bc

Love and Regrets (FREE/TAGALOG)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
20.5K
READ
billionaire
HE
drama
bxg
musclebear
assistant
like
intro-logo
Blurb

Meet Laureece Miller, a journalist came from Black Hawk Dragon Organization based in Italy with a special credibility of being a spy. As she enters Rampage Island, she's with her oh-so-called mission and that is to investigate a further information about the illegal action of the said Island.

'Til she met Adam Benneth Cooper, the one who's in charge of keeping the documents safe and securing the system. The one who's willing to sacrifice his life in order to protect the whole island.

Will they give up everything in the name of love? Or still be the slave of organizational mandate?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Reece, anak?" Dinig kong pagtawag sa akin ni Mama mula sa labas ng pinto sa kwarto dahilan para unti-unti akong magmulat. Kasunod nito ay ang mabigat kong pagbuntong hininga. Ilang minuto pa nang mapatitig ako sa puting kisame ng kwarto. Sandali akong nag-isip kung pagbubuksan ko ba ito o hindi. If I know, iyon at iyon lang ang sasabihin nito sa akin, kaya narito na naman siya para kulitin ako nang paulit-ulit. Hangga't hindi ako pumapayag ay hindi rin talaga siya titigil. Hindi na bago kung sadyain ako nito sa kwarto ko, o kung saan man ako naroon. Sa ilang araw niyang pangungulit ay halos makabisado ko na nga yata ang linyahan nito sa tuwing kakausapin niya ako patungkol doon. ‘I want you to take care of my shares, ikaw ang gusto kong maging substitute ko as shareholder ng Rampage Society. Ikaw na lang iyong inaasahan ko na papalit sa akin doon.’ Wala sa sarili nang napangiwi ako nang halos marinig ko sa mismong tainga ko ang boses na iyon ni Mama. Right! Gusto niya akong pumasok sa Rampage Society, not as hooker, but one of an officer in charge na siyang labis kong inayawan. Kahit ano pa ang i-offer sa akin, kahit mataas na posisyon ay hindi ko tatanggapin o kahit palitan ko mismos ang head nila ay ayoko. Even in my dreams, I just can't accept it. Ni ayaw kong pumunta roon o makarinig ng patungkol doon. I just find the place so disgusting, lugar iyon ng mga babaeng nagbebenta ng sarili para sa isang gabi— kaibahan nga lang sa karamihang club o bar na nakikita sa gilid ng kalsada, doon ay mayayaman at multi-billionaire ang pwede mong maging client. In an instant ay pwedeng-pwede kang yumaman kahit sa ilang araw mong pamamalagi roon. Kung gusto mo ng easy-money, sa Rampage Society ka pumasok. They will guarantee that every single of your body is worth the price. O mas magandang sabihin— every inch of your body has value— sa mga lalaking ang hanap lang ay aliw. Mas mainam pa nga siguro na ibenta ko na lang ang mga lamang-loob ko sa mga sindikato, roon ay double pa ang presyo. Rampage Society is not my type, sa tuwing naiisip ko na papasok ako roon ay nasusuka ako; minus the fact na nanggaling doon si Mama. Hindi na rin lingid sa kaalam ko na nanggaling siyang Rampage Society as one of their elite hooker. Tandang-tanda ko pa, limang taong gulang pa nga lang ako noong mapadpad kami roon dahil sa kawalan namin ng pera. In short, isang kahig at isang tuka kami. Mga dukha at hampaslupa. Bata man din ang isip ay kaagad kong na-realize kung anong klase ng mundo ang mayroon doon. Sa ibang banda ay naiintindihan ko naman si Mama, dala ng kahirapan namin ay nagawa niyang pumasok doon kahit labag sa loob niya para bigyan ako ng magandang kinabukasan, para sa akin lahat ng sakripisyo niya. Kaya ngayon ay mas nagpupursige ako sa buhay, para kapag dumating ang panahon na magkakaanak ako ay hindi mangyayari sa akin iyon o kahit sa anak ko ang hirap. Dahil ayoko rin namang maranasan na papasok ako sa isang club. Over my dead body. "Laureece..." madiing sambit ni Mama sa buong pangalan ko, hudyat na naiinip na ito kung kaya ay wala na akong nagawa kung 'di ang sumunod. Tinatamad man ay bumangon ako sa pagkakahiga at parang lantang gulay na tinungo ang pinto. Nang mabuksan iyon ay halos bumalandra pa sa mukha ko ang kamao ni Mama nang tangkang kakatok ulit ito, rasonn para matigil ang kaniyang kamay sa ere. "Ano bang ginagawa mo? Kanina pa ako kumakatok dito. At anong oras na para sabihin mong tulog ka," palatak