Avery
Noong makalapit na ako kay Sir ay doon lang umalingasaw ang kanyang amoy. The smell of alcohol is evident on his body. He is f*****g drunk!
Napasapo ako sa aking noo. "Bakit naman naglasing ang isang 'to?"
Ilang segundo akong nakatitig lang sa kanyang malapad na likod. Jusko, paano ko siya madadala sa kwarto niya?!
Wincing, I started to tap his back. "Sir? Gising na po. Doon po kayo sa kwarto niyo matulog. Siraulo ba kayo para mapagkamalang kama itong sahig?"
Hindi siya sumagot. Mahinang ungol lang ang tanging narinig ko.
Depunggal, no choice!
Nagsimula na akong yugyugin ang kanyang katawan. Iyong tipong mahihiya ang lindol sa lakas at bilis ng intensidad. With that, Sir began to move. Making me realize that he was already awake.
Humarap siya sa akin habang nakahiga pa rin. "Hi," he said while obnoxiously smiling wide at me. Fudge.
I quickly look away. "Doon na po kayo sa kwarto niyo matulog, Sir."
Papikit-pikit ang mga mata, tumingin siya sa paligid. Doon niya lang yata na-realize na hindi siya sa kanyang kama humiga. Para siyang isang batang naligaw na nagpatango-tango habang bumabangon. "Alright."
Tumayo siya. But he was too drunk to keep his balance. Muntik na siyang matumba, mabuti na lang ay nadaig ko pa si Flash sa kabilisan. Nasalo ko agad siya. I made him snake his arms above my shoulders. Inalalayan ko siya papunta sa kanyang kwarto. Pero dahil sa tangkad at lakas niya ay nadadala niya ako sa bawat pag-gewang niya.
"Sir! 'Wag kang malikot!" Naiinis kong sambit. Matigas pero maingat kong niyakap ang kanyang beywang. "Bakit ka ba kasi naglasing?!"
"Sorry," he said while pouting before I even realized that I am being too bitchy with my boss. Mabuti na lang talaga at lasing ang isang 'to.
Pumasok kami sa kwarto niya. In fairness, ang linis nito. Ito 'yung lugar na mahihiyang pumasok ang mga alikabok dahil tiyak na ma-a-out of place sila.
Noong makalapit na kami sa kama, maingat kong inihiga si Sir doon. I began to take off his shoes and was about to leave when I am done. Pero natigilan ako nang bigla siyang masuka diretso sa kanyang polo!
Napasapo na naman sa aking noo, gusto ko nang batukan si Sir. Akala ko pa naman, magiging madali ang buhay ko dito!
Padabog akong lumabas ng kwarto at kumuha ng malinis na basahan sa kusina bago muling bumalik. Pinunasan ko ang bibig ni Sir na ngayon ay nakapikit na.
"Nademonyu ka kasi. Inom ka nang inom tapos hindi mo naman pala kaya?!" Pinigilan ko ang sarili kong ingudngod sa kanyang mukha iyong basahan. "Sinasabi ko sa 'yo, Sir. Hindi talaga kita patutulugin dito kapag umuwi ka uli ng lasing!"
"Okay, I won't," suminok siya, "drink again." Still closing his eyes, he tilted his head the way my eyes can't handle his perfect face. "Sorry."
Ay, ang taray? Jowa level si Mareng Avery dito?!
Humalakhak ako nang malakas. Dinuro-duro ko ang matangos niyang ilong gamit iyong basang basahan. "Naku, Sir. Sinasabi ko talaga sa 'yo. Kapag ikaw na-fall sa akin, masasaktan ka lang. Kaya hanggang maaga pa, tigilan mo na 'yan. Nademonyuka." Mas lumakas pa ang halakhak ko. Ang sarap talagang man-trip ng lasing.
Noong malinis na ang kanyang mukha ay iyong suka naman sa kanyang polo ang inatupag ko. But it was already a lost cause. Wala na akong choice kung hindi ang hubarin na ito sa kanya. Pero ang tanong ay makakaya kaya ito ng bataan ko-- I mentally smack my face. Ayan ka na naman sa kamanyakan mo, Avery!
