Naging kritikal ang mga nagdaang araw sa pagitan namin ni Ginger. Lalo pa at nabalitaan ko mula mismo kay Ginger na inatake sa puso si Señora pagkatapos nilang magkasagutan. Gayunpaman, sinigurado naman sakin nya sakin na walang magbabago sa aming dalawa. Napatunayan kong lalo ang tibay at tatag ng pagmamahal namin para sa isa't isa. "Lately napapansin ko na matamlay kang kumain," may pag aalala sa boses ni Ethan habang kumakain kami ng meryenda sa site. "May problema ka ba o dinaramdam?" Kahit kailan talaga hindi ako makaligtas sa mapanuoring mata ni Ethan. "Wala akong problema," pagsisinungaling ko pero tama sya, nawawalan kasi ako ng ganang kumain kapag naiisip ko ang kahihinatnan namin ni Ginger. "Maraming iniisip? oo," Dahan dahang inilapit ni Ethan ang kanyang mukha sakin pero

