Lincoln, O'neal, Hilario at Brenox Driblim— silang apat ang napangalanang main suspect for dealing drugs and prostitution sa isla. Sa madaling salita ay sa kabuuan ng Rampage Society. May isa pang hinahanap na mafia lord at hindi pa mapangalanan na hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ng pulisya. Samantalang naging safe naman ang pangalan ng mga shareholders. Katulad nina Tita Heather Myles, Tita Gregora Samarah Romero, Ms. Lucy Skye Turner na siyang ina pala ni Logan, o mas kilala bilang si Phantom at si Ms. Empress Mae Jackson na ina rin Hunter na member ng Special Action Force. Pati si Mama Esperanza Miller— silang lima ang naunang Rampage Angels na nabigyan ng shares sa company. Si Adam naman ay nalinis din ang pangalan, isama pa ang maraming inosenteng empleyado ng Rampage Society. A

