Chapter 3

2081 Words
Nakalimutan ko, pagdating sa akin ay maraming bawal. Kontrolado lahat sa akin kahit ang pagbo-boyfriend ko, kaya marahil may parte sa akin na natatakot pumasok sa isang relasyon dahil sa responsibilidad kong sumunod kay Mama. Kailangan kong sundin ang sinasabi niya, although wala pa naman talaga akong balak na mag-boyfriend. Wala pa iyon sa vocabulary ko, kahit pa minsan nga ay naiisip kong napag-iwanan na yata ako sa buong batch namin. Balita ko kasi lahat ng kaibigan ko noong college ay may kaniya-kaniya ng pamilya. And speaking of— what if may sarili na ring asawa at anak iyong lalaking minsan kong hinangad? Napahinga ako nang malalim. Ano naman 'di ba? As if naman din na gusto kong maging kabit. Jesus, ni maging hooker nga ay ayoko, sumabit pa kaya? Well, higit sa lahat ay ayokong makasira ng pamilya dahil kahit papaano ay alam ko iyong pakiramdam na may kulang. Minsan akong namulat na walang ama, tanging si Mama lang iyong kasama ko noon hanggang sa dumating iyong panahon na nagsawa na lang siguro ang Diyos sa kahihiling ko na sana ay makita ko na ang ama ko, kaya ayun at pinagbigyan ako. Kinabukasan nang masakit ang ulo ko nang magdilat ako dahil sa jetlag ko kahapon, marahan ko iyong hinilot at sandaling pumikit. Ilang beses pa akong napabuntong hininga sa pagod at bigat na nararamdaman ko. Kagabi nang mapag-usapan namin ni Mama na saktong alas otso ng umaga ang alis ko, kaya wala pang five nang gumising ako upang maghanda. Hindi dahil sa excited akong pumasok sa Rampage Society, kung 'di para bigyan ng oras ang sarili na lunukin ang katotohanan, pati na rin ang pride ko. Ngayon nga ay halos hindi ko pa rin masikmura na papasok ako roon. Kung hindi lang din naman talaga kailangan sa mission ko at kung may iba pa akong pagpipilian sa trabaho. Kung bibigyan lang ako ni Big Boss ng choices ay hinding-hindi talaga ako tutungtong doon. Ngunit kailanman ay hindi ako pwedeng tumanggi sa mga project ko. Walang ‘no’ button, matik nang tatanggapin mo iyon sa ayaw mo man o gusto. Sa lahat ng naging project ko ay ngayon lang ako hindi na-excite. Ito lang ang hindi ko nagustuhan. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at sandaling ginawa ang morning exercise ko na siyang nakagawian ko na sa Italy. Matapos ay deretso na ako sa banyo upang makaligo. Ilang minuto nang tuluyan akong lumabas doon. Isinuot ko lang ang simpleng white polo, black jeans at isang pares ng rubber shoe. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok kong kupas na ang kulay ng golden blonde at saka hinila ang maleta palabas ng kwarto. Sa hallway mula sa ikalawang palapag ay dinig ko ang mabibigat kong mga yapag. Hindi na ako nag-abalang magdala pa ng ilang gamit at kung ano iyong gamit ko kahapon na inuwi ko galing sa Italy ay iyon pa rin ang dala-dala ko ngayon. Tiyak ko namang hindi ako mag-e-enjoy sa pupuntahan ko at baka rin ay umuwi ako kaagad. "Ready ka na? Ang aga mo, ah?" bungad sa akin ni Mama nang makababa ako ng hagdan habang hatak-hatak ang maleta ko. "Kain muna tayo." Dahil doon ay iniwan ko muna ang maleta sa sala at sabay na kaming pumasok sa kusina, nakahanda na roon ang agahan at naroon na rin sina Papa at Lauren na matiyagang naghihintay. Himala rin ay nasilayan ko pa ang mukha ni Lawrence. Kahapon lang ay hindi ko siya mahagilap, malamang na kauuwi niya lang ngayong umaga para abutan ako. Well, bukod kasi rito sa bahay namin ay may tinutuluyan siyang unit, iyon ang regalo sa kaniya ni Papa noong last birthday niya. "Good morning," bati ko sa kanila at naupo sa bakanteng upuan na katabi ni Mama. "Good morning din, Ate," malambing na sagot ni Lauren na siyang kinindatan ko. "Mukhang excited ka, ah? Himala talaga na ang saya-saya mo ngayon." Sobrang obvious ko ba? Pero ako, masaya? Ni hindi nga kumakapit sa akin ang katagang iyon dahil sa mission ko. Ngunit sa sinabi nito ay nawala ang ngiti ko para sa umagang iyon na magkakasama kami, wala pa sa sarili nang mapangiwi ako. Ngunit saglit lang din iyon dahil ayokong ipakitang nagsisinungaling lang ako