Sa bawat istorya ng mga taong nagmamahalan ay hindi talaga mawawala ang mga kontrabida, mapawattpad man o mga teledrama sa telebisyon at pelikula. Para silang pampalasa sa mga putahe at pampainit sa tag lamig. Kapag walang kontrabida hindi masusubukan ang pagmamahalan ng mga bida. Kagaya nalang ngayon na pilit nanamang sinusubukan ng tadhana ang pagmamahalan nina Reese at Ginger. "Ano sa tingin nyo Gov?" tanong ng matandang lalaki na si Mr. Avenido. Matagal na nyang gustong maging kapanalig si Governor Mercado dahil sa malinis nitong pamamahala sa kanilang bayan at syempre sino ba ang tatanggi sa alok ni Señora na ipagkasundo nila ang kani kanilang mga anak. Botong boto ang magasawang Avenido na mapangasawa ng kanilang anak na si Raven sa napakagandang si Ginger. "Mas magkakaroon tayo n

