Naging masaya ang nagdaang araw ko dito sa Amerika kasama si Ginger. Wala kaming ginawa kundi ang mamasyal sa iba't ibang panig ng Queens, Manhattan at syempre sa famous attraction ng New York na Central Park, Statue of liberty at Empire State Building. Pero iisang lugar sa Central Park ang madalas naming pinagtatamabayan bago umuwi sa hotel. Kundi sa Wollman Rink, isa itong public Ice skating rink na talaga namang dinadayo ng mga tao lalo na ng mga bata. Ngayong gabi ay wala masyadong tao kaya naman excited kami ni Ginger na mag ice skating kahit pa hindi ako masyado marunong. But I'm not worried dahil alam kong kahit anong mangyari ay may sasalo sakin. "Wait!" sigaw ko kay Ginger habang palayo sya ng palayo sakin. Wala talaga akong kapanapanalo sa sakanyang pagdating sa skating.

