"Excuse me can you please remove your handbag from my seat?" Mabilis pa sa alas kwarto akong napalingon at walang kurap na pinagmasdan ang babae na todong todo ang pagkakangiti sakin habang nakatayo sya sa aking harapan. Umawang ang aking labi pero walang namutawing salita dahil sa lubos na pagkagulat. Sa dami ba naman kasi ng tao na pwedeng makatabi dito sa eroplano ay sya pa. "Colorlyn..." "Wow. Colorlyn talaga? Hindi ba pwede Color nalang?" umapo ang isa sa matalik kong kaibigan sa aking tabi. "Mukhang pinagpala ako ngayong araw at ikaw pa ang nakatabi ko," Nakangiti akong sumandal at tinitigan ng mabuti si Color. "Parang minamalas naman ako," biro ko na sya namang ikinatawa nito. "Kung hindi pa tayo nagkasabay ngayon ay hindi pa kita makikita," "I'm sorry Reese," unti unting