niya habang pinanlalakihan ako ng mata. "Ma, please... ilang beses ba tayong mag-uusap tungkol dito?" may kalakasang bungad ko rito dala ng inis sa paulit-ulit naming pagtatalo. Hindi ko na rin napigilan ang sarili, kunot ang noo kong pinagmasdan ito pamula ulo hanggang paa at pabalik sa kaniyang mukha. Nasa mid-forties na si Mama ngayon ngunit hindi pa rin maipagkakailang sobrang ganda niya. Iyon nga lang ay wala akong masyadong namana sa kaniya, maliban sa pagiging babae ko. Bukod doon ay ang buhok kong bahagyang umaalon ang dulo katulad ng kaniya. Lahat sa akin ay galing kay Papa, ika nga ay para kaming pinagbiyak na bunga. Actually, si Papa ang kauna-unahang naging client ni Mama noong nasa Rampage Society pa ito, na noon din ay high school lover pala ang dalawa. Destiny speaks for themselves, I guess. Siya ang nawawalang ama ko noon. Doon sila muling nagkita at saka ipinagpatuloy ang dating nasimulan. Kung sa akin mangyayari iyon, baka gumawa na lang ako ng krimen. Mas nanaisin ko pang maglagi sa kulungan, kaysa ang manatili sa ganoong uri ng lugar. "Anak—" "Nariyan naman si Lauren, hindi ba? Maigi pang sa kaniya mo na lang i-offer 'yan. Tama na, Ma, hindi niyo po ako mapipilit sa ganiyan," mabilis kong pahayag, pinuputol ang kung ano mang sasabihin niya at para matapos na rin itong pagtatalo namin. Lauren is my little sister, six years ang agwat naming dalawa and she's now in her first year of being senior student. Though, ayoko rin naman na mapunta sa kaniya ang obligasyon, pero siya lang din ang choice ko para hindi na ibaling sa akin ang Rampage Society. Samantala ay graduating naman ako sa college as Bachelor of Science in Mass Communication, major in journalism. And yes, I want to be a journalist or rather work in a communications or media-related field. I want to pursue my dreams, kaya hindi ko tinatanggap ang offer ni Mama sa akin. "Ma, please..." pagmamakaawa ko nang hindi ito sumagot, kasabay nang pagbuntong hininga ko. Tanging pagtitig na lamang din ang nagawa niya sa akin kung kaya ay tumikhim ako. I am not a spoiled brat child, but I have my own opinion. Hindi ako nagre-rely sa kanila dahil gusto kong maging successful ako balang-araw in my own ways. "May pangarap po ako, okay? Kung tingin mo ay iyon ang makakabuti sa akin— no. Ayokong mag-settle sa ganoong uri ng lugar, ayokong bahiran ng dumi ang pagkatao ko dahil kahit papaano ay may dignidad pa rin ako," dugtong ko— I am not like you. Gusto ko pa sanang sabihin iyon ngunit alam ko na masyado nang below the belt. Sa sinabi ko pa ay nakita ko ang kaniyang pagbuntong hininga, animo'y hirap na hirap siyang ipagpilitan sa akin ang gusto, kalaunan nang marahan itong tumango sa kawalan ng pag-asa. "All right then," simpleng sagot niya at wala nang anu-ano'y tinalikuran ako. Nagalit siya, rather nasaktan sa mga binitawan kong salita. So, heto na naman kami. Instead na ako ang sumama ang loob, siya pa itong nagkakaganiyan. Ano ba ang mali sa hindi ko pagtanggap, gayong may pangarap naman ako? Malakas akong napabuntong hininga bago padarag na sinarado ang pinto. Kibit na lamang ang balikat ko. I just don't get it, bakit kailangang ipagpilitan sa akin, right? Dumeretso ako sa banyo upang makaligo na, pasado alas nuebe na rin kasi at kailangan ko nang maghanda sa pagpasok. Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos ako sa pag-aayos, ginulo ko pa nang bahagya ang buhok ko upang magkaroon ng volume. Mayamaya pa nang tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinitigan ang sariling reflection sa isang vanity mirror. Suot ang plain black t'shirt na may kalakihan sa akin, tinernuhan ko lang iyon ng khaki baggy pants and a white rubber shoes. Washed day ngayon, kaya pwede sa University ang mag-civilian. At itong itsura ko ang naging signature sa loob ng Campus. Inayos ko ang golden blonde kong buhok na may highlights na kulay red, it's a trend so I gave it a try 'coz why not. Isa pa ay bagay naman sa akin, para lang akong hollywood rockstar. Napangisi ako nang makita ang reflection sa salamin. Aaminin ko, I kinda look weird because of my style, the way I speak and walk like a king. They even called me as ‘tomboy’ but whatever, karamihan din kasi sa kaibigan ko ay puro mga lalaki. And yes, I'm a little bit boyish