sa kanila. For the sake of my mission, kailangan ko 'tong gawin. Mabigat man sa loob kong niloloko sila ay wala na akong choice, ito lang ang alam kong mas madaling paraan. "Congrats, sorella. Palagi kang mag-iingat doon, tawagan mo lang ako kapag wala kang makausap," segunda ni Lawrence, rason para mapangisi ako sa kaninang nabanggit niya. Sorella means ‘ate’ in italian language. Iyan ang nakagawian niyang itawag sa akin simula nang magawi ako sa Italy, aniya kasi ay tunog gorilla kung kaya minsan ay ang sarap niyang kutusan. "Nakatulog ka naman ba nang maayos?" pagtatanong ni Papa, rason para lingunin ko ito. Marahan akong tumango bilang sagot at pilit ang sarili na ngumiti kahit ang totoo ay hindi naman. Nakatulog ako kaagad kagabi ngunit hindi naging sapat iyon. Isa pa ay sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko, parang gusto ko na lamang ulit humiga at matulog magdamag. "Opo." "Good, dahil mamaya ay lilipad na tayo papuntang Palau. Ihahatid na kita roon," sabi niya nang may ngiti sa labi bago inumpisahan ang pagkain. Palau? What the hell? "Anong Palau?" kunot ang noo kong tanong, saka binalingan si Mama na siyang nasa tabi ko. Sa pagkakaalam ko ay sa Makati lang iyon, ah? Naging Palau na? At saang lupalop ba ng bansa iyon? Tumaas ang kilay ko nang hindi magsalita si Mama, rason para mapabuntong hininga ito na para bang expected na niyang ganito ang magiging reaksyon ko. "Sa Palau ka malalagay at hindi sa Makati. Mas maganda roon. Well, actually, exclusive for all shareholders at VIP's ang resort na 'yon, kaya doon ka mapupunta," lintanya nito na mas lalong nagpagulo sa utak ko. "Bakit hindi sa Makati, Ma? Mas gusto ko roon," pagpupumilit ko habang mahigpit ang hawak sa kubyertos. "Ayoko sa Palau, o kung saan man." "Hmm. Hindi ko alam kung okay ba 'yan kay Madame X, pero as per what she said the last time na nag-meeting kami, sa Palau ang bagsak mo— I mean, ninyo." Naging kibit ang balikat niya. "Gustuhin mo man din doon ay wala ng space para sa 'yo, kaya maski ako ay wala ring choice." Napapantastikuhan akong tumingin kay Papa na tahimik lang na nakikinig, lumipat iyon kay Lauren na ganoon din habang abala sa pagkain. Pati na rin kay Lawrence na para bang wala rin itong alam. Wow? Para akong nadehado sa mission kong ito. Hanggang sa magbaba ako ng tingin sa pinggan kong wala pang laman, nawalan na ako ng ganang kumain kung kaya ay hindi ko na tinangka. Huminga ako nang malalim bago binitawan ang hawak kong kutsara at napasandal na lamang sa upuan. "Akala ko ba ay gusto mo 'to? Rampage Society pa rin naman iyon," nagtatakang tanong ni Mama at alam kong titig na titig ito sa akin ngayon na para bang pinag-aaralan niya ang kilos ko. Right— gusto ko dahil kailangan, pagak akong natawa at wala sa sariling tumango-tango. "Yeah, look like do I have a choice." Ilang minuto pa ang nagdaan nang matapos kami sa pagkain, I mean, sila lang pala dahil hindi naman talaga ako nakakain nang maayos. Ngayon nga ay hila-hila na ni Papa ang maleta ko palabas ng bahay. Nauna na ito sa kaniyang sasakyan habang ako ay kaharap pa sina Mama at Lauren. "Kung magkakaroon man ng problema ay huwag mo akong kalilimutang tawagan, okay?" pahayag ni Mama at saka ako muling niyakap. Ngumiti na lamang ako at niyapos na rin siya. Hinila ko si Lauren upang isama sa yakapan namin na siyang mabilis niyang sinuklian. Ganoon din si Lawrence at Papa na nakisama sa group hug. "Mami-miss ulit kita, Ate," bulong ni Lauren sa tainga ko dahil nakapatong lang ang baba nito sa balikat ko habang mahigpit akong yakap-yakap. "Ako rin, sorella. Kakauwi mo lang, pero aalis ka na naman," tila nagtatampong banggit ni Lawrence, kaya natatawa kong ginulo ang buhok nito. "And I will miss the two of you," sambit ko bago kumawala sa kanila. "Huwag kayong pasaway kina Mama at Papa." Masaya akong napangiti, kapagkuwan ay binalingan si Mama na siyang tahimik lang habang nakamasid sa akin na hanggang ngayon ay tinatantya pa rin nito ang emosyon ko. Naiinis man din sa nangyari kanina ay pinili ko na lamang ang