Tumayo ako at huminga nang malalim. Nag-stretching pa ako na animong isang boxing match ang susuungin ko. May nalalaman pa akong pag-suntok sa ere hanggang sa mapagpasyahan ko nang simulan ang kamanyakan-- este, pagiging huwarang DH kay Sir.
Hinawakan ko na ang unang butones ng polo niya. Okay, kaya mo 'to, Avery. Pinalaki ka nina Sister Anne nang walang inuurungan. Jusko, tukso lang ito. Tao ka, Avery. Tao ka. Na marupok-- hindi! Literal ang ginawa kong pagsampal sa sarili ko. Hindi na lang ako mag-iisip!
Hinawakan kong muli iyong unang butones ng polo. I unhooked it. Okay, madali lang naman pala ito. Dumako ang aking kamay sa pangalawang butones. Shemay, ang dali-dali lang naman pala ng anemal na 'to. Sa pangatlong butones na ako nagsimulang mapalunok ng laway nang malala.
His broad chest came into view and my pervert eyes weren't ready for it. Nag-init ang mukha ko nang maalis na ang pang-apat na butones. Doon na kasi sa puntong iyon nagsimulang sumilip ang matigas na bahagi ng tiyan ni Sir.
Huminga ako nang pagkalalim-lalim at lumayo nang bahagya sa kama. Pinaypayan ko ang sarili ko habang idinadako ang aking paningin sa kisame. Swear, I even gestured sign of the cross out of the sin I am struggling right now!
Ang hirap pala nito! Binabawi ko na ang kabalbalang sinabi ko kanina!
"Ang init, Sir." Sumipol ako habang nakikipaglaban sa aking dilemma. Si Sir naman ay para pa ring inosenteng bata na nakapikit. Walang kamalay-malay sa kalbaryong dinaranas ko.
Pero nanlaki ang mga mata ko noong akmang mag-iiba siya ng posisyon nang paghiga. He was about to face his tummy on the bed. I was at my quickest pace to halt him. Kung hindi ko siya pipigilan ay tiyak na pati ang bed sheet niya ay lalabhan ko!
Unfortunately, well, fortunately? My hand landed on his rock-hard abs and that automatically sent jolt of freaking electricity on my fragile body!
"Jusko naman!" Napapalunok kong sambit habang ang aking kamay ay nasa matigas na bahagi pa rin ng kanyang tiyan. "Hindi na ito kinakaya ng pagkatao ko, Sir!"
Para matapos na ang kahibangan ko, sinuong ko na. Tutal, minamanyak ko na rin naman siya, bakit hindi ko pa i-level up, 'di ba? Pakiramdam ko tuloy ay namamayani na sa akin ang kabayong dugo ni Ynez!
Nagsimula na akong tanggalin din ang natitirang tatlong butones ng polo ni Sir. Noong matapos ako ay mabilis ko iyong hinubad sa kanya. Ang there he was. Lying on the bed with his perfect toned body. His pants is hanging losely on his waist. And my eyes were pervertly being satisfied.
I swallowed my hardest.
Holy shet.
Bakit? Bakit?!
Pinapaypayan ko ang sarili ko habang ang mata ko ay parang permanente nang nakatingin sa kanyang katawan. Muntikan ko pa ngang makagat iyong polo niya, mabuti na nga lang ay bigla akong natauhan noong gumalaw siya!
I am slapping myself as I started walking on his closet. Kinuha ko iyong plain black t-shirt niya. Pero agad rin akong napatingin sa kanya noong mapaupo siya mula sa higaan. Nanlaki ang mga mata ko. For god's sake! He puked again! This time, on his freaking pants!
I covered my face.
No.
No.
NO!
I am not going to take off his pants!
But before I even stop myself, my feet were gravitating me to him. I found myself wiping the vommit off of his pants. And it felt good.
I began to breathe hard.
Okay, Avery. Huli na ito. Kayanin mo na 'to. Pantalon lang 'to, tao ka. Tao kang may maduming utak-- putakte ka!
