Hindi mapakali si Ginger at palakad lakad sa labas ng opisina ng taong kanina nya pa hinihintay. Sobrang dami na tanong ang tumatakbo sakanyang isip at kinakailangan nya ng matapat na sagot. "Miss Ginger Mercado?" napaligon si Ginger sa taong tumawag sakanyang pangalan. "Mr. Cruz is waiting in his office," "Thanks," pasasalamat nya at saka nagmamadaling pumasok sa loob ng opisina. "Ginger, Iha!" masayang bati ng matandang lalaki sa magandang dalaga. "Have a seat," huminga ng malalim si Ginger bago umupo. "Kamusta na pala ang Mama mo?" Malinaw ang pagiisip ni Ginger at nakahanda na ang mga tanong na ibabato nya sa kanyang kausap. "That is the reason why i came here Ms. Cruz," Sumandal ang matanda at tumingin sa dalaga, parang alam na nya kung bakit napunta si Ginger nang wala sa o