ngumiti. "Mami-miss kita, Ma. Ingat ka po palagi," pahayag ko at wala nang sabi-sabing niyakap ulit siya dahilan para magalak ito. "I love you, hija." Hinalikan nito ang noo ko, kasabay nang paghaplos niya sa buhok ko. "Pasensya na kung hindi kita sa Makati mailagay dahil utos din iyon ni Madame. Mag-ingat ka rin, okay? Huwag kang magkakasakit, sinasabi ko sa 'yo..." "Ma," tumatawang pag-awat ko. "Sige na po, mauuna na kami. Paalam." Huminga ako nang malalim bago pumihit paharap sa hamba ng pintuan at deretsong naglakad palabas. Kahit papaano ay naging magaan ang loob ko sa pag-alis ko. Hindi ko na rin muna inisip ang kahahantungan ko sa Palau. "Pagbalik mo, Ate, dapat ay may boyfriend ka na! Saka tayo mag-double date!" pahabol na saad ni Lauren, kaya saglit akong natawa. Wala akong oras na mag-boyfriend, mas hihilingin ko pang matapos na ito kaagad. Sana lang talaga ay maganda itong kalalabasan ng pagpunta ko sa Palau, where it's located at southeast of the Philippines in Oceania— ayon sa ginawa kong research kanina. Ngayon ko lang natanto, sa uri ng trabaho ko ay isa na itong importanteng mailalahad ko bilang isa sa detalye ng Rampage Society. Marahan akong tumango sa naisip dahil mayroon na akong paunang tatalakayin pagdating ko roon. Overall, okay din pala. Mukhang adventurous ang kalalabasan nitong mission ko. Nang makasakay sa kotse ni Papa ay mabilis niya ring pinausad iyon. Tahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat habang maang na nagmamasid sa dinaraanan namin. Malakas ang kabog ng dibdib ko ngunit hindi ko na masyadong pinansin. Ilang minuto pa nang huminto iyon sa tapat ng company niya at natanto kong gagamitin nito ang kaniyang private chopper na siyang minsanan lang gamitin in case of emergency. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko na namalayang nakaayat na pala kami sa pinaka-rooftop ng building at naroon na si Papa sa loob, inilalahad ang kamay niya sa akin. Saglit akong natulala sa kaniya habang iniisip ba kung tama pa ba ito. "Kailangan niyo pa ba akong ihatid, Pa?" pagtatanong ko at saka tuluyan nang inabot ang kamay nito. "I just want to make sure na safe kang makakarating doon." Dinig kong sagot nito sa kabila ng ingay na nanggagaling sa engine ng chopper. Wala na akong nagawa at kibit-balikat na lamang na napasandal sa kinauupuan. Hindi rin nagtagal nang unti-unti ring umaangat ang sinasakyan naming chopper at dahil sa antok ay mas pinili ko na lang munang pumikit. Kuyom ang dalawang kamao kong nakapatong sa hita ko, tahimik na nananalanging sana ay maayos ang lahat at maging matagumpay ako. Anim na buwan lamang akong maglalagi roon dahil iyon ang ibinigay na palugit sa akin. Ngayon pa lang ay iniisip ko nang sa oras na matapos ako, ano ang idadahilan ko upang makaalis sa lugar na iyon? Malalim akong napabuntong hininga, kasabay nito ay tuluyan na akong nakatulog. Hindi ko na alam kung nasaan kami at kung anong oras na nang magising ako. Mabilis akong nagdilat para tingnan ang paligid at ganoon na lamang ako mamangha sa nakikita mula sa baba. It was like a paradise dahil sa sobrang ganda ng tanawin, sa karagatang litaw na litaw ang pagiging asul hanggang sa rock island na natatanaw ko pa mula rito sa itaas. "You're enjoying the view, don't you?" masayang turan ni Papa nang makita nito ang pagkamangha sa mukha ko dahilan para lingunin ko ito. Am I? Kung kanina lang ay kinakabahan ako, ngayon ay parang nahulas yata iyon at tanging excitement na lang ang nararamdaman ng katawang lupa ko. At sa lahat ng napuntahan kong lugar, hindi ko itatangging ito ang may pinakamagandang tanawin. Hindi ko lubos maisip na iyong mission na kinaayawan ko ay siya pang may magandang tanawin na para bang binabaligtad nito ang opinyon ko. Imbes na malugmok ako sa pagkadismaya ko ay mas nangingibabaw ngayon ang saya ko. "Probably, you'll enjoy your staycation here," dugtong ni Papa at wala pa sa sarili nang mapatango ako bilang pagsang-ayon. "Yeah, I hope so." Just, please... be good to me, Palau.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD