Avery Hindi naman sa gusto kong mag-mukhang tanga or whatnot, pero halos mag-iisang oras na yata akong nandito sa sofa. Nakatingin lang sa pinto ng kwarto ni Sir. Nag-aalangan kung aalis ba ako ngayon o hindi. Depunggal kasi! Mukhang hinang-hina siya kanina! Iyong tipong parang wala talaga siyang lakas. Iyong kaunting tulak lang sa kanya ay matutumba talaga siya. Jusko, paano kung mawala siya sa mundo mamaya? Sino nang magpapa-sweldo sa akin? Sinampal ko ang sarili ko. Anemal ka talaga, Avery! Bakit sa patay agad pumunta iyang utak mo?! Ginulo-gulo ko ang buhok ko habang patuloy na nakatitig sa pinto. Nakakunot ang noo. "Bahala na nga!" Napangiwi ako. Malaki na naman si Sir, kaya na niya 'yan! Bago ko pa bawiin ang napilitan kong desisyon, kumaripas na ako ng takbo palabas ng baha