Bahala na nga!
Hinawakan ko ang kanyang sinturon. Inalis ko iyon mula sa pagkakasakal sa kanyang beywang. Then I busy myself with unhooking the button of his pants. Hindi na ako nag-isip pa dahil walang magandang maidudulot ang utak ko.
With one swift move, I removed his pants as his black boxer briefs began to make a storm out of my freaking mind. But I shook the thoughts off when I finally pull Sir's shirt over his head. Mabilis pa sa alas-kwatro ko siyang kinumutan. Lumabas na rin ako agad-agad sa kanyang kwarto dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya!
Noong makalabas na ako ay nilagay ko sa labahan iyong madumi niyang polo at pantalon. Matapos ay dumiretso na rin ako sa sofa para muling matulog. That early morning, my dreams drifted me to Sir's hard surface on his tummy and I am loving it.
***
Nagising ako noong marinig kong bumukas iyong pintuan ng kwarto ni Sir. Papungay-pungay ang mga mata, bumangon ako at umupo sa sofa. Tumingin ako sa kawalan na para bang isang bangag.
"Good morning." Came by Sir's baritone weak voice.
"Good morning din po, Sir--" nanlaki ang mga mata ko noong mapatingin ako sa kanya.
Sir naman, eh!
What the holy shet?!
Otomatikong namuli ang mukha ko noong makita ko na naman ang hubad niyang katawan. He was only wearing black boxers right now!
Hindi na talaga kinakaya 'to ng buong pakatao ko!
Napansin niya yata ang pamumula ng aking mukha. Para siyang inosenteng bata na tumingin sa kanyang katawan. It was only then when he realized that he was with nothing but his underwear. He covered his body using his arms as if it will lessen the satisfaction of my pervert mind.
"Sorry." He mumbled while slowly directing his way to the kitchen.
"O-Okay lang po, Sir!" Okay na okay? I mentally slapped my abdomen.
Sinundan ko siya. Uminom siya ng tubig mula sa water dispenser. And I was there, watching him. Para siyang model sa commercial ng mineral water. I couldn't fathom how he managed to make doing nothing but to drink water a hot and sizzling thing to do.
Noong matapos na siya ay tumingin siya sa akin. I quickly tore my gaze away from him. "Day off mo ngayon, 'di ba?"
I nodded. Linggo nga pala ngayon. Ito ang araw kung saan nagtitipon ang mga DH sa central para sulitin ang day off nila.
"Alright," he yawned, "take care. Need some money?"
Mabilis akong umiling. "Naku, hindi po, Sir. Hindi ko pa naman sweldo ngayon."
"You sure?"
I nod and smiled sincerely at him. Kahit naman siraulo ako, hindi ko aabusuhin ang inosenteng lalaking 'to!
"If that's what you want." Lumakad na uli siya papunta sa kanyang kwarto.
But before he even went to his room, I called him. There was something on his face. He looked pale or something. May sakit ba siya? Nilalagnat? "Sir, okay lang po ba kayo?"
Humarap siya sa akin. He gave me a seemed to be forced energetic smile. Weakness was still evident on his perfect face. "Yes, just tired." He pursed his lips, "Hangover lang yata ito."
"Bakit ba kasi may painom-inom ka pa, eh, hindi mo naman pala kaya?" Before I can even stop my bitchy mouth, it automatically spilled my guts. And I want to smack myself so hard that I won't do something stupid thing like this again. Jusko, kapag ito nagalit at pinalayas ako, hindi ko na talaga alam ang gagawin!
But to my surprise, he chuckled. "Sorry. Hayaan mo, I won't drink again for you."
I blink. Ay, mag-jowa pala kami? Bakit hindi ako na-inform?!
Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan nang natitigalgalan hanggang sa isarado na ni Sir ang pinto ng kanyang kwarto. Depunggal! Bakit ba kasi sobrang sweet niya?! Ganito ba talaga siya sa iba?! Kasi mananampal talaga ako kung oo?!