but not totally the ‘tomboy’ or a bisexual to be called. O baka hindi ko pa masabi, since never pa naman akong nagkaroon ng karelasyon? Oh, nevermind. Hindi na ako masyadong nag-ayos ng mukha at deretsong lumabas na ng kwarto dala ang bag back ko. Nang makababa ay mabilisan akong lumabas upang hindi na ako maabutan ng kung sino. Lalo na ni Mama na siyang tanging naiiwan lang sa bahay. Nilakad ko lang din ang kahabaan ng Villa de Luna palabas na pagmamay-ari ni namin— sinunod ito sa pangalan niyang “Luna” na siyang regalo sa kaniya ni Papa noon. Hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng village ay naglakad pa ako ng kaunti at ilang segundo pa nang sandali akong mapahinto. Tumigil ako at saka pinakiramdaman ang paligid. Malakas ang kutob kong may sumusunod sa akin, kaya mabilis kong nilingon ang bandang likuran ko. Hindi nga ako nagkamali dahil nasilayan ko pa ang pagtakbo nito papasok sa isang eskinita marahil upang magtago. Hindi na ako nagdalawang-isip na habulin siya at wala na akong naging pakialam kung ma-late man ako sa school. Wala pang isang minuto nang hatakin ko ang kwelyo ng kaniyang damit. Hudyat iyon para ilabas ko ang dalang self-defense at mabilis na itinutok sa lalaki dahilan para mapatigil siya. Unti-unti ay lumingon ito sa gawi ko at kagaya ng inaasahan ay nanlaki ang dalawang mata niya, gulat na gulat ito habang nakatingin sa akin. Kalaunan nang bumaba pa ang atensyon nito sa hawak kong baril at dahil doon ay nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang adams apple na para bang natakot ito, kaya wala sa sarili nang mapangisi ako. Maang kong pinagmasdan ang mukha niya. "Sino ka?" seryosong banggit ko gamit din ang malamig na boses. Ngayon ko lang natanto, he looks familiar. Hindi ko lang masabi kung saan ko siya nakita na para bang dati ko na siyang nakikita. Mayamaya nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya dahilan para kumunot ang noo ko at binalingan siya. "Chill! Ako si Adam, we're schoolmate and I'm one of your stalker," aniya at saka pa muling tumawa. Adam? Wala akong kilalang ganoong pangalan. Schoolmate kami? Baka kaya siya familiar, pero stalker? Really? Talaga bang proud pa siya? "And if you don't mind, matagal na kitang crush. Matagal na kitang sinusundan. So, please, bear with me," dagdag niya nang hindi ako magsalita at saka pa nito pinagsalikop ang dalawang kamay tanda nang pagmamakaawa niya. Napangiwi ako, it is actually my first time na may nagsabi sa akin ng ganoon. Crush? Sa itsura kong 'to? At hindi ko alam kung bakit kinabahan ako, ang lakas kasi bigla ng pagtibok ng puso ko. Kasabay nang panghihina ng dalawang tuhod ko. "Pwede mo na bang ibaba 'yang baril na hawak mo?" pahayag niya dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Napakurap-kurap ako sa kawalan at mabilis na nag-iwas ng tingin. Sa sinabi nito ay bahagya akong natawa at saka binawi ang kamay na nakatutok sa kaniya, halata pa rin kasi ang takot at pagkabalisa niya dala ng hawak kong baril. "Hindi ko akalaing marunong ka palang humawak niyan... may lisensya ka ba niyan?" Kunot ang noo na binalingan niya ako, bilang sagot pa ay naging kibit ang balikat ko. "License? Wel, it's just a toy gun," saad ko at malakas na tumawa. Bigay lang sa akin ito ng mga kaibigan kong lalaki, sabi nila ay pang self-defense ko raw ito sa oras ng kapahamakan kagaya nito. Mukha siyang totoong baril, but the truth is laman nito ay pepper spray. Effective naman pala talaga. "So, you're Adam, right?" tanong ko at saka pa ngumiti na siyang ikinagulat niya. "I'm sorry, and by the way, my name is Ricci." Inilahad ko ang isang palad sa harapan niya, dagli siyang nagbaba ng tingin doon hanggang sa nagtataka niyang ibinalik ang atensyon sa akin na para bang may sinabi akong mali. What now? May dumi ba ako sa mukha? "Ricci? Hindi ba ay Reece? Laureece Miller?" naguguluhang tanong nito, kaya muli akong tumawa. "Stalker ka nga." Hindi ko alam kung bakit. Somehow, magaan ang loob ko sa kaniya kahit pa grabe sa pagririgodon itong puso ko, kulang na lang ay lumabas na sa katawan ko. Mayamaya pa nang matawa siya hanggang sa abutin din nito ang kamay ko ay tinanggap ang pakikipagkamay ko. "I'm Adam Benneth Cooper. Just Adam."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook