Wala sa sarili nang mapabuntong hininga ako, maigi kong ininat ang dalawang kamay sa ere at saka isinandal ang likod sa inuupuang swivel chair. Napatitig pa ako sa monitor ng laptop ko kung saan naka-hang sa screen ang nakatokang project ko.
It's all about the political corruption here in Italy and it's been four years simula noong umalis ako ng Pilipinas right after kong maka-graduate sa college to pursue my dream as a journalist at dito ko nga iyon natagpuan sa Italy— sa Black Hawk Dragon Organization.
It's more likely a private underground business na siyang tumatalakay sa sikreto ng iba't-ibang government, agencies or institutional saan mang sulok ng mundo. Sa madaling sabihin ay underground economy which refers to economic transactions that are deemed illegal, either because the goods or services traded are unlawful in nature.
Some illegal activities include drug dealing, trade in stolen goods, smuggling, illegal gambling, and fraud. Dito rin matatagpuan ang mga undercover agents, spies or espionage, whereas the practice of spying or using spies, typically by governments to obtain political and military information.
Hindi ko nga alam kung bakit napunta ako sa ganitong work environment, pero hayaan na. Kung tutuusin ay malayo ito sa Rampage Society na noon ay inaalok sa akin ni Mama. Mas okay na ako rito dahil Nag-e-enjoy din naman ako sa pagkalap ng mga pwedeng maisulat as a journalist.
There are so many ways para makakuha ng important details, pwedeng through website or even physical dahil madalas ay pinapadala ako sa iba't-ibang lugar to gather some information from a non-disclosed sources, ika nga ay maituturing na ring spy ang kagaya ko.
Kibit ang balikat kong nagpatuloy sa ginagawang report, ilang minuto lang din nang matapos ako sa pag-review at pag-edit ng sariling project. Nang mai-save sa flashdrive at mai-send sa email ay mabilis akong tumayo at muling nag-inat.
Sa buong maghapon ay iyon lang yata ang ginawa ko kung kaya ay ramdam na ramdam ko iyong pagod sa buong katawan ko. Namamanhid din ngayon ang mga daliri ko sa magdamag kong pagtipa sa keyboard.
It's already twelve o'clock in the evening ngunit masyadong buhay na buhay ang diwa ko kahit pa pagod ang katawang lupa ko kung kaya ay hindi ko magawang makatulog. Ang ending ay tumulala muna ako sa kawalan habang nagpasyang pilitin ang sarili na matulog.
For f*****g Christ's sake, may pasok pa ako bukas at malamang na may panibago na naman akong project. Marahan akong humiga sa malambot kong kama at saka pumikit, pinipilit ko pa rin ang sarili na makatulog sa gabing iyon.
For the past four years, heto talaga 'yung naging bangungot sa akin dito sa Italy. Pinaghalong insomnia at homesick ang nararamdaman ko. Kahit pa ilang taon na akong namamalagi rito, palagi ko pa ring nararamdaman iyong lungkot na para bang may nami-miss ako.
Posibleng si Mama at Papa, o 'di kaya ay si Lauren, o si Lawrence na siyang nakababata pa naming kapatid ni Lauren. Huminga ako nang malalim at mapait na ngumiti nang pati sa pagpikit ko ay mukha niya ang nakikita ko— it's Adam, the boy from more than four years ago.
Ayoko mang aminin ay sigurado ako na siya iyong nami-miss ko. Honestly speaking, wala na akong naging balita sa kaniya. Ang pagkikita naming iyon ang naging una at huli, hindi na nasundan dahil right after kong maka-graduate ay nag-apply ako kaagad through online.
Mabilis akong natanggap and I quickly grab it kahit pa rito iyon sa Italy malayo sa bansang kinalakihan ko. Ang rason kung bakit hindi ko siya magawang makalimutan ay dahil siya lang ang kaisa-isahang lalaki na nagpapatunay o pwedeng tumayo bilang saksi na pwede pala akong magmahal.
Siya lang ang natatanging nagparamdam sa akin na masaya pala ang may iniibig o minamahal. Kasi sa ngayon? Sa totoo lang, sa edad kong 'to ay wala pa akong nagiging boyfriend. Ewan ko, hindi ko alam kung bakit masyado akong naging pihikan pagdating sa mga lalaki.
Mas lalo pa akong mapili and yet, wala pa ako ni isang napipili. Maraming nagpaparamdam ngunit mabilis ko ring tine-turn down, siguro ay hindi pa ito 'yung tamang panahon para sa akin? Baka rin dahil sobrang taas ng standard ko?
