Although, wala namang problema sa pagiging hooker dahil para sa ilang kababaihan na naghihikahos ay trabaho na iyon sa kanila. Na sa dami ng gusto nilang pasukang trabaho ay doon lang ang nakayanan nila.
Iyon lang ang trabahong tumatanggap base sa background ng buhay nila. Marami sa mga babae ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at nakukulangan sa pangtustos para sa araw-araw nilang pamumuhay.
Katulad ko ay hindi naman din nila iyon gusto, nangyari lang na wala na silang choice kung 'di pikit-matang tanggapin ang buhay na mayroon sila. Swerte ko na lang sa parte na kahit papano ay nakaangat na kami sa kahirapan.
Hindi ko na kailangan pang danasin ang naranasan ni Mama— and all thanks to her. Labis ko mang kinaayawan ang nakaraan niya ay hindi pa rin naman maipagkakaila minsan ko ring itinuring na hero si Mama— she's the best mother for me.
Mapait akong napangiti sa kawalan, kapagkuwan ay tahimik na naglakad sa gilid ng kalsada. Hila-hila ko ang maleta nang pumasok ako sa gate papasok ng village. Sa tulong ng private chopper ng Organization ay mas mabilis ang naging biyahe ko.
Iyon nga lang ay dahil six hours ahead ang oras ng Pinas sa Italy, pasado alas dos na ng hapon ako nakarating. Sa bahay ay naabutan ko roon si Papa na abalang nagbabasa ng newspaper at dahil nakatagilid ito ng upo sa pang-isahang sofa ay mabilis niya akong nakita at nalingunan.
Kita ko mula rito sa pwesto ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Ang hawak nitong diyaryo ay unti-unti niyang ibinaba sa mesang naroon sa gitna, tinanggal pa nito ang suot niyang reading glass at napatayo mula sa kinauupuan.
"Reece?" aniya nang nakakunot ang noo dahilan para mapangiti ako.
May sa katandaan na nga talaga ito, pero kahit na ganoon ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya, parang walang pinagbago dahil halata pa rin ang pagiging dominante nito. Kaya rin hanggang ngayon ay lapitin pa rin ng mga babae.
No wonder ay sakit din sa ulo si Papa kay Mama. Sa naisip ay natawa na lamang ako, hindi ko na siya hinayaang maglakad pa dahil ako na ang nagkusang lumapit dito at mahigpit itong niyakap sa kaniyang baywang. Doon ko nalanghap ang natural nitong amoy kung kaya ay mas napangiti ako.
I am finally home after how many years. God, na-miss ko iyong ganitong pakiramdam na parang safe ako, na hindi ko kailangang mag-alangan dahil sa uri ng trabaho ko ay aware ako na nasa hukay ang kabilang paa ko.
"Papa..." sambit ko, kalaunan nang maramdaman ko ang dalawang braso niyang yumakap sa akin. "I miss you, Pa."
"I miss you more, hija," sagot nito at saka pa hinaplos ang medyo magulo kong buhok dahil sa klase ng pagtulog ko kanina sa chopper.
Huminga ako nang malalim at hinayaan ang sarili sa ganoong sitwasyon. I'm a ‘daddy's girl’ way back in my childhood, hanggang ngayon pa rin yata? Mas kasundo ko siya sa lahat ng bagay, suportado niya lahat ng ginagawa o mga pangarap ko.
Kumpara kay Mama na may pagka-strict at metikolosa, lalo pagdating sa mga ginagawa ko. Kung ano ang nais nito ay gusto niyang masunod, kagaya na lamang noong ino-offer niya sa akin ang Rampage Society, umalis ako sa Pinas na masama ang loob dahil ayaw niya akong payagan at paalisin.
"Napaaga ang dating mo, ah? Anong nangyari? Tapos na ba ang kontrata mo roon sa Italy?" sunud-sunod nitong pagtatanong.
Ang alam nila ay by contract ang pinasukan kong company but the truth is, lifetime employment ang kontrata ko sa Black Hawk Dragon Organization. Walang alisan, unless ay mag-retire ako at age of sixty or ma-force resign.
Iniiwasan kasi ng organisasyon na paiba-iba ang tauhan nila to keep their company's secret, kaya kadalasan doon ay matatagal na at doon na rin tumatanda. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ang itatagal ko roon, pero habang masaya pa ako ay hindi muna ako aalis.
Kahit ngayon na parang banta sa buhay ko ang susunod kong mission. Titingnan ko muna kung hanggang saan ang kakayanin ko, for as long as hindi naman ako pupunta sa Rampage Society bilang hooker doon bagkus ay journalist pa rin.
Mayamaya pa nang hindi ko na nasagot ang tanong ni Papa nang sabay kaming nakarinig nang pagkabasag dahilan para humiwalay ako sa kaniya at nilingon ang bagong dating— si Mama na siyang tulalang nakatitig sa akin.
Nabitawan pa nito ang hawak-hawak na tray na may lamang isang baso ng kape, marahil para kay Papa upang meryenda nito kung kaya rin ay mabilis siyang nilapitan ni Papa at pinalayo sa mga bubog na naroon sa paanan niya.
"Ma..." pagtawag ko rito at tipid na ngumiti.
"Re—Reece?" Katulad ni Papa ay bakas din ang pagkagulat niya nang makita ako.
Sa pagmamadali kanina ay hindi ko na nagawang magsabi sa kanila na darating ako ngayon, nawala na rin sa utak ko dahil masyado na akong nilamon ng next mission ko kung kaya buong biyahe ko ay lutang ang isipan ko.
Dahan-dahan ay nilapitan ko ito at walang pasabing niyakap si Mama na kaagad niyang sinuklian. Kung ano ang higpit ng sa akin ay ganoon din ito, tila pa ayaw na ako nitong pakawalan dahilan para mahina akong matawa sa dibdib niya.
"I miss you... Mamu," bulong ko na mas lalo niyang ikinagulat.
Iyon kasi ang dati kong tawag sa kaniya, pero nang lumaki at nagdalaga na ay ginawa ko na lamang pormal. Madalas ay ginagamit ko na lang iyon noon sa tuwing naglalambing ako sa kaniya o kapag may gusto akong ipabili.
Kahit naman hindi kami okay noong umalis ako ay hindi rin naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Hindi ko kayang tiisin ang sariling pamilya, lalo si Mama na namulatan kong kasa-kasama ko simula pa lang noong pagsilang niya sa akin.
Alam ko ang dinanas nito noong wala si Papa sa tabi niya, naroon ako noong mga panahong pumasok ito sa Rampage Society and at the age of five, wala pa akong muwang noon, saka ko lang siya natanto nang mabanggit ulit sa akin ang salitang Rampage Society.
"Reece, anak," aniya at saka pa pumiyok dahil sa kaniyang pagtangis.
Natawa na lamang ako dahil noon pa man ay napakababaw na ng luha nito, iyakin nga raw sabi ni Papa. Kahit nina Tita Summer, Tita Heather the great Malifecent, ni Tita Empress at Tita Skye— sila ang magpapatunay na cry baby si Mama.
Mabuti at hindi ko iyon namana sa kaniya. Kalaunan nang humiwalay ito sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi, saka niya ako tinitigan sa mga mata dahilan para makita ko ang paisa-isang pagtulo ng luha nito.
"Miss na miss ka ni Mamu," pahayag niya at pinanggigilan pa ang pisngi ko.
"Mama naman," natatawa kong saad at hinawakan ang dalawa niyang braso upang pigilan ito.
"Pero maiba nga tayo, bakit napaaga ang dating mo? Hindi ba't next year pa ang katapusan ng kontrata mo? Iyon ang sabi mo sa akin. May nangyari ba?" takang tanong nito at tumigil sandali.
Bahagya pa itong lumayo sa akin at saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko hanggang sa muli ako nitong balingan. Nakangiti kong pinagmamasdan siya habang halos magkadikit na ang dalawang kilay nito.
"Ma, nag-resign na po ako." Bumuntong hininga ako at pilit ulit na ngumiti upang itago ang panginginig ng boses ko para sa kasinungalingan kong iyon.
"Bakit ka nag-resign?" pagsingit ni Papa nang matapos ito sa ginagawang pagligpit sa mga bubog, rason para lingunin ko siya.
Kibit ang balikat ko. "Masyado na kasi akong naho-homesick doon, kaya baka siguro ay dito na muna ako maghahanap ng trabaho. Pakiramdam ko ay hindi ko talaga kaya na wala kayo sa tabi ko."
"Ngayon mo pa talaga naisip 'yan, aber? Apat na taon ka na roon sa Italy," palatak ni Mama kung kaya ay natawa ako.
"Syempre, Ma, iba pa rin kapag nandito ako at nakikita ko kayo. At least ay araw-araw akong may inspirasyon," nangingiti kong banggit.
"Sus, ginoo..." bulalas ni Mama, ilang saglit pa nang mapangiti rin dahil sa tuwang naramdaman.
"Bakit? Wala ka pa bang boyfriend?" dagdag ni Papa na tika manghang-mangha sa natanto.
"At bakit naman siya magbo-boyfriend? Career muna, saka na mag-boyfriend kapag successful na," segunda ni Mama na pinanlalakihan ng mata si Papa kung kaya ay itinikom nito ang bibig.
"Wala pa naman akong balak na mag-boyfriend."
Tumalikod din ako kaagad upang itago ang pait sa mukha ko— mukha ng taong nagsisinungaling sa harapan ng kaniyang magulang. Kunwari pa ay tinungo ko ang maleta na naroon sa hamba ng pintuan bago hinila pabalik sa sala.
"Hmm, if ever po ba na pumasok ako ng Rampage, tatanggapin pa rin kaya ako, Ma?" deretsong tanong ko at binalingan sila na ngayon ay natulala na lang sa mukha ko.
"Gu—gusto mong—" Si Mama na halos hindi na yata makapagsalita dahil sa pinagsamang gulat at pagkamangha sa sinabi ko.
"Himala at nagbago ang isip mo? Pumapayag ka na? Anong nakain mo?" segunda ni Papa nang hindi na magsalita si Mama.
Mabilis akong tumango bilang sagot at naglakad palapit sa hagdan, saka nagsimulang umakyat sa mabagal na paraan. "Opo, gusto ko rin sana ay bukas na ako magsisimula. Ayokong mabakante."
Napabuntong hininga pa ako nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Ayaw ko man sanang pumasok doon ay wala na akong magagawa— sa madaling sabi ay dead end ang kinahantungan ko sa mission ko.
Kinagabihan nang dumating si Lauren galing sa kung saan at pumasok sa kwarto ko, naabutan pa ako nitong nakatulala sa may veranda habang malalim ang iniisip. Mayamaya pa nang tapikin nito ang balikat ko at saka ako ginulat.
"Ate!" tili nito, kasabay nang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.
"Lauren..." sambit ko, saka siya tuluyang hinarap.
Napangiti pa ako nang makita ang itsura niya, suot nito ay black lacy hanging sando na pinatungan niya lang ng crop top maong jacket. Samantalang ang white skirt naman nito ay kumalahati na sa kaniyang hita, saka pinaresan nito ng gladiator sandals.
Sa pananamit pa lang ay sobrang magkaiba na kami ni Lauren, kung noon ay naturingan akong ‘boyish’ sa uri ng istilo ko, siya naman ay may pagkakikay, maarte at maldita kung minsan. Malayong-malayo ang itsura naming dalawa dahil kung ako ay nagmana kay Papa, siya ay nakuha niya ang lahat ng mayroon si Mama.
Magkaiba rin ang way of thinking namin, opinion at pananaw sa buhay. She's now in her college life and taking a business management at mukhang balak nitong saluhin ang company ni Papa in the near future. Ganoon din si Lawrence na nakikipagsabayan pa rito at madalas na busy.
"So, balita ko ay tinanggap mo na ang Rampage?" tanong niya nang nakataas ang kilay, tila inuudyo ako. "Anong mayroon? May nakain ka ba?"
"Kailangan, e..." sagot ko at kibit ang balikat na binalingan ulit ang likuran.
Mula rito sa veranda ng kwarto ko ay kita ang kahabaan ng kalsada palabas ng village at dahil gabi na ay kumikislap pa sa paningin ko ang mga kulay dilaw na street lights. Maliwanag din ang nakalitaw na buwan mula sa kalangitan.
"Kailangan ko ng trabaho," mabilis kong segunda at mahinang natawa. "Ikaw? Balita ko ay may boyfriend ka na? Pakilala mo naman."
Nilingon ko ito na noo'y sumandal sa bakal na railings ng balcony at humarap sa loob ng kwarto ko, nakita ko pa ang unti-unting pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi. Dahil doon ay natanto kong totoo nga ang sinabi ko, nanginig ang kaniyang balikat at labas ang gilagid na ngumiti siya bago ako nilingon.
"Oo, Ate. Mayroon na... pero..." Tumigil ito saglit at sumimangot. "LDR kami ngayon. Kaya almost one year na kaming hindi nagkikita."
Sa narinig ay nangunot ang noo ko. "Huh, bakit naman? Nasaan ba siya?"
"Ayun— he's chasing his dream, pero anyway, alam mo, Ate... na-miss kita," aniya na para bang iniwawala nito ang topic.
Wala namang problema sa akin kung magka-boyfriend siya, as long as nasa tamang edad at nasa mabuting tao naman siya, why not? Bakit ko pipigilan ang mga taong nagmamahalan, right? Hindi naman ako katulad ni Mama.
Gusto ko pang matawa sa katotohanang bawal pa raw akong mag-boyfriend dahil career first muna, pero kapag kay Lauren ay okay lang? May favoritism bang nagaganap sa pamilyang 'to? Kibit na lamang ang balikat ko at inabot ang ulo ni Lauren.
Kapagkuwan ay marahang ginulo ang kaniyang buhok na siyang labis niyang ikinatuwa at muling yumakap sa braso ko. Magkaiba man kami sa lahat ng bagay— but still, nagkakasundo pa rin kami bilang magkapatid.