Umuwi kami ni Ginger sa probinsya na dala ang mga sarili naming sasakyan. Dumaretcho na ako sa bahay para agad na makita sina Nanay at Tatay. Namiss ko narin kasi sila. Pero hindi pa man ako nakakapasok sa bahay ay sinubong na agad ako ni Kisses. Anak sya ni Kuya Aljun. Anim na taong gulang palang sya pero kung mag isip ito parang matanda na. "Tita!" masayang salubong sakin ni Kisses. Niyakap nya ako ng mahigpit at tumalon talon pa. "I miss you Tita!" Natatawa akong lumuhod sa harapan ni Kisses. Sa totoo lang mas kamukha nya ako kumpara sa Mama nya o kay Kuya. Madalas nga ay napapagkamalan kami ni Kisses na mag ina lalo pa at parehong chocolate ang pangalan namin. Hinawi ko ang magulo nyang buhok na nakaharang sakanyang maliit at magandang mukha. "I miss you too Kisses. Kamusta na a

