang baril, nanginginig ang kamay nito paghawak palang nya.
Napakapit ako ng mariin sa baril na hawak at pinahid ang luhang naglandas sa pisnge maging sa motibasyong sinasabi ni Philip."
May punto ito kaya ginaya ko ang ginawa nya kanina at inumpisahan ko na asembolin ang baril ngunit may pagtataka ako dahil sa mga binitiwan nitong salita hindi naman nito alam ang nakaraan ko dahil may patay rin sila at libing nalang nila Papa sila nagpunta?"
"Sige asinta ibaba mo nang kaunti iliit mo ang isang mata, at tingnan mo ang target wika ko sa likodan ni Maura at matyagang nakaalalay, nakailang tira ito hanggang nanging gamay na ang ginagawa at subra nang nag enjoyed ang loka maganda ang pulso nito dahil asintado parati.
"Mula sa maliit hanggang pang sniper na baril ay ipinatesting ko sa kanya at tuwang tuwa ako sa resulta dahil mabilis itong matuto at kong minsan ay nakalimotan nito at napapayakap pa sa akin.
Nang mapagod at mabingi na kami at sawa na ay bumalik na kami sa tagaytay, at doon kumain ng haponan papalubog na ang araw at hindi na matanaw ang bulkan sa kapal ng fug.
Nag enjoy kaba mare tanong ko kay Maura.
"Oo, sobra maraming salamat mga boy's nakangiting sagot ko kay Rusty.
Hayaan mo nextym ay isasama rin namin ang mga Girlfriend namin at ng hindi ka naiilang na kami lang ang kasama mo?
"Okay!" lang subrang nag enjoy, din naman ako kiming sagot ko ulit kay Rusty masarap kausap ang dalawang magkapatid kahit na puro kalokohan nga lang at kong Ano-ano ang itinuturo saking gawin ko daw kay Philip habang si Andrei ay katulad ni Philip tahimik lang ito at pangiti–ngiti.
"Paano mauna na kami paalam ko sa mga kaibigan na wala pa yatang balak umuwi dahil mukhang nag eenjoy pang uminom.
Ingat kayo deretso uwi huh,walang biglang liko biro namin kina Philip at Maura.
Tarantado!" Mura ko sa magpipinsan at inalalayan ko na si Maura na makatayo.
Bye!" Salamat sa libreng Dinner wika ko din sa tatlo.
"W–Welcome mare, ingat ka kay pare makamandag yan sabay halakhak naming tatlo.
Halika na puro siraulo yang kaibigan ko yakag ko kay Maura at hinila na ito palayo.
"Oh, kamusta mga anak ang pamamasyal nyo nakangiting tanong ko kina Philip at Maura na bagong dating.
Masaya naman Mom, sabay halik ko sa kanila ng buhat nitong pamangkin ko.
"Ikaw Maura nag enjoy kaba?"
"Opo, subra maraming salamat po ang ganda po ng lugar na pinuntahan namin sagot ko sa amo habang inaalis sa bag ni Philip ang damit nitong basa ng pawis.
"Oo, maganda talaga dito anak hayaan mo palagi kitang pasasamahin kina Philip at Pearly kapag gumagala sila para hindi laging dito lang sa bahay ang nakikita mo sya sige na magpahinga na kayo kumain na ba kayo.
Tapos na po Good night sagot ko.
"Good night din, sabay na sagot naming mag ina.
Naglakad nako patungo sa kwartong ukopado ko at iniwan ko na ang mag inang amo dahil tungkol naman sa negosyo ang topic nila parang sumakit din ang katawan ko sa maghapong pag gagala namin.