Tipong gusto ko iyong ini-stalk ako at malakas ang loob na sabihing crush niya ako— f**k. Saan ko naman nakuha ang idea na 'yon? Stalker my ass. O baka kung wala talaga ay papasok na lang ako ng kumbento. Tch, bahala na si Batman.
Sa kapipilit matulog ay sa wakas nangyari rin, nagising lang ako ng madaliang araw dahil sa paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Pikit ang isang matang kinapa ko iyon sa bedside table, saka sinagot habang nananatiling akap ang sarili.
"Hello?" paos kong sambit dahil inaantok pa ako.
"This is your Big Boss, I just want to inform you that your next mission is in the Philippines. So, you better check your email. Also, pack all of your things now 'coz your flight will be in thirty minutes. Bye," baritonong pahayag niya at wala nang anu-ano'y ibinaba ang linya na hindi man lang ako pinagsalita.
Sa haba ng sinabi nito ay doon lamang sa ‘thirty minutes’ ako nagulantang, kaya wala pa sa huwisyo nang tumayo ako sa pagkakahiga ko at mabilis pa sa alas kwatrong hinila mula sa ilalim ng kama ang maleta ko. Baliwala sa akin ang antok ko dahil mas mahalaga ang utos ng boss ko.
Inaasahan ko na itong mangyari sa tuwing natatapos ako sa last project ko kung kaya ay naghanda na ako kahapon. Ganito kasi madalas ang bungad sa akin. Ang hindi ko lang inaasahan ay ganito kaaga, kaya naman dali-dali akong pumasok ng banyo upang makaligo.
Limang minuto lang siguro ang itinagal ko roon at parang idinaan ko ang sariling katawan sa shower head. Hindi na ako nakapag-conditionaire dahil kapag naglapag ng oras si Big Boss, kailangan ay on time ang dating.
Actually, never ko pang nakita iyong naturingang Big Boss ng Black Hawk Dragon Organization. He's quiet secretive at ayon sa ilang katrabaho ko, ilag daw talaga ito sa mga tao at tanging pagbibigay lamang ng mission ang dahilan para kausapin ka niya through phone.
Nang matapos maibutones ang suot kong cream blouse ay lumabas na ako ng kwarto dala ang maleta at sling bag ko. Basa pa ang buhok ko at hindi na ako nakapag-ayos ng mukha sa sobrang pagmamadaling habulin ang oras.
Tumutulo pa nga iyon sa suot kong blouse, kaya minabuti kong suklayin iyon gamit ang mga daliri ko. Halos lakad-takbo ang ginagawa ko na kamuntikan pa akong matapilok dahil hindi ko rin nagawang maisintas nang maayos iyong combat boots ko.
Hindi ko na rin naman na kailangang bumiyahe pa dahil sa rooftop nitong condominium na siyang tinutuluyan ko ngayon ay naroon ang helipad kung saan natitiyak kong nandoon na ang helicopter na susundo sa akin.
Hawak-hawak ko ang cellphone nang pindutin ko ang button ng elevator at pumasok doon nang magbukas iyon. Habol ang hiningang napasandal ako sa dingding ng elevator at pikit-matang dinaramdam ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Sa loob ng apat na taon ay ngayon ko pa lang natiyempuhan ang mailagay sa Pilipinas na siyang iniiwasan ko at hindi ko alam kung uuwi ba ako sa bahay upang doon manuluyan habang isinasagawa ko ang siyang mission ko.
Wala kasing nakakaalam kung saang organisasyon ako nagtatrabaho, ang alam lang nila Mama at Papa ay isa akong journalist sa isang maliit na kumpanya rito sa Italy. Para in case rin na magtanong sila company na pinapasukan ko ay hindi ganoon kalalim ang pagsisinungaling ko.
Dahil kagaya nga ng sinabi ko, Black Hawk Dragon Organization is a private underground business. Isa sa patakaran nila ay huwag ipagsasabi sa ibang tao ang tungkol sa kanilang kumpanya, sa mga ginagawa at nangyayari sa loob no'n.
One of their secret is they aim to kill notorious people, mga high profile na tao base na rin sa utos ni Big Boss. Mabuti talaga at isang hamak na journalist lamang ako sa company nila dahil hindi ko rin naman kakayanin kung papatay ako at baka ako pa ang mahimatay kapag nangyari 'yon.
Never ko rin naman hinangad na pumatay kahit minsan ay naku-curious ako kung ano ba iyong pakiramdam. Minsan nga ay iniisip ko kung bibigyan ba ako ng pagkakataon at ng isang bala— kanino ko iyon ipuputok? Sino ang unang papatayin ko?
Hindi ko alam at wala akong idea. So far, wala naman akong naging kaaway o nakaalitan kahit dito sa trabaho ko. Masasabi ko na purong trabaho lang sa organization ko at no feelings involve, kumbaga no string attached ang ganap.
Hindi ko sinasabi na bawal ma-inlove sa loob ng Black Hawk Dragon Organization, or bilang isang empleyado nila na nakakontrata sa kanila, pero good thing ay hindi rin ako padalos-dalos pagdating sa salitang pagmamahal.
Sa ngayon ay wala pa iyon sa isipan ko, ayoko munang pasukin ang ganoong klase ng mundo. Masaya pa ako ngayon sa trabaho ko at kung darating man din ang araw na iyon ay gusto kong sa iisang tao lang ako mai-inlove.
Nang magbukas ang elevator sa rooftop ay halos sumabog ang buhok ko sa lakas ng hangin na dala ng helicopter. Pasado alas tres pa lang dito sa Italy, kaya ganoon na lamang ang antok ko na para akong hinihele habang naglalakad.
"Thank you..." sambit ko sa lalaking tumulong sa akin at nag-akyat ng maleta ko sa helicopter.
Naroon siya sa loob at nang matapos ito sa paglagay ng maleta ko ay inilahad niya naman ang kaniyang kamay na mabilis kong tinanggap bilang tulong na mapadali ang pag-akyat ko sa loob at pasalampak na naupo.
Hindi rin nagtagal nang unti-unti ay umangat ang chopper. Gustuhin ko mang matulog ngunit mas nangingibabaw sa akin ang kabog ng puso ko na halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan, rason para lingunin ako ng lalaking katabi ko.
"Are you okay?" aniya nang pasadahan ako ng tingin. "You look uneasy."
Bahagya akong natawa para ipakitang ayos lang ako. "Yeah, I'm just sleepy."
Isa siya sa mga taong nagtatrabaho sa Black Hawk Dragon Organization ngunit hindi ko na matandaan kung anong pangalan niya. Hindi ko rin alam kung spy siya, pero naging kibit na lamang ang balikat ko at hindi na pinagsayangan pa ng oras iyon.
"You can sleep here. I'm going to wake you up once we arrived at our destination," wika nito na nagtutunog foreigner pa sa pandinig ko.
"All right," simpleng sagot ko at saka mabigat ang ulo na isinandal sa head rest ng upuan.
Bago tuluyang makatulog ay binuksan ko muna ang email ko to check what's my next mission dahil para akong kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan at ganoon na lamang ang pagbagsak ng panga ko nang mabasa ang email.
"What the hell?" bulalas ko habang nanlalaki ang matang paulit-ulit na binabasa iyon.
Fuck. Sa Rampage Society ang next mission ko? It this even for real, huh? Para yata akong mahihimatay dahil lahat ng dugo ko sa katawan ay tila naglaho, para akong tinakasan ng kaluluwa at wala sa sariling natulala sa kawalan habang hindi pa rin makapaniwala sa nabasa.
Of all the place, why is it to be Rampage Society? Sa lugar pa talaga kung saan noo'y labis kong inaayawan, ang lugar na isinumpa kong hindi ko pupuntahan kahit kailan, pero kita mo nga naman— para akong pinaglalaruan ng tadhana. Oh, God!
This can't be true alright! Muli akong nagbaba ng tingin sa email at inisa-isa ang bawat letra roon at baka namamalikmata lang ako, baka masyado lang akong inaantok at mali ang pagkakabasa ko. But for the second time around, bumagsak na naman ang panga ko sa sahig ng chopper.
Sana ay kainin na ako ng lupa o 'di kaya sana ay maglaho na lang bigla para wala na ring dahilan para maipagpatuloy ko pa itong mission ko. f**k, bakit ba masyadong mapaglaro ang tadhana? Kung tulog pa rin ako hanggang ngayon at panaginip lang ito ay sana hindi na ako magising pa.
"What's wrong?" Dinig kong tanong ng lalaki na siyang inilingan ko.
"Can you just send me at my place?" mahinang pahayag ko ngunit sapat na iyon para marinig niya.
Nalilito man ay marahan itong tumango bilang sagot. Bumuntong hininga ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung tama bang gamitin ko ang offer ni Mama upang makapasok ako roon nang walang kahirap-hirap.
Unless na lang kung gusto kong maging isang hooker? Pagak akong natawa sa sarili. Ako, magiging hooker? My ass, b***h. Never in my entire life na hinangad kong maging call girl.